"Answer your assignment then past it tomorrow. Vacant niyo bukas kaya may time pa para tapusin niyo ang activity niyo tomorrow morning sa time ko. Until 7:30 lang. Lumagpas doon, automatically zero sa assignment and activity." Paliwanag ni Sir Ivan sa lahat.
"Yes, Sir."
"Alright, then. Good bye------" Bago pa niya matapos ay may malakas na pagsabog ang narinig at gumimbal sa kanila. "WHAT WAS THAT?!"
Lahat nag-panic. Lahat natakot. Lahat kinilabutan.
Maliban na lamang sa dalawa. Specially Cylu.
'Hell yeah.' Isang nakakabwisit na ngisi ang maipipinta sa kaniyang mukha.
Hindi na naman nakatakas sa mata ni Ivy ang pagngisi ni Cylu.
Itinuro niya ito sa lima. "Look at her! She even smirked, kahit na may sumabog!" Dahil sa sigaw nito ay lahat tumingin sa kaniya.
Biglang nawala ang ngisi nito bago pa tumingin ang lahat sa kaniya. Bale si Ivy lang ang nakakita.
Tumingin si Cylu sa lahat pagkatapos ay kay Ivy habang tinuturo ang sarili. "Me?" Inosente nitong sabi.
"Yes! Kagagawan mo na naman ito! You witch! Tumigil ka na----!"
"Ivy! What are you talking about?! Mag hunos-dili ka nga!" Suway ni Sir sa kaniya. "Wait for me here. I'll check it. Walang lalabas." Mahigpit nitong babala sa lahat.
Sinugod na naman nila si Cylu. "Tumigil. Ka. Na. Tumigil ka na!!" Niyugyog pa ni Ricah ang balikat ni Cylu upang gumising ito sa katotohanan.
"Bakit siya ang sinisisi niyo?" Usisa naman ni Amari.
"Wala naman siyang ginagawang masama-----" Pinutol ni Sam ang sasabihin sana ni Vivien.
"Walang ginagawang masama?!" She gasped sarcastically. "Really? Hindi niyo lang alam!"
"Bakit? Ano ba sa tingin mo ang alam mo?" Prankang tanong naman ni Amari.
"Amari. Tama na.." Suway naman ni Patrick sa kaniya. Halatang may pinapaburan.
Nakayuko pa rin si Cylu kaya niyugyog ulit siya. "Cylu! Ano ba?! Tama na-----! AaAH!!!" Lahat napadapa dahil masyadong malakas ang pagsabog sa ikalawang pagkakataon. Ngunit ang ipinagtataka ng lahat ay kung bakit nakaupo lang si Cylu na para bang hindi naapektuhan.
"SEE?!?!" Tumayo si Aily. "Kita niyo?! Hindi man lang siya nagimbal! Tangina? Ano bang meron sa'yo? Kagagawan mo kasi lahat, Cylu, tumigil ka na----!"
"AAaaaaAAAHh!!!!" Sa pangatlong pagsabog, nakita nilang tumama ito sa katabing building na pag-aari naman ng Junior High. "Enough!! Tama na!!"
Nagsimula na silang umiyak.
Nagsimula na silang magdasal.
Ngunit halos lahat ay nagsimula na ring isisi kay Cylu ang nagyayari.
"Patahimikin mo na ang school, Cylu! Jusme! Na-sstress ang beauty ko sa'yo!" Sigaw naman ni Amari.
Hinampas naman siya ni Cheanne sa inakto nito. "Amari! Manahimik ka na nga lang! Parang tanga! Pangit mo naman----!"
Hinampas din niya ito pabalik. "Bakla ka! Maganda ako, 'no!"
"Weh?" Hindi naman makapaniwalang sabi nito.
"Mas maganda ka nga lang.." Pag-amin ni Amari. Totoo naman. Maganda si Cheanne ngunit wala sa kaklase nila ang may lakas na magkagusto sa kaniya dahil nga sobrang taas ang tingin nila sa kaniya.
Hindi nila abot kumbaga.
Tumigil na ang pagsabog. Ngunit ang mga upuan at lamesa nila ay nagkagulo-gulo na rin dahil nga sa lakas ng impact noong pagsabog.
YOU ARE READING
The Class In 2020 (COMPLETED)
De TodoRoses are red. Violets are blue. When she says it will, believe... it's true. Start: July 22, 2020 End: August 16, 2020