Chapter 20. Does She?

8 2 0
                                    

Danica balled her fist. She was so pissed because of Cylu's expression. "What the hell are you saying? I really couldn't understand you."

"HAHAHA!" Totoong tawa na talaga ang pinakawalan nito. "Rea...lly? Sige na... Don't be shy, baby.. Speak. Come. Speak na."
"Arghhh!!!" Wala na siyang magawa kundi ang sumigaw lang na lalong ikinatawa ni Cylu.

Kunwaring nag-isip ito. "Hmmm? Let's take it slowly.. Do you know the word, Tagalog?" She said the last word with accent.

Bigla namang nanlaki ang mata nito at kinabahan. "W-what?"

"Tss. I won't say it again. How about, hmm.. Satanas?"

Nahugot naman nito ang hininga, hindi na tuluyang nakapagsalita.

Dahil naiinip na siya at kailangan pa niyang puntahan si Nicole ay sinigawan na niya ito. "MAGSALITA KA NA!! REVEAL YOUR REAL FUCKING IDENTITY!"

Ilang sandali lamang ay ngumisi ito, itinaas ang kaliwang kilay. "Paano kung ayoko?" Sambit nito still with English accent.

Doon napatunayan ni Cylu na tama ang nakita. Hindi lang ang hinaharap ang makikita niya sa noo ng bawat-isa. Makikita niya rin kung sino at ano talaga ito.

Kung gugustuhin niyang makita. Dahil na-excite siya sa identity nito ay hinukay niya sa noo ni Danica ang kung ano siya.

Naubusan naman ng sasabihin si Cylu ngunit andoon pa rin ang excitement.

"Ta...kot ka na ba?" Pinanlisikan siya nito.

Ngumiti naman ng pagkatamis-tamis si Cylu. "Naubusan lang ng sasabihin, takot na? Hindi ba pwedeng... nakakabigla talaga nang sa'yo manggaling na kampon ka ngang talaga ni Satanas?"

"Hindi ko naman ipagkakaila iyon.. Nakapagtataka lang kung paano mo iyon nalaman------"

Pinutol agad ni Cylu ang sasabihin niya. "Hindi naman madaling hulaan iyon, Danica. Sobrang simple lang." Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa pabalik sa kaniyang mata. "Kung paano ka kumilos at kung paano ka magsalita. Hindi iyon naaayon sa isang normal na katulad nila."

"Ang ibig mo bang sabihin, hindi ka rin normal na kagaya nila at isa ka ring kampon----?"

Naglakad siya papuntang harapan dahil nangangalay na siya, "Hindi naman porke hindi ako normal 'gaya nila ay kampon na rin ako ni Satanas. Sadyang... tanga ka lang kung bakit ay pinili mo iyon para makaganti sa umapi sa'yo----?"

"Anong gusto mo? Tatahimik na lang------?

Humarap siya kay Danica, tatlong metro ang layo sa isa't isa. "Hindi ko naman sinabing tumahimik ka. Sobrang dami lang kasi ng paraan upang ipa-realize na mali ang ginagawa nila. Dahil doon, kahit na may sayad ka, normal pa rin ang tingin ko sa'yo at sila ay mga abnormal na tao." She tsked. "Pero hindi, eh. Mas pinili mong------"

"TUMIGIL KA NA!!!" Isang sigaw lang iyon ngunit nagsibasagan ang ibang bintana't ilaw. Mabuti na lamang ay nakaiwas agad si Cylu dahil kung hindi ay matatamaan siya ng fluorescent light.

"Ikaw ang tumigil!!" Turo nito sa kaniya.

"I will stop if I already killed them all!!" Sigaw uli nito pagkatapos ay ngumisi. "One down. Cylu, one down, four lives to go."

Siguradong-sigurado itong patay na si Aily dahil sa puso siya mismo natira.

Cylu's eyes narrowed, 'So, lahat silang lima ay uubusin niya? Hindi na lang sana iniharang ni Amari ang sarili, when in the second try, mamamatay pa rin naman pala si Aily? Kung plano pala nitong demonyo na ubusin silang lima. Ayy... Pa-hero ka talaga, Amari.'

The Class In 2020 (COMPLETED)Where stories live. Discover now