Chapter 2

100 7 1
                                    

Sophia's POV

"Uy, wag ka nang umiyak. He's not worth of your tears" pag co-comfort ko kay Yra, break na sila ng boyfriend niya. Di ko nga alam na may bf pala tong baliw na to.

"Paano ako hindi titigil eh, mahal ko na siya?" Sagot niya habang pinapahiran ang luha sa mukha niya.

"Naku, tigilan mo ako ha. Walang Love bes, wala!" Natatawa ko sagot sa kanya

"Ang bitter mo talaga Sophia! Alam kong crush mo siya!"

"Huh? Sino?

"Vince? Ayieeee"

"Uh? Sino ba namang mag mamahal sa demonyong yan?"

"Ikaw. Ayieeeee"

"Ako? Sus, sa araw araw niya akong tinutuksong walking ball? Sa tingin mo may mamumuong feelings para sa kanya? Hell no!"

"Hays, ikaw talaga. Speaking of bebe mo, He's coming!" Natatawang sabi niya sa 'kin. Baliw talaga. May 'bebe' pang nalalaman.

"Pakyu bes!"

"Love you too, balik na 'ko sa room. Bye!" Tumakbo na siya papunta sa room nila. Magkaiba kasi kami nang section.

Vince? Crush ko? Ew! Demonyong sakristan yan eh. Gwapo naman sana, mala anghel pa ang mukha. Pag dating naman sa ugali, daig pa si satanas sa kagaguhan, idagdag mo pa ang kamanyakan niya. A BIG TURN OFF. Psh.

4 years? Wow 4 years na niya pala akong ginagaga. At infairness, na abot ko ang 4 years na panunukso niya sa 'kin

"Oy bola!" Sigaw niya habang papalapit sa 'kin.

"Ano na naman?!"

"Punta ka mamaya sa Gym. May laro kami" medyo nakilig ako doon sa sinabi niya, may game sila tapos pinapapunta niya ako? Wow!

"At bakit?" Tinarayan ko siya nang sagot. Ang Hard mo talaga Soph.

"Syempre, ikaw ang bola. Hindi makakaumpisa ang laro kung wala ka" sabi ko nga, nawala na yung kilig. Aba ang aga aga pa ah.

"Gago ka talaga! Ang aga aga pa para sa kagaguhan mo!" Pumunta na ako sa upuan ko.

Maya maya dumating na din ang teacher namin. Malas ko lang at seatmate ko siya. Shit! Mag katabi kami! Whole day pa! Hays. Ba't pa kasi tumangkad tong gagong to. Buti nalang at nasa likuran kami, at di nakikita o naririnig ng teacher ang pag aaway namin.

-AFTER CLASS-

"Soph! Videoke tayo!" Ah si Aia, yung kaklase ni Yra.

"Sa susunod nalang ako, mag rereview pa kami nina Lance eh."

"Sige"

Pumasok na ako sa room. Dito lang kamisa loob ng room nag review, early dismissal kasi kami kanina kaya wala nang tao.

"ANG HIRAP NAMAN NANG MATH!" napasigaw ako nung di tama ang sagot ko. At bigla na naman siyang dumating.

"Hi babe". Ginagago ba ako neto o ano? Lintek maka pang bwesit naman oh! Di ko siya pinansin at tinignan nang masama hanggang makalabas na siya, naiwan niya pala yung mga aklat niya. Kahit pala ang bully natututo ding mag aral no?

"Aminin mo, crush mo siya no?" Nakikilig na sabi ni Lance. Naku tong baklang to, sobra pa sa babae kung makilig.

"Ano? Yak! Sayo nalang kung gusto mo!"

Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas.

"Una na ako!"

"Buhbye Vince" Hay gagu talaga.

Vince's POV

Narinig ko yun lahat. Paanong hindi ko maririnig eh nasa labas lang ako nang room. So Crush niya pala ako? Nang nalaman kong aalis na siya nag lakad na ako palayo. Tumigil ako sa isang shed at umupo muna, hinintay ko siya at nung nakita ko siya. Tinitigan ko. Kahit pala mataba, eh maganda din no? 'Ano bang iniisip mo Vince?!' Tumayo na ako nung naka layo na siya sa akin. Alam kong naglalakad lang siya kasi malapit lang naman ang bahay nila sa paaralan. Sinundan ko siya hanggang sa bahay nila. Nung naka pasok na siya, nag antay na ako nang tricycle pauwi.

I love the Bully!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon