Chapter 14

54 2 0
                                    

Sophia's POV

Nagising ako na nakayakap sa katabi ko. Akala ko si Kuya pero hindi. Si Vince pala.

Wait, Vince? Ano ginagawa niya dito?

Ba't nasa kama ko siya? Ba't magkatabi kami? Leche. Anong nangyari?

"Uy. Gumising ka na nga!" Sigaw ko sa kanya habang pinapalo ang braso niya.

Kanina pa ako palo nang palo sa kanya, pero di parin gumigising.

Kumawala ako sa yakap niya at tumalikod sa kanya.

Nakatulog ako. Wait anong oras na? Tinignan ko ang wall clock at 9:45 na pala. Siguro pumasok na si Vince. May klase pa yun eh.

Bumangon na ako at inayos ang higaan ko.

Pagtapos ay bumaba na ako. Nagulat ako nang nakita ko si Vince na naka higa sa Sofa, nanonood nang cartoons. Ba't nandito pa siya?

"May pasok ka diba? Ba't nandito ka pa?" Tanong ko sa kanya at dumiretso na ako sa kusina.

"Sabi nang kuya mo. Bantayan daw kita, hanggang sa gumaling ka na." Sagot niya at sumunod sa kusina.

"Magaling na ako." Sagot ko naman sa kanya. Nagulat ako nang nakita kong may pagkain na sa mesa. Sino kaya ang nag luto? Aba syempre ang crush mo.

"Kumain ka na oh." Pinaupo niya ako at nilagyan niya ako nang pagkain sa plato.

Susubuan pa nga niya sana ako pero pinigilan ko. Ano ba, ang sweet na niya sana. Di ka pwedeng ma fall Soph. Di pwede. Hinding hindi.

"Sabay ka na" pagyaya ko sa kanya. Mahiya naman tayo, siya nagluto eh

"Ah mauna ka na" sagot niya.

"Sabay na nga eh!" Medyo napataas ang boses ko.

"O-kay". Sagot niya at kumuha nang plato.

Pagtapos ko pumunta na ako sa sala at nag laro nang phone ko. Hala? Bakit si Vince na wallpaper ko? Aba pinalitan nang ulol niya oh.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya at tumabi sa akin.

"Ang ano?" Tanong ko din sa kanya. Di ko siya naiintindihan.

"Ang wallpaper mo. Ako nag palit niyan kagabi" Siya pala. Aba.

Wait, pinalitan niya? Eh nakita niya yung ano. Yung ano. Shit nakita niya yung gallery. Nakita niya yung folder. Nakita niya lahat?!

"Nakita mo? Lahat?" Tanong ko nang parang iiyak.

"Oo" Then he smiled sweetly.

Shit. Bakit ko pa kasi siya pinapasok dito? Bakit ko pa kasi siya pinapunta? Grabe. Ang gulo nito.

Lumabas siya sa bahay nang hindi nagpapaalam. Sana umuwi na siya. Kaya ko namang mag-isa eh. Waaaaah. Deep inside ayokong umalis siya. Gusto ko siyang pigilan. Pero wala akong nagawa kung titigan siyang lumalabas.

Pumasok siya ulit sa bahay. May dala siyang damit.

"Makikiligo muna ako ha?" He said and a smile formed on his lips. Shet. Gusto kong siyang halikan. Aba wag muna Soph.

Maya maya ay lumabas na siya sa CR, na naka topless. Shet ang ganda nang abs niya. Napalunok ako sa nakita ko.

"Mag damit ka nga!" Sigaw ko at binato siya nang unan.

Pinulot naman niya iyon at ibinato pabalik sa 'kin.

"Ayoko nga!" Sigaw niya din at lumapit sa 'kin. Kumuha siya nang isang unan at hinampas ako.

"Aba?!" Sabi ko at hinampas ko din siya nang unan.

Nagtakbuhan kami, hampasan at asaran. Masaya ang araw ko. Salamat Vince.

Vince's POV

First time ko tong nakikita si Sophia na tumatawa. Masaya ako na nakikita siyang masaya.

Pero pagtapos nun, nawala ang kasiyahan sa mukha niya. Nilapitan ko siya.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya, di siya nakakahinga nang maayos.

Tumango naman siya at may itinuro siya sa kin. Di ko yun kilala kung ano. Kinuha ko naman iyon at tinignan kung ano. Gamot pala. May sakit siya?

Iniabot ko iyon sa kanya at kumuha nang tubig. Di ko alam kung ano ginawa niya dun. Di ko nakita eh.

Tumabi ako sa kanya at inakbayan.

"May sakit ka?" Sabi ko at Tumango na lamang ulit siya at yumuko.

"Sa puso?" Tanong ko ulit. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Naramdaman kong nababasa na iyon.

"Tahan na" sabi ko sa kanya. Pinahidan naman niya ang luha niya at nag salita.

"Di ako pwedeng mapagod. Baka mamatay ako nang maaga." Natatawang sabi niya. Bilib lang ako sa babaeng ito eh. May sakit na nga, nagagawa niya pang pagtawanan ang sarili niya.

"So, it means matagal ka pa gagaling?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, at baka di na nga ako gagaling" sagot niya.

"So that means matagal pa ako mag si stay dito" natatawa kong sagot sa kanya.

Tumayo naman siya kaagad at pumasok sa CR.

"Maliligo ako!" Sigaw pa niya.

Ngayon, napag desisyonan ko na talaga. Di ko siya iiwan, di ko siya pababayaan. At di ko siya sasaktan. Konti nalang ang babaeng kagaya ni Sophia dito sa mundo. Ang babaeng mapagmahal, matatag at masayahin despite sa sakit niya.

I love the Bully!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon