Sophia's POV
Ang sakit nang ulo ko. Ano ba naman 'to? Wala pa dito ang magagaling kong ate at kuya. Shiz. May lagnat na siguro ako. Ang lamig. Umuulan sa labas, tapos naligo pa ako sa ulan kanina. Ayan kasi Sophia,
Napatawag din ako kay UN. Di ko na alam kung ano tinatakbo ng utak ko.
[Hello?]
"Hi"
[Ba't iba boses mo? Umiyak ka ba?]
"Hindi no, at bakit naman ako iiyak? May lagnat lang ako."
[Asan ka ngayon?]
"Nasa bahay lang, bakit?"
[Pupuntahan kita]
*Call Ended*
Ha? Bakit niya binaba? At bakit niya ako pupuntahan?
Ano ba talaga problema nang lalakeng to? Di ko pa nga siya kilala.
Humiga ako sa sofa. Naglaro ako ng phone ko. Sobrang boring pag wala sina ate. Si Ate kasi may Seminar, habang si Kuya, bumalik na sa barko.
Inon ko yung tv, humiga ulit ako nang may narinig akong dumating sa labas ng bahay.
Pagbukas ko nang pinto mukha ni Vince ang bumungad sa 'kin.
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Sinabi ko sa kanya habang binubuksan ang gate.
"Diba, I told you, pupuntahan kita?" So ano? Siya nga ba talaga si UN?
"Huh? Paano?" Mejo maraming kabaliwan ang ginawa sa 'kin ni UN. Yung panliligaw niya, nakakaurat. Si Vince lang pala yun.
"Ngayon ang tamang panahon na makilala mo ako, I was the one calling you and texting you almost everynight. I was the one comforting you when I hurt you and you keep on crying. Sophia, andito ko ngayon para itama ang lahat nang mali ko sayo." Habang explanation yun ah.
"What do you want? Masakit yung ulo ko, nilalagnat ako. Umuwi ka na" pagtatatabuyan ko sa kanya
"No"
"Pumasok ka na, wag ka lang malikot" I don't know kung ano na nangyari sa utak ko, its like Okay lang na pumasok siya sa bahay ko, na kaming dalawa lang.
Eto ako ngayon, nakahiga sa sofa. Katabi ko siya. Pero di kami nagpapansinan. Busy siya sa phone niya ako busy sa panonood nang cartoons.
"Kumain ka na?" Panimula niya. Pero di ko pinansin.
Mas lumapit siya sa 'kin at ipinatong ang ulo ko sa kandungan niya. Pinaglaruan niya din ang buhok ko.
"Soph, kumain ka na ba?" Tanong niya ulit. "Oo, bakit?" Sagot ko nalang.
"Uminom ka na nang gamot?"
"Di pa."
"Uminom ka na" Pagpupumilit niya pero di ko sinunod.
"Soph, pumasok ka na sa kwarto. Magpahinga ka na." Pinapapasok na niya ako? Ang aga pa ah? Kung uuwi na siya pwede namang umuwi eh. Di ko siya pipigilan no.
"Maya na" Pasaway ako no?
"Soph, dali na" Tumayo na ako at umakyat. Di ko na siya pinansin. Dirediretso na ako sa kwarto at humiga sa kama. Di ko na siya hinanap. Baka umuwi na yun.
Vince's POV
Umakyat na si Sophia. Kumuha ako nang gamot at tubig. Dadalhin ko na sana iyon kay Sophia nang tumawag naman si Kate. Nag tanong lang naman siya kung asan daw ako. Di na ako nagsinungaling at sinabi ko naman kung nasaan ako.
mag a-absent nalang ako bukas para mas ma alagaan ko si Sophia.
Dito na muna ako hanggang gumaling siya. Buti nalang at may extra akong damit sa loob nang sasakyan.
Umakyat na ako at nakita ko si Sophia sa kama na nakahiga patagilid. Akala ko tulog na siya pero nag lalaro lang pala nang phone niya.
"Soph?" Tawag ko sa kanya. Agad naman siyang humarap sa akin at parang gulat na gulat ang mukha niya.
"Ba't andito ka pa?"
"Babantayan muna kita. Hanggang sa gumaling ka."
"Okay na ako, pwede ka nang umuwi. May pasok ka pa bukas"
"Hindi. Babantayan nga kita, inumin mo na to" sabay bigay sa kanya nang gamot at ininom niya din ito. Humiga din siya pagtapos. Niligpit ko muna ang tubig at baso na ginamit niya kanina at nilagay iyon sa side table.
Tumabi ako sa kanya at kinuha ang phone niya.
"Ako na bahala dito sa village mo. Matulog ka na." Babawiin niya sana ang phone niya pero inilayo ko ito sa kanya. Inayos niya ang kumot niya at tumalikod sa akin.
"Basta wag na wag mong basahin lahat nang nasa messages."
Bumangon muna ako at pinatay lahat nang ilaw at bumalik din sa kama ni Sophia at humiga.
Tinawagan ko muna ang kuya niya at sinabihang sasamahan ko muna si Sophia sa bahay nila. Pumayag naman siya basta wala lang masamang mangyayari.
Hindi ako nag laro sa phone niya. Instead sa gallery ako pumunta. Nakita ko ang isang folder na heart. Tinignan ko naman ang laman nun at nagulat ako nang nakita kong puro pictures ko ang laman nun.
Napangiti nalang ako. Crush niya din pala ako.
Ginawa kong wallpaper niya ang isang picture ko doon at itinabi ang phone niya.
Inayos ko ang kumot niya. Natagalan din siguro akosa kakatitig sa kanya habang tulog na siya.
Nagulat ako nang nagsalita siya. Tinatawag niya ang ate niya na parang umiiyak. Nilapitan ko naman siya at niyakap.
"Sshh. Tahan na Soph, andito ako. Tahan na." Humarap din siya sa akin at tumahan din sa kakaiyak niya.
Nakaidlip na siguro ako nang nag ring ang phone ko. Alarm lang pala. Napansin ko din, si Sophia nakayakap sa akin. Kukunin ko sana ang braso niya kaso lang mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin
"I love you Soph"
Niyakap ko din siya pabalik.