//Fast Forward//
Monday
Sophia's POV
"Hi" narinig ko si Vince na nag salita sa tabi ko. Di ko siya pinansin. I'm busy with my phone. At baka may kausap naman siyang iba. Sinundot niya ako sa bewang at nagulat ako. Napasigaw ako ng mahina at natabig ko ang kamay niya.
"Ano ba?" Nagagalit kong sagot sa kanya. Nakakainis. Feeling close lang? Kahit crush ko pa siya. Nakakainis talaga.
"Galit ka sa 'kin?" Parang nakaka awa ang mukha niya.
"Oo, galit na galit. At pwede ba, pabayaan mo ako dito"
"Bakit?"
"Kasi galit ako."
"Bakit nga?"
"Bwiset! Pabayaan mo na ako!"
"Sorry"
"What?"
"I said, I'm sorry"
"Mabuti naman at marunong kanang mag sorry ngayon"
"Friends?"
"Oh? Ang mga demonyo pala nagiging anghel din"
"Grabe ka Soph." Parang kawawa ang mukha pero natatawa din. Totoo ba to? O nananaginip lang ako?
"Soph?" Kinikilig na ako!
"Hmm?"
"Pag may nanligaw ba sayo, sasagutin mo?"
"Bakit? Manliligaw ka ba?" Natatawa kong sagot.
"Hmm. O-Oo."
"Fakyu Vince. landi mo!" Sinabi ko yun. Nakakainis. Pake niya ba? Pero to be honest, gusto ko.
"Oh bakit?"
"Ah wala."
Nung uwian na, umalis na ako kaagad. Ayoko nang maabutan ni Vince, pero I failed. Nakita ko siyang nakasunod na naman sa 'kin. Hala, may problema ba mga mata nun? Kainis.
Tumakbo siya papalapit sa 'kin. Naabutan niya ako, at hinawakan ang kamay ko.
"Sigurado ka? Ha Vince?". Sigaw ko sa kanya.
"Wait, mag uusap lang naman tayo. May problema ba dun?" Natatawa ako sa mga expression niya, kanina pa siya ganyan eh.
"Oo may problema talaga! Ano ba?! Uuwi na ako!" Sigaw ko ulit sa kanya. Muli niya akong hinatak at napa upo ako sa sidewalk. Tumulo na ang luha ko. Ano naman kasi, ang kulit niya.
Tumabi siya sa 'kin at pinahiran ang luha ko.
"Tahan na Soph, may sasabihin lang talaga ako sayo." Ano ba sasabihin niya? At mukhang inportante.
"Please Vince? Uuwi na ako. Pauwiin mo na ako." Sinabi ko sa kanya at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.
"Sige, bukas nalang tayo mag usap." Tumayo siya at pinatayo niya din ako, niyakap niya ako "Tahan na, sorry" sabi niya habang niyayakap ako.
Hinatid niya ako sa bahay, mabuti nalang at walang nakakita. Tumakbo ako papasok at umakyat kaagad ako sa kwarto. Tinignan ko siya sa labas, ba't andito pa siya?
Vince's POV
Ako pa ba 'to? Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila.
"Vince!" Narinig ko si Fritz. Alam ko na kung saan nang galing to.
"Oh kuya?"
"Sakay na ihahatid na kita." Sumakay naman ako kaagad.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ah wala, doon ako galing sa bahay ng kaklase ko."
Pag dating sa bahay, tinawagan ko na si Sophia, promise. Sasagot na talaga ako.
*calling Sophia*
[Hello?]
"Uhmm. Hi."
[Magpakilala ka na please?]
"Sa tamang panahon, malalaman mo din yan"
[Nagmamadali ako eh.]
*Call Ended*
Ba't niya ako binabaan? Galit ba siya o ano?
Sophia's POV
Binabaan ko siya ng telepono, ngayon, I feel uncomfortable talking to him. Magkaboses sila ni Vince, tapos si Vince nag sorry na sa 'kin.
I feel, Vince and Mr. UN ay iisa lang.
Matutulog na sana ako nang tumawag na naman si Mr. UN
*Calling UN*
Agad ko namang binaba iyon at nag send nalang ng message sa kanya.
-To UN-
Matutulog na ako, bye
-From UN-
Ok. Goodnight,sweet dreams baby.
Ang gulo ko na ngayon. Yung parang gusto ko siya na hindi gusto. Ang gulo talaga.
Maaga akong pumunta sa school. First time na maaga din si Vince.
Shit. Madami na tuloy akong dapat itago sa kanya. First, dapat di niya makita ang phone ko, na siya ang wallpaper saka madami din siya pictures sa gallery. Nagstalk ako. Second, dapat maging maingat ako. Dapat di ko siya makasama nang matagal. Baka mas ma fall pa ako sa kanya. At third, kailangan kong itago ang feelings ko sa kanya. Para mas safe. Baka mamatay pa ako nang maaga, madami kayang fans yang gagong yan.
"Hi Soph!" Sinalubong niya ako at kinuha ang bag ko, agad ko namang pinalo ang kamay niya, baka ma malisyahan na naman kami dito.
Diretso na akong umupo sa upuan ko at nag open ng phone.
"Hmm. May boyfriend ka na?" Ano bang pinagtatanong niya sa 'kin. Na overdose na yata to ng gamot.
"Wala, and according to you, Tatanda akong dalaga diba?" Sinagot ko siya. Pakialam ba niya? Pero deep inside sinasabi ng puso ko 'First step palang yan'. Shitt stop Vince! You're making me fall in love with you again.
"Stoo being like that Sophia, maganda ka, imposibleng di ka magkakaboyfriend" Kikiligin na ba ako? Shit talaga. STOP VINCE!
"Stop being what? I am who I am" English Powers Activate. Shiz
"Yes, you are who you are, and that's the special thing I've found in you"