Vince's POV
"Yes, you are who you are, and that's the special thing I've found in you."
"Tell me, Vince, Is this a kind of joke, or another prank?" Ang taray niya ha.
"This is Serious. Can't you see it in my face?"
"I see nothing, but your devilish face." Devil? Ba't devil? Mabuting tao ako Soph!
"No--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Pumasok na sina Paul.
"Uy, ang dalawa oh. Ang sweet!" Sigaw ni Paul. Nakita kong namula ang mga pisngi ni Sophia. Ang cute niyang tignan. Pero sinamaan ko muna ng tingin si Paul para tumahimik siya at tinignan ulit si Sophia. Nahuli ko siyang nakatitig sa 'kin.
"Soph?" Tawag ko sa kanya, na Star struck siguro sa kagwapuhan ko.
"Ay sorry" namula ulit ang mga pisngi niya. Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Soph, what's the meaning of this?"
"What's the meaning of what?"
"This. This blushy cheeks"
"Oh. Its nothing" sabay kuha ng phone niya at tinignan kung namumula nga ba siya.
Natapos ang klase na walang masamang naganap sa 'min. I mean yung pinapaiyak ko siya, sinasaktan. I guess this is really the first step.
Recess time nang nakita ko si Sophia na nag stay sa upuan niya. Agad ko naman siyang tinabihan at kinausap
"Bakit di mo kasama mga kaibigan mo?" I said it with a concerned tone. Talagang concerned naman ako sa kanya.
"Wala. Trip ko lang" I can sense it na may problema talaga sa kanya.
"Sure?"
"Hmm. Oo. Wait, may tanong ako."
"Ano yun?"
"Ano bang nakain mo na ganito na mga kinikilos mo ngayon? Nakakapanibago ka Vince." Because I learned how to love a woman like you. You deserve my love Sophia. And I will never stop in showing you how much I really do.
"Eh kasi, hmm. I don't understand myself"
"And may n-nabanggit s-si K-Kate s-sa akin" pautal utal niyang sagot. Wait, Kate? Baka sinabi niya na. Shit Kate! Madaldal ka talaga!
"Anong sinabi niya?"
"Na may nililigawan ka na daw, pero bakit nilalandi mo pa ako. Maharot ka Vince" Nakikita ko sa itsura niya na gusto niyang tumawa. Tinawag ba naman niya akong Maharot?
Our conversation ended there, dumating yung mga friends niya. Dumaan sila sa amin at sinamaan ng tingin si Sophia. Nakikita ko din si Sophia na yumuko nalang.
Now this is the time na magiging superhero ako ni Sophia. I'll protect her from those bitches. Iba ang tingin nila kay Sophia. I thought they were Sophia's friends. Pero parang mga palaka lang silang nag uusap pag umalis na si Sophia. Mabuti nalang at nandito pa ang tropa ng pinsan kong si Kate, na tanggap nila si Sophia.
I've never been this 'Showy' before. Baka mas mahal ko lang talaga si Sophia, na kaya kong i give up. Lahat. Para sa kanya.
Sophia's POV
Uwian na, lumabas na ako sa room at uuwi na sana akonang harangan ako ni Vince sa daan.
"Ihahatid na kita" pagsalubong niya sa 'kin.
"Ahh. Wag na, I can manage myself" sagot ko naman sa kanya at dumiretso sa paglakad.
"Soph! Sama kami!" Narinig kong sumisigaw si Crystel na tumatakbo. Kasama na nila ngayon si Eliana. Aba. Longtime no see kami nitong babaeng to.
"Oh. Bilisan niyo" sigaw ko sa kanila habang tumatakbo sila papalapit sa akin.
"Vince, sisirain muna namin yung date nyo ha?" sabi ni Kathlyn kay Vince with matching tapiktapik pa sa likod.
"Huh? Anong date?"
"Eh anong tawag mo dito?" Sabat ni Eliana.
Nagsimula na kaming maglakad palabas.
"Soph. Intayin mo kami sa bahay niyo. Ma advance ang slumber party natin. Pero kukunin pa namin yung mga gamit namin sa bahay ha?"
"Osige. Dali. Alis na kayo. Haha"
"Uy dalaga na siya" pahabol pa ni Crystel.
Naglakad ako pauwi na kasama si Vince. Yes. Magkasama kami, and I feel more comfortable and safe. Unlike araw araw na mag isa ako. Natatakot pa rin ako kahit ilang taon ko nang ginagawa ito.
"Soph, pag manligaw ba ako, sasagutin mo?" Tanong niya sa 'kin habang naglalakad kami.
"Depende, kung deserving ka, sasagutin kita."
"Paano kung sabihin ko sayong, manliligaw na ako sayo?" Sabi niya sabay akbay sa akin. Ano ba tong ginagawa niya? Baka mapagkamalan kaming magkasintahan nito.
"Edi manligaw ka, intayin mo hanggang sagutin kita. At kung mainip ka. Pwede mo din namang tigilan." Kinuha ko ang braso niyang naka akbay sakin pero binalik naman niya iyon.
"I won't stop"
"Oy Sophia! Wag malandi! Nasa daan kayo oh! Hahaha!" Sigaw na naman ni Eliana. Ang babaeng to. Baliw talaga. Anjan na pala sila. Shit. Nakita nila kami ni Vince na naka akbay siya sa 'kin. Malas ko. Ang malas ko.
Narating namin ang bahay at pinauwi ko na si Vince, habang kami naman nila Kathlyn, Kate, Crystel at Eliana ay pumasok na sa bahay.