Papunta na ako sa classroom, nang nakita ko si Vince at sumabay na siya sa 'kin.
"Hmm Hi?" Nakayuko kong sabi sa kanya.
"Oh? Ba't parang nahihiya ka?"
"Kasi first time kitang makausap nang mag isa"
"Ah yun ba?" Natatawa nyang sagot.
Di ko na siya pinansin hanggang nakarating kami sa room.
Pumunta muna ako kina Mary, at sinalubong naman niya ako nang mga salitang "Uyy. Ang sweet, sabay talaga kayo ha!"
"Baliw! Haha"
Umupo na ako sa upuan ko... na katabi ni Vince.
Nakakapanibago lang, di niya ako pinapansin o tinutukso. May problema ba to?
Nung uwian na, diretso na ako pauwi. Wala kaming review ngayon eh.
Ba't ako sinusundan ni Vince? Tutuksuhin na naman ba niya ako? Sasaktan ako?
Wow grabe naman imagination mo Soph.
Nung malapit na ako, tumakbo na ako saka pumasok sa gate. Isinara ko naman yun agad.
Vince's POV
Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan. Basta ayoko siyang mapahamak. Babantayan ko siya. Mamahalin. Pero di ko alam kung mamahalin ba niya ako pabalik.
Binubully ko siya noon, kasi gusto kong mag pa pansin sa kanya. Simula last year. Parang nag bago ang nararamdaman ko para sa kanya. Parang..
MAHAL KO NA SIYA
Sophia's POV
Naka idlip ako sandali nang may nay text na naman sa 'kin
-From UN-
Good Evening
-To UN-
Hi?
-From UN-
HI! KAMUSTA KA?
-To UN-
Pwede bang mag pakilala ka muna sa 'kin?
-From UN-
Kilala mo na ako.
-To UN-
Huh? Srsly? Magpakilala ka na kasi
-From UN-
Crush kita, I really like you.
-To UN-
Uhh. Di ako maganda. Ano ka ba? May problema ba mga mata mo?
-From UN-
Promise. Mahal na kita
-To UN-
Ay ewan ko sayo! Bye
-From UN-
Hey.
------------
Are you still there?
—————
Wala ka nang load?
—————
Di ko na talaga siya nireplyan. Ang kulit. Alam kong prank lang naman to eh.
-1 message recieved-
Sino na naman ba to? Ang kulit naman.
Inopen ko ang message. Nagulat ako nang nabasa ko ang message. Hindi siya, pero SMARTLOAD. And guess what, niloadan niya ako nang 30. Shizz ano ba tong pinasok mo Soph. Tangna.
-To UN-
Hey, may load pa ako.
-From UN-
Ba't di kana nag rereply? Gusto kitang maka usap.
-To UN-
Text lang. Mag rereply na ako
-From UN-
Hindi. Tatawagan kita.
Haaa?! Tawag? Shet ayoko na!
*riiiinggg*
-UN calling-
Sasagutin ko ba to? Sige sagutin mo. Para malaman mo na kung sino yan.
Vince's POV
Tinawagan ko si Sophia...
Shit sinagot niya. Paano na kung malaman niyang ako to? Baka ma turnoff siya sa kin knowing na binubully ko siya tapos magiging crush ko, baka sabihin niyang niloloko ko lang siya.
[Hello]
Di ko muna siya sinagot. Natatakot ako
[Hello? Dali sagot na! Sayang ang load]
Ayoko. Hindi ko kaya
[Ibababa ko na to]
Sayang! Sayang talaga! Pero okay lang. Alam ko namang mas nadami pang oras ang mabibigay ko sa kanya.