Vince's POV
Magaling na si Sophia, di na siya nilalagnat. Kaya umuwi na muna ako.
Pumunta muna ako sa computer sa kwarto ko at pinrint ang picture ni Sophia na tulog. I took a picture of her habang mahimbing ang tulog niya. Ang cute niya kaya tignan.
Humiga muna ako sa kama at inopen ko message ni Sophia.
-From Soph ♡-
Hoy lalake! Ang brief mo naiwan mo sa CR! HAHAHAHA
---
Natatawa ako sa ginawa ko. Naiwan ko ba talaga yun?
---
"Bro! Kayo na ba ni Sophia? Hahaha!" Natatawang sabi ni Paul. Nakasalubong niya kami ni Sophia na naka akbay ako sa kanya
"Di pa. But soon magiging kami na" Sagot ko kay Paul na nagpa badtrip na naman kay Sophia.
"Huh?" Singit ni Sophia at tumakbo papasok sa room.
Umupo na siya sa upuan niya. Tumabi na din ako sa kanya at nakita ko si Lance na nakatitig kay Sophia. Aba anong problema nang baklang yun? Siguro aawayin na naman nila si Sophia. Etchuserang bakla yun ah.
Lance's POV
Eto ako ngayon nakatitig kay Sophia. I can't understand this pero parang mahal ko na siya. Tinitigan ko din si Vince. Gwapo niya. Nakakalaglag panty. Pero mas maganda si Sophia. I told Julius na magiging lalake na talaga ako at liligawan na si Sophia. Mabait siya, matalino, at may malasakit sa kapwa. Siya ang ideal girl nang halos lahat nang lalake. Kaya di siya nagkakaboyfriend kasi di naman siya katulad nang ibang babae na puro landi. Kaya nga nagustuhan ko siya eh.
"Soph" tawag ko sa kanya nang nakita kong iniwan na siya ni Vince. Tatanungin ko siya kung sila na ba ni Vince. Pero sana hindi pa.
"Oh?" Tanong niya sa kin na naka kunot noo.
"Dinner tayo mamaya. May sasabihin ako" pagyaya ko sa kanya.
"Saan ba? Libre mo dapat ha?" Sabi niya at sinagot ang tumatawag sa kanya. "Wait lang ha? Sagutin ko muna 'to" dagdag niya at tumalikod sa kin.
Kahit naman naka talikod siya ay dinig na dinig ko ang pag uusap nila. Si Vince pala yung kausap niya.
[Soph, punta ako sa bahay niyo mamaya ha?]
"Ha? Anong gagawin mo dun?"
[Basta may sasabihin ako sayo]
"Sige sige. Anong oras ba?"
[Dinner? Okay na ba yun?]
"Ha? May pupuntahan ako eh"
[Minsan lang naman to Soph. Pumayag ka na]
"O-kay"
[Bye Soph. Love you]
Tuluyan nang binaba ni Sophia ang tawag. So official na sila? Di pwede. May pag asa pa ako.
"So tuloy tayo mamaya?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Sorry ha? May pupuntahan kasi ako. Sorry talaga"
Di na niya ako pinasagot at tumalikod na siya at lumabas sa kwarto
Umupo nalang ako sa upuan ko. Gusto kong umiyak. Eto pala ang feeling na nireject. Ngayon naiintindihan ko na lahat.
Sophia's POV
Nagyaya si Vince? Dinner? Saan?
Aba ba't ako nagtatanong nang ganyan?
Ewan.
Umuwi na ako sa bahay. Nagulat ako na naka on yung ilaw. Baka andito na si Ate.
Pumasok ako. Pero mukha ni Vince ang sumalubong sa kin. Kinuha niya ang bag ko at nilagay ito sa sofa.
Hinila niya ako papunta sa kusina. I was surprised sa nakita ko.
Nag handa nga siya nang dinner. Pero bakit?
"Ano to?" Tanong ko sa kanya. Pero di siya sumagot. Pinaupo niya ako at umupo siya sa tapat ko.
"Lets eat first" sagot niya.Natapos kaming kumain at tumayo siya. Lumapit siya sa kin at lumuhod.
Hinawakan niya ang kamay ko."Soph, alam ko di ako nanligaw nang maayos. But, can you be my girlfriend?"
What?! Girlfriend? Lovelife? Nooooo!
"Vince.." di ko natuloy ang sasabihin ko nang muli siyang nag salita
"Please? I know malaki ang kasalanan ko sayo. Sorry sa lahat."
Si Vince pa ba to? Shit. Aaminin ko. Gusto ko pero.
Ayaw ko.
Ang gulo no?
Napatitig nalang ako sa kanya. Tumulo ang luha ko. Di ko alam ang isasagot ko.
"Please?" Nagsalita siya ulit. Napansin niya siguro na di ako nagsasalita.
"N-no" yan nalang ang nasagot ko. Di ko na kasi alam ang gagawin ko.
Sorry Vince. Sorry talaga.Binitawan niya ang kamay ko. Napayuko na lamang siya.
Humarap siya sa kin na umiiyak.
"Sorry" sabi ko sa kanya at tumayo na siya. Pumunta siya sa sala at kinuha ang bag niya. Dumiretso siya sa pinto.
"VINCE!" sigaw ko na lamang habang umiiyak.
Tuluyan na siyang umalis. Sorry talaga Vince. Natatakot pa ako. Di pa ako handa. Sorry.
- - -A/N: Ngayon lang ulit naka update. Hahaha. Natagalan ako sa pag iisip. At nawala na kasi yung inspiration ko. Haha.