Di ako makatulog. Nakakainis naman. Ang boring pa. Tapos wala pang internet.
Wait, baka gising pa si UN (A/N: UN means Unknown Number)
-To UN-
Good Night
---
Tagal naman mag reply. Baka tulog na yun.
*1 message recieved*
Oh ayan na. Salamaaaaaat! Di na boring gabi ko.
-From UN-
Matutulog kna?
-To UN-
Di pa. Gawa mo?
-From UN-
Naku. Matulog kna.
-To UN-
Nagtanong ako kung ano ginagawa mo, tapos patutulugin mo 'ko? Ayoko nga!
-From UN-
Kulit mo. Haha. Nakahiga lang ako, ikaw?
-To UN-
Ako pa talaga ang makulit ha? Sino ba ang unang nagtext dito?
-From UN-
Ako. Kahit makulit ka. Okey lang.
-To UN-
Uhuhh?
-From UN-
May naknak ako
-To UN-
Ano yan? Haha baliw ka
-From UN-
Naknak, yung knock knock. Haha ang slow
-To UN-
Ah yun ba? Cge ano yan?
-From UN-
Nawala eh.
-To UN-
Yung ano?
-From UN-
Yung pake ko
-To UN-
Saan? Knock knock ba talaga to?
-From UN-
Diba sinabi mo kanina, di ka maganda? Wala akong pake. Kasi mahal kita.
-To UN-
Antok lang yan. Tulog ka na.
-From UN-
Waaaaah. Concerned ka sakin? Wow. Concerned si Crush!
-To UN-
Ay tngna. Haha tulog kna!
-From UN-
Sige. GoodNight Baby, magkita ulit tayo bukas
Magkita? Bukas? So that means kilala niya ako? Shtt. Ano to? Ohmy!
Vince's POV
Ang saya ko, ang saya saya ko na nakatext ko ulit siya. At feel ko, gumagaan na loob niya sa 'kin. Yung parang close na kami, kahit na di niya kilala na ako yung nag titext sa kanya.
"VINCE! TULOG NA!" Nag sisigaw na naman si Mommy.
"Opo"
Tinitigan ko ang picture ni Sophia sa likod ng phone ko, na develop na at dinikit ko pa sa case ng phone ko. Next time wallpaper ko na mukha niya. Di ko alam kung bakit siya, kung bakit minahal ko siya. Hay naku. Tama na muna, basta excited akong makita siya bukas.
Sophia's POV
"Ate! Una na po ako! Bye!" Sigaw ko kay ate habang papalabas na ko nang bahay.
"Sige. Mag ingat ka"
Naglalakad lang ako araw-araw. Para tipid sa pamasahe. At saka exercise na din.
Dumating na ako sa room at hinanap ko na kaagad si Vince. Ay mali pala. Si Lance pala. Ang Magandang Bakla.
Di ko alam na anjan lang pala siya sa harapan koat patuloy pa din ako sa pag hahanap. Nabigyan niya tuloy nang malisya.
"Ehem, sino hinahanap mo?" Nabigla ako nung nag salita siya.
"Ah wala. Haha ikaw sana pero andito ka na pala." Sabay palo sa braso niya.
Dumating na ang teacher namin pero di ko parin nakikita si Vince. Ay ano ba, bakit siya hinahanap ko?
Akala ko absent siya pero nung nag second period na kami at dumating siya. Wow. First time na Late ha. At di niya ko pinansin. Dumiretso nalang siya sa upuan niya, na nasa tabi lang naman ng upuan ko. Buti nalang at absent yung nasa harapan namin, at yung isa naman ay lumipat sa ibang upuan. Kinausap niya ako.
"Bola, about sa ano yung topic kanina?" Di ko alam kung makikilig ba ako dahil pinansin niya ako o magagalit dahil sa tawag niya sa 'kin.
"Pwede ba? May pangalan ako. At hindi yun bola!" Nagagalit kong sagot sa kanya. Ikaw ba naman tawaging bola, eh nagtatanong lang naman siya.
"Wow, highblood agad? Oo na. Sorry". Sorry? First time niyang nag sorry sa 'kin ah.
"About sa Electricity at Heat yung topic kanina. Wag mo na akong kausapin" ayan na naman. Nag tataray na naman ako.
Di ko naiintindihan ang sarili ko, ano? Crush ko na ba siya? Imposible.
Sumunod naman siya sa 'kin na wag akong kausapin. Hanggang matapos ang klase ay di niya ako kinibo. Ang ganda nang araw ko ngayon ah!
Vince's POV
Nakakalungkot, isang araw na di kosiya kakausapin? Susundin ko nalang ang sinabi niya. Pero baka mahalata nila Paul na di ko na siya binubully.
"Oy, bait natin ngayon ah" bati ni Paul sakin at umupo sa upuan ni Sophia. Recess kasi. At kasama niya mga kaibigan niya.
"Oh?"
"Napansin ko lang, nag e-LQ ba kayo ni Sophia at di mona siya pinapansin?"
"Ha?! Ano ka ba? Kami? LQ? Wow! Eh ang taba niyan eh, sino mag mamahal diyan? Baka tumandang dalaga pa nga yan!" Napalakas siguro yung sinabi ko at narinig ni Sophia. Shit. Ano bang ginawa mo Vince? Nasaktan mo na naman siya! Gago ka!