Vince's POV
Nakita ko si Sophia na tumakbo papuntang CR. Napayuko nalang ako.
Mahal mo ba talaga siya? O ano? Nasasaktan ko na siya. Sobrang gago lang kasi ako. Bakit ko pa kasi nasabi yun? Napakagago mo talaga Vince.
Bumalik na siya sa tabi ko, nakita ko ang mga mata niyang namumugto. Pero nilagyan naman niya yun ng pulbo para d gaanong makita na umiyak nga siya. Napayuko nalang ako. Shet ayokong nakikitang nasasaktan siya.
Sophia's POV
Eto ako ngayon, nakaupo sa tabi ng Gagong malakas manlait. Grabe siya, tanggap ko namang mataba ako at tatandang dalaga pero kailan pa ba talagang pagsigawan yan?
Natapos ang hapon, salamat I survived the afternoon without crying.
Naglakad na ako pauwi. And guess what, sinusundan na naman ako nang gagong yun. Nakakaputa. Baka makita niya akong umiiyak habang naglalakad. Pano naman bang hindi iiyak eh masakit na eh. Nung Umaga akala ko maganda na ang araw ko dahil di niya ako tinukso o ano. Pero tinatago niya lang pala. May plano parin pala siya na inisin ako, at di lang niya ako ininis. Nasaktan niya din ako.
"Oh anong nangyari sayo?" Kakapasok ko lang sa bahay at mukha na ni Kuya ang sumalubong sa 'kin.
"Ah wala. Napuying lang ako habang naglalakad ako pauwi" sabay takbo papunta sa kwarto namin ni Ate. Buti nalang at wala pa siya dun. Mamayang 8 pa siya uuwi. At di niya makikita ang drama ko.
Tinitigan ko naman ang labas nang bahay. Nakikita ko don si Vince. Anong ginagawa niya dito?
Di ko nalang siya pinansin at humiga sa kama ko.
Wala ako makakausap. Ayoko nang distorbohin si Yra. Kasi nasa bakasyon sila ngayon. Wala akong napagsasabihan nang kalungkutan ko kundi siya lang.
Napaisip ako, baka pwede si UN nalang muna. Kahit ngayon lang.
Nag isip pa ako nang matagal. "Mamaya ko na siya titext." Bulong ko sa sarili.
Natulog ako nang maaga. Pero pag dating ni Ate, nagising ako. At naalala kong itext si UN.
Inopen ko ang phone ko at message ni UN ang bumungad sa 'kin.
-From UN-
Hi
-To UN-
HELLO :D
-From UN-
Kamusta?
-To UN-
Ok lang. Kakatapos lang umiyak. Hahaha
-From UN-
Bakit ka umiyak?
-To UN-
Wala lang. Trip ko lang.
-From UN-
Sabihin mo na. Please?
-To UN-
Wag mong ipagkalat ha? Diba kilala mo si Vince Timothy? Yung nambubully sa kin? Siya yung dahilan kung bakit ako umiiyak.
-----
Hello? Anjan kpa?
-----
-From UN-
Oo. Wait. Mamaya nalang tayo mag text. May gagawin pa 'ko
-To UN-
Ahh yun ba? Sige bye.
Vince's POV
Shit. Gusto ko siyang tawagan. Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila at mag sorry. Pero natatakot pa ako ngayon. Di ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan ko na siya. Bukas na bukas mag sosorry talaga ako sa kanya. Kahit nakakabading pero. Kailangan eh. Ayoko namang lumayo siya at ako lang naman ang dahilan. Mahal ko eh. Lahat gagawin ko. Pero sa ngayon. Kakamustahin ko nalang siya oras oras. Through text lang. Di pa ako matapang masyado para tawagan siya.
-To Soph ♡-
Hi? Gising ka pa?
-From Soph ♡-
Oo. Ang aga aga naman para matulog ako.
-To Soph ♡-
Huh? 11:00? Maaga pa yan para sayo?
-From Soph ♡-
Oo naman. And btw, bakit napa text ka? Akala ko ba may ginagawa ka?
-To Soph ♡-
Ah. Wala naman talaga akong ginawa. Nag isip lang ako.
-From Soph ♡-
About what?
-To Soph ♡-
About kung paano kita mapoprotektahan. Kagaya ngayon. Umiiyak ka. Tapos di manlang kita na cocomfort.
-From Soph ♡-
Tell me, Mr. Unknown, gaano mo ba ako ka mahal at pina pakilig mo ako nang kagaya nito?
-To Soph ♡-
Mahal na mahal, pero sorry. Nasaktan kita.
-From Soph ♡-
Huh? Nasaktan? Kailan? Haha nakakatawa ka na. Di ka lang pala magaling magpakilig. Pati na din sa pagpapatawa magaling ka.
-To Soph ♡-
Basta. Malalaman mo din yan. Sa tamang panahon.
Sophia's POV
-From UN-
Basta. Malalaman mo din yan. Sa tamang panahon.
Tamang panahon? Dream Dad lang ang peg. Ok siya ha. Magaling magpakilig at Comedian.
I can't understand what I feel pero, parang mahal ko na din siya. Kahit di ko siya kilala.
---
A/N: Salamat po sa Reads at Votes. Abangan nyo po ang coming Chapters. Hehe. THANK YOU PO ULIT!