Sophia's POV
Pumasok na kami sa guest room. Ang ingay ingay kasi namin dun sa kwarto namin ni Ate, paano hindi maingay eh ang tatlo panay naman ang tili dahil pinaguusapan namin si Vince. Teka, bakit si Vince?!
We had games, and we had fun. Until they opened the topic about Vince.
"Soph, aminin mo na kasi, kayo na ni Vince diba?" Wow. First time naging seryoso ang mukha ni Kathlyn.
"Huh? Ako? Vince? No way" sabay kuha ng phone ko at naglaro ng Clash Of Clans. And by the way. Paboritong laro din yan ni Vince
"Uy babae. Wag ka ngang ganyan." Sabi ni Kate nang naka cross arms.
"Mahal mo ba si Vince?" Seryosong sabi ni Crystel
"O-Oo". And yes, sinabi ko yun. Sinabi ko ang totoo.
Ayun. Nagtilian na naman sila.
Vince's POV
Kanina ko pa tinatawagan si Kate para kamustahin si Sophia. Pero di niya sinasagot.
Magkikita naman kami bukas, pero Hindi ako makapag intay eh
Kanina pa ako palibot libot sa kwarto ko, pinaglaruan ko na ang mga naka display na action figures, pati na din ang mga albums at frames sa kwarto. Niligpit ko na din ang mga kalat. At iniba iba ang mga posisyon ng mga frames at iba pang action figures pero hindi pa din tumatawag si Kate.
Inopen ko ang computer at pinrint ko ang picture ni Sophia. Inilagay ko yun sa isang bakanteng frame at nilagay sa side table
"Balang araw, magkakapicture din tayo na magkasama." Sabi ko sa sarili ko, nababaliw na ako. Nababaliw na ako kay Sophia.
Humiga ako sa kama at naglaro ng phone ko. Natagalan din at nainip ako.
Tinawagan ko si Kate.
Sophia's POV
Nakahiga na kami at matutulog na sana. Pero ang dalawa hindi pa talaga tumigil sa kakatawa.
"Ang kulit niyo. Hahaha. Matutulog na talaga ako, di na kaya ng mga mata ko."
"Matulog ka na jan. Pabayaan mo nalang kami, haha!"
I closed my eyes when suddenly Kate's phone rang.
Sinagot niya yun, at ngayon pinakikinggan ko sila. Chismosa na kung chismosa. Curious eh
[Oy Kate! Ba't di mo sinasagot?]
Wait, Was that Vince? ang lakas ng phone ni Kate at naririnig ko pa ang kausap niya
"Sorry na, busy kasi"
[So, kamusta kayo? Kamusta si Sophia?]
"Okay lang naman"
[Ah. Okay, please say good night to her for me.]
"Okay. Good night cous, nye"
[Bye]