Chapter 8

42 2 0
                                    

Sophia's POV

-To UN-

Magpakilala ka.

———

After nun di na siya nag reply. Ano ba talaga? Manligaw tapos ganun? Seryoso ba siya? Hindi ko siya sasagutin. Hihintayin ko si Vince. Aba anong nangyari sayo Sophia. Nagiging malandi ka na. At sa nambubully pa sayo ha. Grabe ka.

"Ate. May tanong ako." Umupo ako sa tabi ni Ate.

"Hmm?"

"Pag may nanligaw ba sayo, sasagutin mo?"

"Bakit? May nanliligaw na ba sayo?" Gulat na tanong sakin ni Ate.

"Ah wala ha. Sino ba namang manlikigaw sa 'kin?"

"Basta. Ayokong magboyfriend ka. Ang bata mo pa kaya"

"Nagtanong lang naman ate. Sagutin mo please?" Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya. Napakachildish ko.

"Kung deserving ang lalake sasagutin ko, pero this time hindi na muna"

Humiga ako sa kandungan niya at nakatulog. Ang sweet namin no? Sana ganyan din ang future boyfriend ko, na malabong mangyari.

Vince's POV

Sabado, ok. Walang pasok, di ko makikita si Sophia, di ako makakasorry sa kanya. Gusto ko din siyang itext pero nahihiya talaga ako ngayon. Wait, itetext ko nalang na joke yun. At di na replyan. Ok sige.

-To Soph ♡-

Joke lang yun okay? Bye.

Ay, bakit di nag reply? Baka galit sa 'kin, o baka nahihiya na siya.

"Oy". Pag kuha ni Fritz ng atensyon ko. Si Fritz ay yung pinsan ko. Nandito siya ngayon sa bahay, may reunion kami, at pupunta din dito sila Kate, yung pinsan ko din na bestfriend ni Sophia sa classroom. Tatanungin ko siya kung anu-ano ang mga gusto ni Sophia.

"Oh? Anong oras pupunta sila Kate dito?"

"Tumawag nga pala siya kanina. Di siya makakapunta dahil pupunta sila nina Kathlyn at Crystel sa bahay nila Sophia. They'll stay the night doon."

"Bakit daw?"

"Girls' night? Yun sabi niya eh"

"Ah ganun ba? Sige. Dun na muna ako sa kwarto ha? Mamaya nalang ako bababa dito"

"Sige bro"

"Sige"

Pumasok ako sa kwarto at Humiga sa kama. Ano? Di siya dadating? Ok lang sana kung di siya pupunta kina Sophia. Tatawagan ko lang siya. Atleast kaming dalawa lang ang nakakalaman.

Tinitigan ko ang picture ni Sophia sa likod ng phone ko. "Sorry. Sorry sorry" yan ang mga salitang lumabas sa baba ko.

Di ko napigilang tumulo ang luha ko, di ko alam kung ano ang dahilan. Basta, dahil kay Sophia 'to

Sophia's POV

Nagising ako na nakahiga sa sofa. Chineck ko naman kaagad ang phone ko. Pero nakapatay pala to. Kasi trip kong i off kanina.

May message at missed call.

Inuna kong iopen ang missed call. Si Kate lang naman pala.

Next ang text.

-From UN-

Joke lang yun okay? Bye.

Di ko na siya nireplyan. Tinatamad akong mag text. Instead tinawagan ko nalang si Kate.

[Hello?]

"Hi Kate. Ano nga pala yung tinawag mo kanina?"

[Tumawag ako kanina kasi di muna ako makakapunta sa bahay niyo]

"Ah okay lang. Itext ko nalang sila Crystel na next saturday nalang natin ituloy"

[Sige sige. Thank you. Bye bebe]

"Bye"

———

A/N: Thank you sa votes.

20 votes for the next chapter. Huehue.

First time ko 'to. LOL

I love the Bully!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon