Sophia's POV
Nagising ako nang may malaking ngiti sa mukha ko, may mag poprotekta sakin? Wow. Ang swerte ko.
Sabado ngayon. Magkukulong na naman ako sa kwarto.
"Soph. Labas na jan! Kain na tayo." Napatingin ako sa wall clock. 12:00.
"Twelve o'clock. Twelve. Hmmm." Bulong ko sa sarili ko. Ha?! 12?! Ilang taon ba ako natulog?
"Opo ate! Bababa na po" kaming dalawa nalang dito sa bahay,si Kuya, lumabas na. Nag date siguro. Si dad, nasa trabaho. Next next year pa uuwi. Si mom, wala na. Nasa heaven na. Namatay siya nung 4 years old ako. Si Ate nalang ang nagsilbing nanay ko.
Bumaba na ako at kumain. Pag tapos ay naupo ako sa sala. Nilipat ko yung channel sa isang channel ng cartoons.
"Oh? Nakakapanibago ka" nagulat ako kay ate. Hays grabe siya nakakapanibago daw? "Bakit?"
"Hmm. Wala. Nakakapanibago lang kasi. Di ka nagkulong sa kwarto mo ngayon." Ah yun pala. Bakit? May problema ba dun?
"Ate? May gagawin ka ngayon?"
"Wala. Bakit?"
"Ah. Wala lang. Nagtanong lang" sagot ko at naglakad na ako papunta sa hagdan. "Geh. Babye" at tuluyan na akong umakyat. Pumasok ako sa kwarto nang nakita kong nakabukas ang kwarto ni Kuya. Pumasok ako don. Sakristan din kasi si Kuya. Baka pay picture siya na kasama si Vince. Ay bakit si Vince? Madami pang iba jan.
Pagpasok ko ay hinanap ko na kaagad ang mga photo albums niya.
Okay. Anong nangyayari sakin? Ba't naghahanap ako ng picture ni Vince? Heh! Tama na.
May nakita akong picture. Yung dalawa lang sila ni kuya. Kinuha ko agad yun at lumabas sa kwarto niya.
Pagpasok ko sa kwarto, agad kong hinanap ang wallet ko. Nilagay ko yung picture na yun dun.
Wallet ang nilagyan ko kasi private. Pag sa phone madaming naghihiram ng phone ko.
Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang number ni Mr. UN. Matagal kong tinitigan yun. At napa isip ako. Paano kung si Vince ito? Pag manligaw ba, sasagutin ko? Malabo, malabong mangyari yun.
Vince's POV.
Magtatapat na kaya ako kay Sophia? Matapang na ba ako? Ay tangna. Wag muna. Paano kung magtapat nalang kaya ako sa kanya sa text? Manligaw na kaya ako?
-To Soph ♡-
Hi, may sasabihin ako.
----
Soph?
----
Soph, pansinin mo naman ako.
-From Soph ♡-
KILALA MO AKO?!
-To Soph ♡-
Tungkol nga jan ang sasabihin ko sayo.
-From Soph ♡-
Oh? Ano yun?
-To Soph ♡-
Wag kang magagalit o magtampo sa kin ha?
-From Soph ♡-
Ano nga yaaaaaan?
-To Soph ♡-
Promise mo wag mong ipagkakalat ha?
-From Soph ♡-
Oo nga. Dali. Sabihin mo na!
-To Soph ♡-
Sophia Abegaile Noelle Velasquez, Can you be my first girlfriend?
-From Soph ♡-
HAHAHA! NAKAKATAWA! PAANO KITA SASAGUTIN, EH DI NAMAN KITA KILALA.
-To Soph ♡-
MAHAL KITA SOPHIA!
-From Soph ♡-
HAHAHAH!
-To Soph ♡-
Please?
-From Soph ♡-
Di nga pwede
-To Soph ♡-
Cge :(
-From Soph ♡-
Magpakilala ka.
----
A/N: Salamat ulit sa mga Votes. Hehe. Salamat salamat po talaga. Please follow niyo din ako. Hehe. Salamat ulit ^_^