Chapter 17

24 4 1
                                    


Sophia's POV

'ANO BANG GINAWA SAYO NG GIRLFRIEND KO NA DAPAT MO KAMING SIRAIN? ANO BANG KASALANAN NIYA SAYO? KUNG NAGSESELOS KA, WALA AKONG PAKIALAM  SAYO! WAG MONG PAKIALAMAN ANG BUHAY KO! AT PLEASE. UMALIS KA NA!'
Yun ang paulit ulit sa isip ko. Hinding hindi ko yan makakalimutan. 'Yan ang huli niyang sinabi sakin bago siya nawala. Hindi ko akalaing magagawa sakin yun ng bestfriend ko.

"Soph?". Napatayo ako sa kama nung tinawag ako ni ate.
"Po?" Tanong ko sa kanya.
"Si RP nasa baba" Sagot niya at binuksan ang pinto
"Ano daw kailangan niya?" Tanong ko ulit.
"Maligo ka na. Anong oras na oh. Kanina pa siya naghihintay sa baba."
Ha? Kanina pa? Bakit ano na naman ang kailangan niya?
Dumiretso naman ako sa banyo at naligo.
Pag tapos kong mag ayos, bumaba na ako.

"Soph" tawag sakin ni RP.
"Po?"
"You look beautiful"
"Matagal na" mahinang sagot ko. Agad ko naman siya tinapik sa balikat.
"Halika na. Saan ba tayo pupunta?" Pagyaya ko.
"Mall? Park? Saan? Saan mo gusto?" Tanong niya naman. Ano ba 'to. Siya nag yayang umalis tapos di niya pa alam kung saan pupunta.
"Kahit saan nalang. Mas gusto ko dito sa bahay." Biro ko.
"Sophia naman. Lumabas labas ka naman sa bahay nyo. Parang di na kita nakikitang lumalabas. Ano bang ginagawa mo jan sa loob?" Hala galit na siya.
"Wala. Wala akong ginagawa." Sagot ko naman.
"Halika na. Mag Mall nalang tayo. Tapos after natin doon sa Park tayo. Ok?"
"Sige ok."

Umalis na kami at dumiretso sa mall. Upgraded na ngayon si RP. May sasakyan na. Naku matanda na nga.

Nung dumating kamo sa mall ay nag ikot kami sa department stores. Bumili siya ng relo. Para daw sa ate at nililigawan niya. Ako nalang ang pinapili. Tapos bumili din siya ng malaking teddy bear at blouse daw para din sa nililigawan niya. Mataba din to siguro at ako pa ang pina testing.

Ang swerte siguro ng mapapangasawa ni RP. Bukod sa gentleman siya, mabait din siya. Sweet at may respeto sa babae. Akala ko nga noon bakla to eh. Kasi halos lahat ng friends babae. Yun pala chix niya.

Kumain nalang kami sa Greenwich. As usual. Libre niya. Nung natapos kaming kumain, dumiretso kami sa isang arcade na suki namin noon.

Pero ang malas ko lang. Nakita ko si Vince.
Biglang may iba akong naramdaman. Yung parang galit, na natatakot, na naaawa. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Niyaya ko nalang si RP na umuwi at mag bonding nalang kami sa bahay, mag lalaro nalang ng PS2 at Wii.

Sa una hindi siya pumayag pero nag dabog ako at di siya pinansin k aya ayun, pumayag na siya.
Ako lang pala ang weakness niya eh.

Nung nakarating kami sa bahay, tinawag ko sa ate. Pero walang sumagot. Hinanap namin siya pero wala.
Bigla naman siya tumawag at sinabing umalis na muna siya.

Nilabas ko naman ang lahat ng video games ko. Mata3gal ko na 'tong di nilalaro pero tinago ko lang. Dito na ngalang kami nagkakaintindihan ni RP iwawala ko pa.

RP's POV

Walang pinagbago si Sophia. Even though I'm older 2 years di niya ako tinatawag na kuya.
Wala parin siyang pinagbago sa pananamit, galaw, at pananalita niya. Isip lalake parin.
Pero mas ok kung siya ang magiging girl friend ko. Humble din naman siya at mabait. Di nga siya marunong makipag away. Di niya din alam ang salitang 'Revenge'. Napaka inosente niya.
-
A/N: Yes! Nakagawa na ako ng POV ni RP. Yun ngalang. Short POV lang. Hehezz

I love the Bully!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon