Prologue

4.2K 59 15
                                    

"Kyla! Get down here! Nasa malapit na raw sila!"

Kahit labag sa loob ay ibinaba ko ang librong binabasa and begrudgingly pulled myself out of my bed.

This scene is all too familiar for me not to know what happens next if I delay myself any further.

Sumilip ako mula sa itaas ng hagdan at tulad ng inaasahan ay naroon nga sina Mom at Dad. Nang maramdaman ang aking tingin ay tumingala si Mom.

"What are you waiting for? Come down here this instant!"

Ngumuso ako at imbes na bumaba ay ipinulupot ang braso sa hawakan ng hagdan. "Bakit si Ate, pinapayagan niyo?"

"She says her head aches, honey," malambing na sagot ni Dad.

"That's what she said last month! Last year rin!" pagmamaktol ko. Rinig na rinig na ang pagtahol ng mga aso namin sa labas, marahil ay nakarating na nga ang mga bisita. "Pass na muna ako ngayon, masakit ang ulo ko."

Mom only raised a brow at me and gave me that look she always uses to make me and my sister follow.

Nang tuluyan na akong makalapit ay tumingala ako para masalubong ang tingin ni Mom. She immediately fixed my hair and wiped some sort of invisible dirt she found on my face kahit na alam ko namang wala.

"Ikaw ang bata-bata mo pa, ang tigas na ng ulo mo! Hindi naman ganito si Micaela pagkabata ah!" ani Mom bago ako pinakawalan.

Huminga ako nang malalim at tumungo na lamang para paglaruan ang aking daliri. Habang lumalaki ako'y nasanay na rin sa paminsan-minsang pag-kumpara ni Mom sa aming dalawa.

I'd say I don't mind. It was the case most of the time. Na tuwing kinukumpara kami ay kusa na lamang pumapasok sa isang tenga't lumalabas sa kabila but a small part would remain and over time it'd sting.

Alam ko namang hindi perpekto ang mga magulang ko and I know they're trying to be better but sometimes, I can only hope that day would come sooner.

"Okay ka lang?"

I turned to look at the small kid in front of me. Imbes na salubungin ako ng nakakainis na maliit na ngisi na palagi niyang dinadala, ngayo'y seryoso lamang siya habang tinitingnan ako.

Madalas ang pamilyang Gomez de Liaño dito sa amin lalo na tuwing bakasyon. They only ever started going here since last year at magmula noo'y hindi na natatapos ang mga buwan ng aking bakasyon nang payapa. Nang walang Jordi GDL na palaging nang-iinis at nang-iinsulto.

We were of the same age kaya kahit na nag-aaway kami'y binabalewala lamang ng aming mga magulang. They'd just downplay it as those arguments children have which is technically correct.

So the fact that he was approaching me peacefully was a surprise.

This was a first.

"You look sad," ani Jordi. "Malungkot ka ba kasi hanggang ngayon hindi ka pa rin tumataba?"

Just when I thought he was actually concerned. Inabot niya ang aking braso at hinawakan ang aking palapulsuhan as if through that he could measure how much I've grown in the past few months.

"Okay lang at least hindi pandak!" ganti ko naman at tinalikuran na siya para itago ang konting pamumula ng aking pisngi.

The schools I've attended so far have been exclusive for girls. Wala rin atang kaibigang lalaki si Ate na kinakalaro dito sa bahay.

So when it comes to boys, I'm easily flustered. Mahilig akong magbasa at sa mga binabasa ko'y nakakakuha ako ng iba't-ibang mga ideya tungkol sa pag-ibig.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now