(Brianna's POV)
Nakatingin lang ako sa pintuan kung saan lumabas si Sir Pogi. Ay este, Sir Blaze pala.
Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapa ngiti habang bumabalik sa counter. Tila'y baliw ako dahil sa pag ngiti ko at pag tawa ko na mag-isa.
Eh masisisi niyo ba ako?
Sa tagal tagal na tinitignan ko lang si Sir Pogi, ay sa wakas! Nakausap ko din siya at nalaman ko ang pangalan niya.
Para naman malalaglag ang panty ko dahil sa pag sagot niya sa tanong ko. Boses pa lang Kasi niya mala-Christian Grey na eh! Siguro nga sobra pa sa 50 shades Yung magiging eksena namin if ever!
Jusko!
Brianna Esme Alvarez anu ba 'tong iniisip mo? Bakit biglang napunta sa 50 shades ang iniisip mo? Submissive ka girl?!
"Hoy bruha! Anu nanaman ang nilalandi mo dyan?" Napatingin naman ako sa kasamahan ko dito sa cafe na si Linda.
"Hoy ka din Melinda! Hindi pag lalandi Yun nu. Matagal ko nang crush talaga si Sir Blaze." Sabi ko naman at di nanaman mapigilan ang mapa ngiti nang maalala ang pag usap niya sakin.
Usap? Eh mga dalawang beses lang Naman siya nag salita eh.
Bakit ba? Conversation pa din yun nu! Nag usap pa din kami, dahil nag exchange thoughts kami!
"Sinong Blaze?" Nag tatakang tanong netong katabi ko.
Abot sa Tenga naman Ang mga ngiti Kong hinarap si Linda. "Si Sir Pogi!" Proud na proud na sambit ko.
Nakita ko naman ang pag bilog nang mga mata niya.
"Weh? Kinausap ka nun? Ikaw talaga?" Hindi maka paniwalang tanong neto sakin.
Rumolyo naman Ang mga mata ko bago ko pinag-cross ang dalawang kamay ko sa harap nang aking dibdib.
"Malalaman ko ba yung pangalan niya kung hindi niya ako kinausap?" Sarkastikong tanong ko.
"Gaga! Malay ko ba Kung totoong pangalan nun ni Sir Pogi, baka gawa gawa mo lang Yun eh!" Sambit ni Melinda.
Hindi ko din Alam kung kaibigan ko ba talaga tong si Melinda, o kaaway eh. Palagi kasi niyang kini-kontra yung mga sinasabi ko.
Tinignan ko naman Ito nang masama at bahagyang hinampas sa kanyang braso.
"Alam mo bilang isang bestfriend, Isa kang kontrabida sa buhay ko. Ngayon na nga lang tumibok ulit ang puso ko eh, kinokontra mo pa!" Sabi ko sakanya.
Kagaya nang palagi niyang ginagawa, ay rumolyo din ang mga mata niya at pinag-cross ang dalawang kamay niya sa harap nang dibdib niya.
"Hoy Brianna Esme Alvarez! Hindi tumigil sa pag titibok yang puso mo dahil Hindi ka Naman namatay. Tanging Gaga ka lang dahil Yung mga lalakeng nagugustohan mo, ay Yung mga sobrang taas at di maabot na mga lalake!" Sabi ni Linda.
Agad naman ako yumuko. "Grabe ka Naman! Ang harsh mo Naman sakin." Sabi ko dito na para bang mag tatampo pa.
"Mas mabuti na Yung harsh keysa naman hayaan kitang mag paka Gaga sa maling Tao." Sambit ni Melinda.
"Grabe ka Naman! How sure are you na maling Tao si Blaze?" Sabi ko. Tinignan niya Naman ako nang masama.
"Tinatanong paba Yan? Tignan mo nga sarili mo, hinding hindi Tayo kagaya nila. Mayaman sila tapos mahirap Tayo. Kung Baga, langet ang nakasanayan nilang buhay pero Tayo, Wala. Dukha Lang. Kaya wag kanang umasa, Brianna. Hinding hindi Tayo magugustohan nang mga taong kagaya nila." Mahabang Sabi ni Melinda.
YOU ARE READING
His Unforgivable Revenge
RomantikI'm going to have my revenge. No matter what. (BLACK HEART SERIES)