Chapter 24

667 18 2
                                    

Sorry for not updating yesterday. Bawi ako ngayon, so this is a long update.

Enjoy! ❣️

=======

(Brianna's POV)

Hindi ko na alam kung ilang beses na akong napatingin sa cellphone ko mula nung nagising ako kaninang umaga.

Usually ay hindi naman talaga ako yung unang nag tetext sa umaga, dahil ang palagi niyang ginagawa ay tawagan ako first thing in the morning.

Pero hindi ko alam kung bakit at kung paano biglang naging ganito ang sitwasyon namin ni Blaze.

Para bang bigla siyang nag iba ng hindi ko alam ang dahilan. Basta sa pag kakaalam ko, ay okay kaming dalawa pero isang araw ay biglang umiba na yung trato niya sakin.

Before ay palagi niya akong tinatawagan o tinitext tuwing umaga, pero ngayon kahit isang text lang ay Hindi na niya magawa.

Noon din pag nag tetext ako ay nag rereply siya agad na para bang hinihintay o inaabangan niya yung text ko. Pero ngayon, parang napaka hirap sakanya na mag reply sakin na para bang nawala yung pag ka-consistent niya.

Hindi ko alam kung bakit at kung paano naging ganito ang sitwasyon namin ni Blaze. Basta ang pag kakatanda ko, dapat nung isang araw ay lalabas kami pero nagulat ako ng sinabi niya na hindi daw kami matutuloy.

After nun, ay Hindi na ulit ako tinawagan ni Blaze. Kahit pag text ay hindi na niya nagagawa.

Hindi ko na din mabilang kung ilang beses na akong nag text sakanya o nag missed call sa mga lumipas na araw. Pero sa hindi ko malaman na dahilan, ay hindi Ito nag rereply sakin.

Kaya hindi ko mapigilang isipin na baka meron akong nagawa o nasabi na Hindi na gustohan ni Blaze.

I mean, we were doing fine. We were okay. Tapos isang araw biglang ganito? Isang araw biglang no text and no call na?

Is that even acceptable? I know it's explanable, but it just keeps me thinking.

Thinking of what could possibly be wrong of our happy relationship.

Yes. Happy relationship. Para sakin masaya ang relasyon namin ni Blaze, at alam ko din na masaya siya sa relasyon namin dahil nakikita ko Yun sa mga mata niya.

Pero bakit ganito? Bakit biglang naging ganito?

Mag sisinungaling ako pag sinabi kong hindi ako nasasaktan sa nangyayari samin, dahil kung tutuusin hindi ko na mabilang kung ilang beses kong pinigilan ang hindi umiyak o mag break down.

Sinusubukan kong kontrolin ang sarili ko. Sinusubukan kong maging okay kahit na sobrang nahihirapan na ako. Sinusubukan kong ibalewala ang nangyayari samin ni Blaze, at pinapaniwala ang sarili ko na okay kami at babalik din kami sa dati.

I've been telling lies and comforting myself with it because.....it's the only way.

Yun na lang yung nakikita kong paraan para maging okay ako. Yun na lang yung nakikita kong paraan para hindi ako umiyak. Yun na lang ang nakikita kong paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Telling lies and trying to be okay are the things that I've been doing....just to keep going.

This is my only way to make me feel fine...to comfort myself...to tell myself that everything is going to be okay.

Alam kong mali na maniwala sa isang kasinungalingan, but what can I do? This is the only thing that saves me from my daily misery.

Napatingin naman ako sa cellphone ko. Ino-open ko yun at pumunta sa messages. Isang malalim na hininga naman ang ginawa ko ng makitang wala pa ring reply si Blaze.

His Unforgivable RevengeWhere stories live. Discover now