Hi guys!
First of all, I would like to say sorry dahil hindi ako nakaka update na ng madalas. It's because may class na ulit kami, and I'm still adjusting to this online set up dahil hindi talaga siya madali.
Second, please bear with me. Hindi na ako makaka update like I usually do. Minsan kasi kahit weekends may class kami. So please do understand.
Lastly, please do still support HIS UNFORGIVABLE REVENGE and ANAYA'S ONE SIDED LOVE. Dahil I'm really trying my best to update.
Ayun lang. Sana maintindihan niyo ko hehe. Anyway, please do vote and comment.
Thank you! ❣️
=========
(Brianna's POV)
"Let's end our worthless relationship."
"Why are you even asking that? Hindi ba halata? I'm just playing with you. You're just my typical toy."
"Stop believing in lies, Brianna. Nakakaawa."
"It was really nice playing with you, Brianna. I really had a great time."
"Anak naman, galit ka paba kay Daddy? Sinabi ko naman sayo, we were just playing."
Pikit mata kong ininom ang alak habang pilit na binubura at binabalewala ang paulit paulit na pag-alala sa mga masasakit na sinabi ni Blaze, at sa nakakadiring sinabi ni Frank.
Sa bawat inom ko ng alak, ay siya ding hiling ko na sana....Sana sa pag tapos ko sa ka-anim na bote na'to ay mawala din ang sakit na nararamdaman ko.
Na sana mawala kahit sandali....kahit ngayong gabi lang....kahit panandalian lang ang sakit na binigay ng mga taong minahal ko.
Ito ba talaga ang nangyayari sa mga taong nag mamahal at nag titiwala? Palagi ba talaga silang nasasaktan at nawawasak sa huli?
Are those people who choose to risk in love, always end up hurting?
Ganun ba yun? Ganun ba palagi yun?
Hindi ko kasi alam eh. Hindi ko na kasi alam....
Dahil sa bawat pag bigay ko ng pag mamahal, ay palagi akong nasasaktan at naiiwan sa huli. I always end up hurting as if it was my destiny to just give love, but never going to feel how to be love.
Parang isang masamang bagay ang maging masaya ako at ang mahalin ako. Parang isang impossibleng bagay ang mahalin ako ng taong mahal ko.
Tila'y isang mahika ang gusto kong mangyari. Dahil kagaya ng mahika, ang mahalin ako ay napaka impossible at hindi hango sa realidad.
Because my reality is not about fairytale and magic....it's just plain, typical, and ordinary. Pero hindi kagaya ng iba, dahil yung iba ay nakakaramdam pa ng kasiyahan. Pero ako? Wala.
Agad kong binagsak ang bote ng alak sa mesa na nasa harap ko, ng maubos ko iyun.
Minulat ko ang aking mga mata at agad nakaramdam ng sakit.....sakit nanaman. Nakakainis!
Bakit ba hindi mawala wala 'tong sakit? Bakit ba hindi mawala wala 'tong sugat sa puso ko? Bakit ba hindi to matapos tapos?
Bakit?!
Isang gabi lang naman ang hinihinge ko eh. Isang gabi lang, para naman makatulog ako ng mahimbing. Yung hindi ako magigising sa kalagitnaan ng tulog ko, at biglang maalala ang masasakit na sinabi ni Blaze sakin. Yung hindi ako magigising dahil sa kirot ng puso ko pag napapa naginipan ko kung paano ako wasakin ni Blaze.
![](https://img.wattpad.com/cover/229410398-288-k483547.jpg)
YOU ARE READING
His Unforgivable Revenge
Storie d'amoreI'm going to have my revenge. No matter what. (BLACK HEART SERIES)