Chapter 31

765 20 0
                                    

(Brianna's POV)

Mula sa kaliwang bahagi ng aking higaan, ay humarap ako sa kanang bahagi ng aking kwarto. Bumungad sakin ang naka bukas kong bintaan, na makikita mo ang kadiliman ng ulap. Ang tanging makikita mo mula duon ay ang mga bituin at ang masinag na buwan.

Nang nag sawa ako kakatingin sa madilim na langet, ay humarap ako at ang bumungad naman sakin ay ang kesame ng aking kwarto.

Ilang ulit na ba ako nag papalit-palit ng pwesto? Mukhang hindi ko na ata mabilang, pero sa hindi malaman na dahilan ay hindi pa din ako dinadalaw ng antok.

Isang malalim na hininga ang ginawa ko habang nakatutok pa din ang mga tingin sa malawak na kesame sa'king kwarto.

Bakit hindi ako makatulog? Am I that excited to go home tomorrow? Ganun ba ako ka-excited?

But....bakit ako magiging excited? What if something bad happened to Mommy? Paano na lang kung may ginawang masama si Frank sakanya? Paano na lang kung hindi ako nakaabot, at hindi ko nagawang ilistas si Mommy? Paano na lang kung huli na ang lahat? Mapapatawad ko ba ang sarili ko?

Pero bakit ko ba iniisip to? Bakit ganito ka-negative ang mga nasa utak ko?

I sighed heavily. But I can't help it...I really can't.

Alam ko sa sarili ko na masama ang pag layas ko sa Mansyon namin. Alam ko din sarili ko na hindi maganda ang huling pag uusap namin ni Mommy.

Na kokonsensya ba ako? I don't think so. Siguro mas nag-aalala ako kay Mommy. I am now more worried about her than being feeling conscious.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na ang Lolo ko ang isa sa pinaka unang leader ng Amalgamation dito sa Pilipinas. I also can't believe that Mommy is the daughter of the story that my Dad told me.

Hindi ko pa rin ma-proseso lahat ng mga inpormasyon na sinabi sakin ni Ninong Joaquin sakin kagabi. I can't even still process the fact that Mommy and Daddy were never married. Akala ko talaga kinasal silang dalawa, but I was wrong. Never silang kinasal ni Daddy at Mommy. Never naging legal ang relasyon nilang dalawa sa papel.

But I was wondering, sino ang taong pumasok sa Alvarez's Fief nung mga panahong nag paplano na sila ni Daddy ay Mommy ng kasal? Sino yung taong naging dahilan upang hindi matuloy ang kasal nila Mommy?

And for the uncountable time, I sighed heavily again.

Mula sa pag kakahiga sakin kama ay umupo ako. Tumingin ako sa gamit ko na nakahanda na para bukas.

Teka....mamaya na pala. Mag aala-una na nang umaga eh.

Dahil sa hindi ako makatulog ay napag pasiyahan ko na lamang na lumabas ng silid ko, at pumunta sa Lanay nang Mansyon ni Ninong Joaquin.

Bumaba ako saking Kama, at nag lakad palabas ng aking kwarto. Siguro hindi ako makatulog ngayon dahil nakatulog ako kaninang hapon.

Mula sa second floor ng Mansyon ni Ninong Joaquin, ay bumaba ako sa first floor at nag lakad papuntang Lanay. Nang makarating ako dun ay agad akong umupo sa isang upuan at tahimik na pinag masdan ang mga bituin.

"Just like the stars, you glow magnificently." Daddy said.

The 5 year old me, look at Daddy with confusing eyes. "But I don't want to be a star, Daddy." I said.

Mula sa pag tingin niya sa mga bituin ay bumaba ang tingin niya sakin. "What do you want to be then, Esme?" He asked.

"A mermaid! I want to be Princess Ariel! When I'm big na, I will also find my prince charming pero outside na ng Alvarez's Fief." Maligayang pahayag ko kay Daddy.

His Unforgivable RevengeWhere stories live. Discover now