PROLOGUE

74 10 0
                                    

Kakatapos ko lang mag enroll para sa parating na pasukan. G11 na ako this school year pero wala paring nag bago sa buhay ko.

Isasara ko na ang ang mac book ko ng biglang tumawag si mommy.

"Hello Mom?" bungad ko

"Hello anak" kitang kita ko ang lungkot sa mata ni mommy tuwing nag vivideo call kami.

Masakit para sakin makita siyang ganon pero ano magagawa ko nag aaral palang ako pano ko siya matutulungan sa gastusin sa bahay.

Nasa middle class lang ang pamumuhay namin. Gawa na rin ng pag susumikap ni mama nakayanan namin bumangon sa buhay.

" Anak miss ko na kayo ng kapatid mo" nakita ko ang pag kislap ng mata niya hindi dahil sa tuwa kung 'di dahil sa luha.

Hindi ko maiwasang kumirot ang puso ko sa nakikita ko.

"Miss you more mom"

"Anak alagaan mo maigi si Mica ha pati si manang wag masyado mag pasaway kay Manang may edad na siya" nag aalalang sabi n'ya

Naisip ko agad na kaya siya tumawag dahil nag sumbong siguro si mica. Nag away nanaman kasi kami. napaka gastosera kasi ng batang yon, biruin mo yung allowance na ibibigay ni mommy sa kanya binibili niya ng kung ano ano.
pero naiintindihan ko naman siya hindi lang maalis sa isip ko kung bakit hindi niya pinapahalagahan yung perang ibinibigay ni mama.

"You dont have to say that mom" sabi ko sabay iwas ng tingin sa screen.

" By the way anak nakapag enroll kana ba?"

" Yes mom, waiting nalang po sa approval ng papasukan ko na School." nakangiti kong sabi

"Good, just chat me kung mag kano ang babayaran mo sa school okay baby? at please anak wag mo solohin ang tuition mo"

Alam ko na sasabihin niya iyan nung grade 10 kasi ako ako ang nag bayad ng kulang ko na tuition fee.

alam kong kaya ni mommy ang bayarin pero alam kong kaya ko din naman mag produce ng sarili kong pera. gusto ko siya tulungan sa gastusin. gusto ko na siya umuwi kasi sabik na sabik na talaga kami ni mica sa kanya.

"Mom, I can produce my own money na naman na e. I can pay for it mom."

Bukod kasi sa hindi ako magastos nag oonline selling din ako nung summer kaya may kinikita ako kahit papaano.

"Anak ano pa silbi ng pag tatrabaho ko kung ganyan din naman pala?" medyo galit n'yang sabi.

Ayoko na dagdagan pa ang lungkot ni mama kaya kahit ayaw ko sumangayon nalang ako.

"Okay mom, chachat nalang kita love you Mom" sabi ko sabay flying kiss.

nag check lang ako ng socal media accounts ko.

Facebook notification

1 message from Aliya Aquisha Sanchez.

binuksan ko 'to para basahin.

Aliya:

"siz nakapag enrol kana?"

"ka excite dami pala gwapo don"

"hoy bobo, I try to call you hindi ka sumasagot may ka vc ka? jowa mo?

eto talang babaeng 'to puro pag ibig.

hindi ko na siya nagawang replyan sa sobrang lungkot na nararamdaman ko

"Mommy, I miss you a lot miss ko na yung pag aalaga mo samin" sabi ko sa sarili ko

"Balang araw, susuklian ko lahat ng pagod mo para samin"

Yan ang dahilan ko kung bakit sobrang nag kukumahog ako mag aral para matulungan si Mommy.

Simula kasi nung nag hiwalay sila ni Daddy siya na ang sumagot sa lahat.

Simula nung pinili niya na lumayo samin para sa akin pinutol na niya ang ugnayan namin.

Tapos na nabuhay ako nang wala siya bakit kakailanganin ko pa siya ngayon.

Galit ako kay Daddy. Oo galit na galit.

Galit ako sa pag iwan niya samin.

Umabot na ang galit ko sa puntong hindi ko siya kayang mapatawad pag dating ng panahon.

Pride Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon