CHAPTER 7

34 8 0
                                    


Bakit ka pa bumalik.

Nagising ako ng tumambad ang liwanag ng araw mula sa aking bintana. Napaka gandang simula ng araw na ito para sakin.

Hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari sa amin ni Mark kagabi.

Hindi ko akalain na doon na matatapos ang higit sa ilang taon naming pag kakaibigan

Mapapatawad ko siya pero hindi ngayon.

Hindi pa ako handa. Masyado pa sariwa ang mga sinabi niya sa akin.

Halos mapasigaw ako sa gulat nang biglang may malakas na kumalabog sa aking pintuan.

"Ate, gising!" Bungad Ni Mica sa akin.

Anong meron at ang aga aga niyang
nambubulabog.

"What!" Inis kong sabi.

Nabigla ako nang tumambad sa akin si Mica na bihis na bihis.

"Ate take a bath na pupunta tayo kila tita" aniya

Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya.

"What kila tita Mildred?"

"Oo Ate, Kaya get up now and take your bath" Sabay hila niya sa akin.

Sila tita Mildred ay ang aking tita na nakatira sa laguna. Siya ang pinaka malapit naming kamag anak. Dayo lang kami kasi kami dito sa manila. Si Tita Mildred kasi ang pinaka close namin na tita sa lahat lahat. Layo ang loob namin sa side nila Daddy dahil sa ginawa niya kay Mommy. Simula kasi nang nag pakasalan ni Daddy si Mommy lumipat kami upang makahanap silang nang maayos na trabaho.

"Ilang araw tayo doon Mica"

"Two days lang Ate" aniya

Agad akong nag ayos nang aking mga susuotin. Nag balak din kasi silang mag hot spring doon. Knowing laguna madaming mga Falls at mga Hot springs.Kaya nag dala ako ng Swim top para ayun ang gamitin.

"Ate bilis, Nandito na yung driver"

Nag renta sila tita nang sasakyan na susundo sa amin dito sa manila. Pag ka labas ko tumambad sa akin ang SUV na gray. Tuwang tuwa naman si Mica.

Inalalayan ko si Manang papasok ng sasakyan.

"Salamat iha" Nakangiting sambit ni Manang.

Pumwesto na din ako sa bandang bintana. Mas nakaka enjoy kasi ang byahe kapag nasa may bandang bintana ka.

Umandar na ang sasakyan at agad agad ko sinalagpak ang aking headset. Pinindot ko ang aking Spotify at agad pinatugtog ang akin paboritong kanta.

"I'm not gonna fight back what I've become"

"Yeah, I've got bruises where I came from"

"But I wouldn't change if I could restart"

"I ain't gonna hide these beautiful scars"

"I've been going way too hard on myself"

"Guess that it's the reason that I'm feeling like hell"

"But I wouldn't change if I could restart"

"I ain't gonna hide these beautiful scars"

Sa tuwing naririnig ko itong kanta na ito natutuwa ako kasi pakiramdam ko para sa akin talaga ginawa ang kantang ito.

Pinaparating sa akin nang kantang ito na kahit na may malalim kang sugat na nang galing sa nakaraan kailangan mo parin itong ipagmalaki.

Ganon naman talaga sa buhay diba? lahat ng sugat na ibibigay satin ng tadhana ay pwede natin gamitin sa ating panibagong simula.

Pride Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon