CHAPTER 5

42 7 4
                                    


All for you

Isang linggo nalang pasukan na. Kaya mas lalo akong nag susumikap na mag advance study.

Napansin kong bumukas ang screen ng aking phone. Agad ko itong kinuha. May mensahe dun galing kay Iya, Wesley at MARK!

Una kong binuksan ang kay Iya

Aliya sanchez:

"Sabunutan walang hawakan nang buhok"

Ganyan talaga mga chat niya pag bored siya ewan ko ba dito.

Sunod kong binuksan ang kay Mark.

Mark Warren:

"Hey, How are you? Bond us again?"

Agad ko itong nireplayan

"Sorry, Advance study ako today"

Binaliwala ko na ang message niya. Binuksan ko ang kay Warren.

Wesley Bautista:

"Hey, I saw your Story? Advance study? Can I join you?"

Nag isip ako iba din itong lalaking ito ha hindi katulad ni Sceven na puro Ml siya puro aral.

Nag reply ako sa kaniya. Naisip ko din kasi na medyo late ako sa Math since STEM naman ang kukuhain niya baka pwede namin I share yung mga alam namin.

To: Wesley Bautista

"Really? Ahm. Can you teach how to solve some Gen Math equations? Medyo late kasi ako sa math e" Reply ko.

Wesley Bautista:

"Sure, Turuan mo din ako sa Oral Com?"

Nag mamadali ako nang may nag door bell sa aming pintuan. Bumungad sa akin si Wesley naka Nike short lang siya at adidas na white shirt sabay White rubber shoes. Ang linis niya tignan sa pormang iyon.

"Hi" Bati niya

May dala siyang mga libro at may dala din siyang Contis cake.

"Hi!" Nakangiti kong bangit.

"May dala akong cake pang meryenda" Naka ngiti niyang sabi.

"Tara pasok ka" Sabi ko.

Agad sumalubong si Manang saamin. Inabot ko ang Cake sa kaniya

"Manang meryenda po iyan."

Tumango lamang si Manang sabay diretso sa Bahay. Sa Garden lang pumwesto para mag aral.

"Wesley, upo ka" Sabay lahat ko ng upuan.

"Too formal, Just call me Wes"

Ow! okay so Wes ang Nick Name niya.

" Shall we start?" tanong niya.

Agad kong nilabas ang aking mga module sa Oral Com.

Nag I-istart na siyang mag turo ng mga ibang equation. Napatingin ako sa kanya. Ang aliwalas talaga ng muka niya. May salamin siyang suot tuwing nag aaral siya.

" Hey are you listening?" tanong niya.

Natauhan ako don!

Nakakahiya!

"Uhm, O-Oo naman" sagot ko.

Patuloy siya sa pag sosolve ng mga equation doon sa libro niya.

Pride Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon