CHAPTER 13

8 5 0
                                    


Isasayaw kita

Pagka dating ko sa bahay agad akong pumunta sa aking kwarto. Agad akong naligo dahil sobrang lagkit ng aking pakiramdam.

Pinihit ko ang shower at agad itong dumaloy sa aking balat.

Ugh this is so good!

Naka bath robe lang akong lumabas sa aking banyo agad kong dinampot ang aking Cellphone para sana mag check ng aking socmed account.

Wala naman bago doon meron lang Chat mula sa aming group chat

Chat iyon ni Miss abella.

Clarissa Abella

"Congrats sa mga nanalo! goodluck sa finals!"

"Miss president kailangan ka sa test room bukas may meeting daw para sa darating na susunod na event"

Nag type ako ng aking Chat

"Yes miss"

Nag pop up bigla ang chat head ni Wesley.

Wesley bautista:

"Adi sunduin kita bukas ng umaga diba mayroon kayong meeting? para hindi kana din magahol"

Paano niya nalaman na may meeting kami bukas?

"Okay, Goodnight"

pinatay ko ang aking Cellphone at humilig na sa aking kama.

Nagising ako ng may naaninag akong Isang babae sa hindi malayo. Naka puti lamang ito nakatalikod.

"Manang?" Sabi ko

Hindi ito sumasagot

"Manang ikaw ba yan?

Hindi pasdin ito sumagot kaya naman tumayo ako at nilapit siya.Laking gulat ko ng bigla may gumapang na dugo sa kaniyang mga paa.

"Manang anong nangyaya-" Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla itong humarap nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Si Mommy iyon! Bakit siya nandito? bakit may dugo anong nangyare?

"M-Mommy? baket kayo nandito?"

Tanong ko sa kaniya ngunit hindi ito sumagot lumakad ito papalapit sa akin at sinabing

"Anak patawad" gamit ang nag mamakaawang boses

Paulit ulit ito kaya naman nakakabingi na tinakpan ko ang tenga ko para hindi na marinig. mula  sa mahinang tono nagiging malakas ito ng onti onti.

Anak sorry Anak sorry Anak sorry

"TAMA NAAAAAA! " Sigaw ko

"ADI! ADI!"

Biglang dumilat ang aking mata at agad kong nakita si manang sa aking tabi naka upo ito sa kama habang inuuga nag aking balikat.

Agad akong tumayo at niyakap siya.

Panaginip lang pala!

"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Manang

"Manag si mama po napanaginipan ko nang hihingi siya ng tawad madaming dugo sa paanan niya" Maiyak iyak kong sabi.

Hindi ko na inantay ang pag sagot ni manang agad akong kumalas sa pag kakayakap sa kaniya at agad na kinuha ang aking Mac book. Walang ano ano tinawagan ko si mommy sakto at umaga doon ngayon paniguradong masasagot niya ito.

Pride Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon