CHAPTER 10

25 7 0
                                    

"Weird"

Pagka uwi ko sa bahay Tumambad sa akin si Manang na pinapakain si Maikee. Medyo nabaling ang atensyon ni Maikee kaya agad itong lumapit sa akin

"Adi nandyan kana pala"

"Kumain kana, May pag kain na sa hapag kainan."

"Nasan po si Mica"

"Ah wala lumabas kasama si Kyle."

"Ah ganon po ba, Anong oras po siya dumating dito?"

"Mga ilang oras bago ang pag dating mo"

Tumango tango ako at agad na pumasok sa sa loob ng aming bahay.

Pagka dating ko sa aming kusina tinignan ko ang ulam na nasa hapag kainan.

Fried Chicken iyon at dahil kaka Milktea lang namin ni Iya kanina medyo busog pa ako kaya kumuha lang ako ng isa at dumaretso na ako sa aking kwarto.

Patuloy kong nginangata iyo Inferness huh masarap siya!

Pinihit ko ang door knob ng aking kwarto at mabilisan kong nilapag ang aking dala dalang bag.

Tinawagan ko si Mica para malaman ko sana kung nasan siya.

Matagal tagal din bago niya masagot ito

"Subukan mong patayan ako ng tawag patay ka sakin mamaya!" Sabi ko sa aking sarili habang inaantay ang kaniyang pag sagot.

"Hello ate" Si Mica sa kabilang linya.

"Nasan ka?" Mataray na sabi ko.

"Ah, Pumunta kami ni kyle sa kanila pinapapunta kasi ako ng mamaya niya ate."

"Ah okay anong oras ka uuwi? Tanong ko.

"Not sure ate dito na ako mag didinner e"

"Nako ka nag luto pa naman si manang!" pagalit kong sabi.

"Hindi ko naman alam e, Sge na ate! Bye" sabay patay niya ng linya.

Naligo muna ako bago dumalo sa aking kama.Pag kalabas ko ng aking banyo sinuot ko na ang aking satin sleepwear.

Agad agad akong umupo sa tapat ng aking Vanity table at nag lagay na ng aking skin care.

Pumanhik na ako sa aking kama at dinampot ang aking Cellphone balak ko sanang mag check ng social media ko. Laking gulat ko ng may biglang nag pop up na chat head sa aking cellphone.

Aliyah Sanchez added you in a group

11HUMSS

Madami dami na din ang mga messags dun si Iya ang nag sisimula ng ingay sa group chat agad kong binaliwala iyon at agad ng humilig sa kama para matulog.

Habang kasalukuyan akong hinihigit ng tulog biglang nag ring ang aking telepono.

Si  Mommy  mula sa skype.

"Hello mom?"

"Anak? kamusta ang unang araw sa school?"

"Okay naman po ma, May mga bagong kaibigan agad ako."

"Mabuti naman kung ganon"

"Anak, May gusto sana akong sabihin sayo" dinig ko ng kaba sa boses niya.

"Anak wag ka sana magalit"

Tila may gumapang na kaba sa dibdib ko.

"B-Baket ma?"

Pride Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon