Poor girl
Ilang linggo nalang ay mag sisimula na ang buwan ng pebrero kaya puspusan ang aming pag hahanda para sa nalalapit na SDA night dahil malaking event pala itong gagawin namin! hindi ko inaakala na ganto pala kahirap ang maging presidente ng aming class room
"Totoo ba mag kakaroon talaga ng SDA night" tanong ni Iya
"Oo nga mag sisimula na nga kami mag handa e"
"Talaga omg kailangan ko nang sabihan si Sceven para makapag handa na kami ng maisusuot" sabay talon talon niya sa aking harapan.
"Ano bayan ikalma mo nga sarili mo tatlong linggo pa Iya wag ka masyado excited!"
"Kahit na kailangan ready padin ako! kailangan ko na tawagan ang designer ni Mommy para makapag pa personalized na kami" Naka ngising aso niyang sabi.
"Whatever Iya gawin mo lahat ng gusto mong gawin!" Sabay walk out ko.
Nandito kami ngayon sa aming room para mag handa na sa finals namin at dahil malapit na nga ang pebrero kailangan na namin hapitin lahat ng aming mga requirments para pag dating ng marso puro Clearance nalang kami.
"Ara pinapatawag ka mamaya sa faculty room ni Miss abella" bangit ni Lawrence.
"Baket daw? anong meron?"
"I dont know" sabay taas ng kaniyang balikat.
"Okay. Ay Lawrence ikaw muna mamaya dito ha labyu" malambing na sabi ko kay lawrence.
"Ano pa nga ba mukang busy ata kayo ha? Ano bang meron ngayon buwan?" pag tatanong niya.
Binalaan kami ng head ng aming grupo na wag muna ipagsabi sa kahit sinong estudyante ata baka nga daw makaapekto sa focus nila sa finals week namin totoo naman talaga kanina nga lang nang sinabi ko kay Iya e halos mataranta siya sa pag hahanap ng maisusuot! Hay nako talaga mali ata ako ng desisyon huh!
"Boring" sabi ni Iya
Last subject na ito bago mag lunch kaya naman halos lahat lanta dahil gutom sila.
"Adi canteen mamaya ha" sabay hawak niya sa aking braso.
"Hindi ako pwede mamaya Iya may meeting kami"
"Huh? pano ka kakain niya? baka magutom ka? dalhan kaya kita ng pag kain?"
Natuwa naman bigla kay Iya kahit may boyfriend siya talaga namang sweet parin siya sa akin. Minsan nga lang baliw baliw pero okay na HAHAHAHA.
Tumunog na ang bell hudyat na lunch na kaya naman nag si tayuan na ang aking mga kaklase at tska nag paalam na sa aming subject teacher.
"Goodbye miss" sabay sabay na sabi namin.
"Are you sure kakain ka?" Si iya.
"Yup bibi for sure naman mayroon silang pag kain na inihanda para sa amin"
Nag puppy eyes siya at tska hinawakan ang akin mga balikat
"Text me if wala ha? Dadalhan kita love you!" sabay beso niya sa akin.
Sweet talaga si Iya siya yung kaibigan na mala girlfriend mo kaya minsan napag kakamalan kami na mag jowa kasi ganon siya.
Tumunog ang aking phone kaya agad ko itong binuksan at iniharap sa akin.
Iya:
"Text me kapag walang food diyan dadalhan kita"
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Pride Out Of Love
Teen FictionA simple Girl from St. Dominica College na nangangarap na makapag tapos at makahanap ng disenteng Trabaho. Babaeng produkto ng isang Broken family. Paano nga ba niya mahihilom ang sugat na dulot nang kahapon? Sugat nang kahapon na hangang ngayon...