Friend Request
"Hello" kaswal kong sagot.
Nakakaloka itong si Iya e. Umagang umaga tumatawag agad.
"Hello siz, Free ka today?"
Halos ilang araw din kaming hindi nakapag kita. Busy siya masyado sa mga ginagawa niya sa buhay niya. Ako naman eto nag eexplore ako sa pag papaint. Nag sisimula na kasi akong mag try nang Arts skills ko. Mas gugustuhin ko pang ubusin ang oras ko sa pag papaint kesa sa social media.
"Uhm, Hindi naman. Bakit?" sagot ko habang sinusubukan kong i-mix yung mga kulay ko na nandito sa harap ko.
"Samahan mo naman ako" sweet na bigkas niya.
"Saan?" nag tatakang tanong ko.
"Screening hehe"
"Screening saan?"
"Nag audition kasi ako sa Model Agency."
"Ha? model? Isang linggo nalang mag papasukan na huh?" pagalit kong bangit
"Sige na, Adi this is My dream please?" Nag mamakaawang tono niya.
Matagal ng pangarap ni Iya na maging isang model kaya naman ngayon na nandyan na yung matagal na niyan pinapangarap kailangan supportahan ko siya.
"Okay, Kilos na ako"
"Talaga? Yehey ikaw na talaga ang supportive na kaibigan." tuwang tuwang sabi niya.
Mabilisang ligo lang ang ginawa ko. Tawag kasi nang tawag si Iya napaka kulit.
Habang nag susuot ako nang akin White rubber shoes tumunog ang aking phone na nakalapag sa aking tukador.
Si Mommy yun.
"Hello, Mom"
"Hello Anak"
Alam ko na kung bakit siya tumawag. Tungkol nanaman ito kay Mark. Nung nakaraan pa siya nag tatanong kung anong meron samin ni Mark.
Pero paulit ulit ko din itong sinasagot nang "Mag kaibigan lang kami."
"Anak mag papasukan na kayo next week ah? May mga gamit kana ba?"
Mabuti naman at nag iba ang topic namin ngayon ni Mommy.
"Opo, Mom nung nakaraan pa po sabay kami ni Iya namili."
"Iya? O kamusta na iyang babae na 'yan" maligalig na sabi ni mommy.
Hindi ko alam kung sisiraan ko ba si Iya kay Mom or makikipag plastikan ako. Pero syempre mabait ako na kaibigan kaya naman nakipag plastikan nalang ako kay Mommy.
"Okay naman siya Mommy."
Natawa siya. Kilalang kilala na ata ni Mommy si Iya kaya naman hindi na siya naniniwala sa mga sasabihin ko. Psh
"Ahm, Mom I'll call you later nalang po may lakad po kami ni Iya e."
"O, ganon ba anak. Sge mamaya nalang para nandyan na din si Mica."
"Alright Mom, Love you"
Pinatay ko na ang tawag dahil baka mamaya nag wawala na yung si Iya sa tagal ko.
Pag labas ko Agad agad ako sumakay sa tricycle papunta sa bahay nila malayo layo yung distansya ng bahay namin sa kanila. Kailangan mo pang sumakay ng tricycle bago maka punta sa kanila.
BINABASA MO ANG
Pride Out Of Love
Teen FictionA simple Girl from St. Dominica College na nangangarap na makapag tapos at makahanap ng disenteng Trabaho. Babaeng produkto ng isang Broken family. Paano nga ba niya mahihilom ang sugat na dulot nang kahapon? Sugat nang kahapon na hangang ngayon...