CHAPTER 8

34 6 0
                                    


ROOM 402

"Goodmorning Adi" si Manang mula sa pintuan ng aking kwarto.

"Manang naman ang aga para sa umaga " inis kong sabi

"Adi diba ngayon ang unang araw mo sa pasukan"

Ugh oo nga pala hindi pa ako nakaka get over doon sa aming laguna trip. Miss ko na agad sila tita. Hays

Masyado ata akong napagod sa byahe hindi ko pa nga naliligpit yung mga damit ko ginamit.

"Omaygad Manang, anong oras na?" taranta kong sabi.

"7:00 am anak"

AHHHHHHHHH SHITTT 8:00 AM ANG START NG KLASE KO!

Dali dali akong bumangon mula sa pag kahiga at mabilisang inayos ang aking higaan.

Shit!! first day na first day mukang malalate pa ako.

Pag katapos kong maligo ay agad akong nag bihis ng aking uniform. Nilugay ko ang aking mahaba at wavy na buhok dahil first day syempre mag aayos tayo mamaya mag gwapo dun charot!! nag lagay din ako ng unting blush on at liptint. Hindi ko na kailangan mag lagay ng pang kilay dahil natural naman na makapal at may shape ng aking kilay. Sabay suot ng akin I.D

Arabella Adelaide Trinididad HUMSS B

Sa totoo lang hindi pa ako ready sa pag pasok ko sa senior high natatakot ako sa mga pwedeng mangyare pero laban lang para sa pangarap.

Agad agad kong kinuha ang aking cellphone sa aking kama. I tetext ko si Aliyah.

to: Aliya

"Iya where are you?? omygod sorry nalate ako ng gising."

Aliya:

"Hay nako ka! kelan ka ba matututo magising ng maaga ha? nandito na ako sa sakayan pakibilisan naman!"

Agad agad akong lumabas ng kwarto para makaalis na.

"Adi hindi ka mag aalmusal?" si Manang mula sa kusina

"No, Manang, late na po ako nag aantay na si Iya sa sakayan"

Nadatnan ko si Mica sa kusina na kumakain ng almusal bacon and egg yun huhuhu kagutom pero late na ako shit!!

"Ate, nag tanong si kuya Mark kung pwede ka daw niya sunduin niya School niyo" tamad niyang sabi.

Mark? Kapal din ng muka niya para mag paramdam.

"No, Wala akong balak na kausapin pa or makita manlang siya."

"k" tamad niyang sabi. aba itong kapatid kong 'to kung hindi ako iignore tatarayan ako.

"Manang alis na po ako"

"Mica alis na ako"

"Whatever" sabay irap n'ya.

Psh aga aga ganyan nanaman siya.

Halos patakbo na akong pumunta sa sakayan para puntahan si Iya. pawis na pawis na ako myghad bali wala yung ayos ko kanina kainis.

"Iya sorry nalate ako ng gising e"

"Bilisan mo nakakastress ka kanina pa ako dito malalate na tayo mag hahanap pa tayo ng room naten"

"Shit isa pa pala yun."

Mabilis lang ang byahe papunta sa pinasukan naming School. kaya mabilis lang kaming nakarating doon.

Pride Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon