CHAPTER 11

20 6 0
                                    


Tawag ng kalikasan

Naiabot ko na ang bayad ko sa kaniya psh sobrang kaba ko kanina grabe!

Pero teka? bakit nga ba ganon ang aking naramdaman kanina? At bakit niya nasabi na weird?

Pero mas malaking tanong sa akin kung bakit bumaba siya sa jeep ngayon samantalang malayo pa ang aming eskwelahan?

"Manong para po" aniya.

bakit siya bababa? Mag cucutting siya?

Dumaan siya sa aking harapan at agad kong nalanghap ang pang lalaking amoy niya. Napapikit ako sa amoy nito. Sakto lang ang tapang neto hindi masyadong matapang hindi din masyadong matamis.

Nang aking idilat ang aking mga mata'y  tuluyan na siyang nakababa ng Jeep. Sinundan ko pa ng tingin kung saan siya bumaba.

Laking gulat ko ng bigla siyang may nilapit na babae. Iba ang uniporme nito kesa sa amin mukang sa Crimson College ito nag aaral.

Napa hawak ako sa aking kaliwang dibdib. Hindi ko mapaliwanag ang aking nararamdaman may tila kung anong kirot akong nararamdaman sa aking sistema.

Laking gulat ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Adi?"

Si Wesley!

"Wes? Bat ka naka jeep?"

"Punuan kasi ang mga fx"

Nung naging bakante ang aking tabing upuan lumipat siya doon.

"Natatawa ako sayo kanina. Bakit tila ka lutang kanina nag almusal kaba?" natatawang tanong niya.

"Huh, Oo naman" sabay hilaw na ngiti ko.

Natahimik kaming sandali.

"Uhm wes, Kilala mo ba yung katabi ko kanina?" tanong ko.

Nabaling ang atensyon niya sa akin.

"Yung inabutan mo ng bayad?" natatawang sabi niya.

Shet pag naalala ko iyon nahihiya ako para sa sarili ko.

"O-Oo" utal na sabi ko

"Hindi e, pero alam ko STEM din siya sa higher section lang ata" sabi niya.

Pinara niya ang jeep sa may babaan. Inalalayan niya ako pababa nginitian ko lang siya.

"Tara?"

Sabay kaming pumasok sa School nakita ko agad ang mga mata ng tao sa paligid namin mga nanlilisik ito kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa siguro ako tumumba dito.

Umakyat na kami fourth floor nakakaloka talaga dito sa school na ito dapat nag palagay na sila ng elevator e! Nakakapagod!

"Grabe araw araw na ganito aakyatin ko!" Reklamo ko may Wes.

"Gusto mo ipasan kita?" Seryosong sabi niya.

"Baliw! Muntikan na nga ako sabunutan ng isa sa mga admirer mo"

"Ha? Sino?" Tarantang sabi niya.

"Hindi ko kilala pero hayaan mo na" Sabay hampas ko sa balikat niya.

Natahimik siya sandali habang nakatingin sa akin. Winagayway ko sa kaniya ang kamay ko para makuha ang atensyon niya.

"Hoy! Hoy! Nyare sayo?" tanong ko habang patuloy ako sa pag wagayway ng aking mga kamay.

Pride Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon