Finally home.Pag ka pasok ko sa aking kwarto agad agad kong tinawagan si Iya. Fuck I need her right now. Bukod kasi sa subok na 'to sa pag ibig magaling din siya makinig lalo na pag may problema ka.
"Iya" sabi ko.
"Hello, Aga aga ha." Pagalit na sabi niya mukang nagising ko ata siya mula sa pag ka tulog.
" Iya si Mark."
Suminghap siya bago mag salita.
" ANO GINUGULO KA NANAMAN? SABI KO NAMAN KASI SAYO ITUMBA NA NATIN YAN E." hindi ko alam kung pabiro iyon pero sa tono niya mukang seryoso siya sa sinasabi niya.
"Iya, kasi naman diba alam naman niya na nadala na ako kila mommy at daddy ayoko. Ayoko mangyare sakin yun." nanginginig ang boses ko pag ka bangit ng huli kong salita.
"Hey, I know okay! Dont cry pls" natataranta niyang sabi.
Sa totoo lang hindi ko alam kung pano nangyari sakin 'to. Nung bata ako sobrang nahihiwagaan ako sa nagagawa ng pag ibig pero dahil lumalaki ako at unti unting nababahiran ng pag dududa ang paniniwala ko sa pag ibig.
Bukod kasi sa ako ang unang anak ako ang nakaranas kung pano ipinapakita ni Mommy at Daddy ang pag mamahalan nila. kaya hindi ko maintindihan kung paano nagawa ni Daddy yun.
Bata palang ako pero ang takbo ng utak ko ay iba. Hindi katulad sa mga kalaro ko noon na ang tanging tumatakbo lang sa utak nila ay pano suklayin ang buhok ng manika nila.
Madaming tanong ang naiwan sa aking isipan. Bakit ganon? Bakit parang biglaan nalang? Nauubos ba ang pag ibig? bakit bigla nalang nawala yung dating tamis ng pag ibig nila Mommy at Daddy.
Ganon ba talaga yun? Kasi kung ganon yun ayoko na. Ayoko na maniwala.
Gaano mo nga ba masasabing mahal mo ang isang tao? pag ba mabibigay niya lahat ng luho ng katawan mo? pag ba sweet siya sayo?
Hindi bat ang tunay na simbolo ng pag mamahal ay ang pag tangap mo nang buo sa isang tao?
Ano nga ba ang tama?
"Hello, Adi naririnig mo ba ako?" nag aalalang tanong ni iya.
"Yup, Sorry"
" Alam mo I think layuan mo nalang si Mark kung ayaw mo."
"Iya ayoko mawalan ng kaibigan"
"Kaya mo na ba lunukin ang pride mo?"
Pride? pride ba ito?
"Uhm Iya, call you later." sabay hikbi ko.
"Bakit hindi mo nalang kasi subu-"
Hindi ko na sya pinatapos ng pag sasalita at agad pinatay ang tawag. I need to fix myself at alam ko na no one can do that for me ako lang.
Minsan kasi may point sa buhay natin na hindi natin kailangan ng kasama sa laban. Kailang mo lang ang sarili mo.
"Ate are you okay." si Mica sa labas ng kwarto ko.
Shit! kailangan ko ayusin ang sarili ko. Hindi niya ako pwedeng makitang mahina.
"Uhm, Yes what do you need?" tanong habang inaayos ang sarili.
BINABASA MO ANG
Pride Out Of Love
Ficção AdolescenteA simple Girl from St. Dominica College na nangangarap na makapag tapos at makahanap ng disenteng Trabaho. Babaeng produkto ng isang Broken family. Paano nga ba niya mahihilom ang sugat na dulot nang kahapon? Sugat nang kahapon na hangang ngayon...