CHAPTER 12

8 5 0
                                    

Misteryo

kalahating taon na ang makalipas  mula ng ako'y binoto nila bilang presidente ng Classroom sa puntong iyon medyo na proud naman ako sa sarili ko. Napapasunod at maayos ang feedback ng iba pa naming teacher.

Mag kakakilala nadin ang bawat isa sa amin halos parang mag kakapatid na nga ang turing namin sa isat isa. Sa loob ng  kalahating taon madami din ang nangyari mayroon mga ayaw at tampuhan. Stress pero nakakatuwang nakikita ko na naayos namin ang mga ganong problema.

Nung nag birthday si miss abella ginawan namin siya ng suprise sobrang natuwa daw siya napaiyak pa nga namin siya e. Masaya ako para sa sarili ko dahil nakayanan ko mag manage ng isamg classroom.

Ngayong buwan ay ang aming Sport fest. Hindi ako active sa ganito so taga nood nalamang kami. Si Iya ay nag laro ng Volley ball. Magaling si Iya sa larangan ng Volley ball nung grade 10 nga kami MVP siya e.

Ako ang nag silbing P.A niya tamang ayos ng mga damit niya abot ng tubig nice diba pero oks lang lab ko naman 'yon e.

"Ara tara sa court basket  ball boys" sabi ni lawrence.

Mukhang mang hahaunting pa ata  ng gwapo ito.

Hinigit niya ako sa court para manood ng laro. STEM VS. HUMSS ang laban. Maingay sa court dahil sa mga sigawan ng mga babae.

"Bilis singit tayo" sabi ni Lawrence.

Nakasingit naman kami sa dagat ng mga kababaihan na akala mo bulateng inasinan.

"GO HENDERSONNNNNNNNNN!!" Maka putol litid na sigaw niya.

"HENDERSON DURUGIN MO AKO" sabi ng katabi niya.

Natawa ang ilang mga nandon sa tabi namin

Henderson? Sino ba yung sinisigaw nilang henderson? Napukaw ang atensyon ko sa lalaking naka talikod mula sa amin pawis ito pero hindi yung bawis na madumi para lang 'yon natural na bumabagsak sa bawat hibla ng kaniyang balat.

28 lang ang nakalaga sa kaniyang likuran at wala itong pangalan maybe for security purpose?

Nang humarap ito hindi ko inaasahang mag tatama ang paningin naming dalawa tila humina ang ingay sa paligid naming dalawa nakatingin parin siya sa akin ang kanina niyang matalim na mata ay biglang umamo na parang nangingi usap. Mas lalong bumilis ang takbo ng aking puso napaawang ang kaniyang labi agad dumilim ang paningin ko ng may biglang tumakip ng aking mga mata.

Tinangal ko ito agad  kong nilingon kung sino iyon.

Si wesley may dalang bottled water.

"Adi water?" sabay lahat niya ng bottled water.

Imbis na kuhain ko ang tubig mula kay Wes ibinalik ko ang mata ko kay henderson.

Nakita kong ibinato niya ang bola sa Court biglang napa "AWWWW" ang crowd.

"Anyare" Nag tatakang tanong ko.

Walang sumagot nito. Kaya naman inaya na ako ni Wes punta sa Umbrella para kumain.

"Dito ka lang ako nalang ang bibili"

"Uhm okay" sabi ko.

Umalis na siya patungo sa Canteen.

Nilabas ko mula sa aking Anello bag ang aking DSLR balak ko sanang kumuha ng mga larawang ng St. Dominican.

Patuloy ako sa pag hahanap ng Perfect shots panalipat lipat ko ang lense ng Camera para makahanap ng tamang angulo. Nataranta ako ng biglang may mga sumulpot na mga basket ball player mga naka dilaw ito na jersey at May naka imprinta sa harap na STEM WARRIORS agad konh ibinaba ang camera ko upang makita kung sino iyon.

Pride Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon