So ayun andito kami ngayon ng aking kasamang si Kumag the Pilot sa isang park dito sa Korea. Ang Daejung Park, isa ito sa mga sikat na dinarayo ng mga turista, lalo na ng mga turistang kabataan.
Sobrang ganda dito at kahit hapon na hindi mainit. Gusto ko ngang ifeel yung ambiance kaso etong ow so cold Piloto ng bayan kong kasama ay sobrang nakakabwisit.
Kulang nalang magpatayan kami dito sa pagbabangayan namin, bwisit talaga siya sarap ipalapa sa kambing-_-
"hey Luna punta ka doon oh" Napatingin naman ako sa kanya, tinuro turo ng nguso niya yung isang wall doon.
Maganda yung pader kaso diko type, parang ang plain kase.
Yung ibang wall naman ang daming nagpi picture, actually mga nasa sampu siguro yung mga pader dito na may ibat ibang mga design.
Sa halip na pumunta doon sa itunuro niya, naglakad ako palayo sa kanya. Nagbabakasakali ako na baka may bakante pang wall na walang tao. Habang naglalakad may mga nasasalubong pa akong mga lalaki na tingin ng tingin sa akin.
Yung mga tingin nila, yung tipong para bang hayok na hayok silang makakita ng isang magandang babaeng katulad ko.
Well sorry sila pero diko sila type, may itsura naman sila kaso mukang mga manyak! Yuck!
Nang medyo makarating ako sa may dulo nitong park, medyo kinakabahan na nga ako kase hindi ko kasama yung kumag na yun. Baka mamaya may mangyaring masama sa akin dito.
Mamaya marape ako dito ng sampung lalaking pogi,
Shocks kung pogi lang naman pala ang mangre-rape saken di na ako papalag, charot!
Nakakainis naman kase yung pilotong yun! hindi man lang ako hinanap or sinundan.
Imbis na kabahan, nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng may makita akong isang wall dito.
Hindi ko masyadong kita yung kabuuan ng wall pero kita kong may dalawang couple na nanggaling doon.
Nakupo baka may ginawang kababalaghan yung dalawang yun ah? Nakita ko kaseng may lipstip pa yung lalake sa bibig, para bang nagkiss sila kaya ganun yung bibig niya. Tapos nung makita nung babae pinunasan niya kaagad Yung labi nung lalaki.
Naku baka nagtut tut na sila don? Jusko hindi lang pala sa Pilipinas may mga ganong tao, pati rin pala dito, nakakaloka.
Tumingin pa sakin yung dalawa tapos parang may binulong yung babae, tapos medyo nagtawanan pa sila, kaya medyo naiinis ako!
Ano patulan kona ba itong dalawang ito?
Itumba na natin!
Nacurios ako ng makaalis yung couple kaya agad akong nagpunta doon para tignan.
Medyo nakatago pa kase yung wall at may dalawang harang sa gilid.
Nang makalapit ako, medyo kinabahan pako ako kase napansin kong parang may nakatingin sa akin sa likod.
Paglingon ko wala naman.
Shocks ang creepy ng place na to!
Tumingin ako sa paligid at nagulat ako sa nakita ko, may mga couple na nagsidadatingan, meron naman na mga nakatambay tapos yung iba nagpipicture.
Shocks talaga bang dapat may kacouple?
Edi kayo na!
Kung sisigaw kaya ako dito ng WALANG FOREVER maiintindihan kaya nila?
Haha sisigaw na sana ako kaso may nakita akong Pinoy, muntik na yun ah haha mamaya ipatumba ako nun, mahirap na.
Aalis na sana ako kaso curious talga ako kung anong meron dun sa pader nayun. Kaya lumapit ako para tignan.
YOU ARE READING
Fly Me To The Moon
RomanceThis is the Story of a Traveller & a Pilot. Mariah Luna Mendoza the traveller & Patrick Advincula the Pilot. Both of them loves to travel around the world. Luna is a girl that has many dreams in life, she loves to travel not because gusto nya lang...