"I'm sorry" Napaiyak ako habang ginagamot yung pumutok niyang labi."Nah, I'm okay" Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at ngumiti.
"Sino ba yung lalaking yun? Ang gwapo ha" Natawa ako sa sinabi niya, imbis na mainis siya kay Patrick ay napuri niya pa ito.
"Ano kaba, mas gwapo ka don" Hinampas ko siya at saka kinindatan, umakto naman siyang susuka kaya pareho kaming nagtawanan.
"Where hereeeee" Biglang bumukas yung pintuan at tumambad doon sina Nicky, Christian, Silver at Angel
Tinext ko sila na pumunta dito at magdala ng meryenda dahil nandito si Everette.
Si Nicky at Silver lamang ang tanging nakakakilala sa kanya kaya pinakilala ni Nicky si Everette kila Christian at Angel.
"Nice and gwapo mo" Puri agad ni Angel at halatang kinikilig pa.
"Hindi tayo talo ghorl" Sabay irap ni Everette kay Angel.
Nagsi-tawanan naman kaming lahat at nalaman nilang binabae itong si Everette.
"Gosh sis namiss kita ng sobra sobraaaa" Niyakap ni Nicky ng mahigpit si Everette at nakita naman naming medyo kumonot ang kilay ni Christian halatang nagseselos hahahaha.
"Hoy PuNieto talagang ganyan kami, wag kang magselos" puna ko
"FYI hindi ako nagseselos" hahahaha okay
"Hey babe kiss mo nga si Nicky diba yun naman yung ginagawa natin dati?" Panunukso ko kay Christian. Sinamaan naman niya ako ng tingin,
"Joke hahahaha"
____________
Isang buwan na ang lumipas at marami nang nangyari, una sa iisang bahay na kami nakatira nila Nicky, Christian, Silver, Everette at Angel. Pangalawa si Angel, hindi kona siya pinaghihinalaan dahil mukha naman siyang mabait, at saka maasahan din siya. Pangatlo si Patrick, lagi niya akong dinadalaw sa office at araw araw siyang humihingi ng sorry at chance sa akin, may time na kahit gabi na ay nandon pa rin siya sa office para lang masigurong safe ako pauwi sa bahay namin, minsan nakikita ko rin yung sasakyan niya twing umaga at gabi na nakapark sa harap ng bahay namin. Pang-apat, si Silver... Inamin kona sa kanya ang lahat, sinabi kong wala akong nararamdaman sa kanya kundi ang pagiging kaibigan at nakatatandang kapatid lamang, sinabi niyang nauunawaan niya iyon, pero halatang malungkot siya kaya sinusubsob na niya lamang ang sarili niya sa pagtratrabaho.
"Handa na ba ang lahat?" Tanong ko dahil pupunta kami sa isang resort ngayon upang magbakasyon.
"Yessss" isa isa naman nilang tugon.
Excited kaming lahat dahil hindi pa namin napuountahan ang resort na pupuntahan namin at ang sabi private daw iyon kaya laking gulat ko nalang nung magresponce sila sa email ko.
Ilang oras rin ang lumipas ng makarating kami roon, pagkatapos naming sumakay sa isang private boat agad na tumambad sa amin ang sariwang hangin at white sand, isa itong isla at kitang kita ang mga maliliit na cottage, inasikaso agad kami ng mga empleyado, sinabitan ang mga lalaki ng bulaklak at habang kaming mga babae naman ay binigyan ng mini bouquet. Feeling ko para kaming mga sikat na turistang dumayo dito.
"Good day Ma'am and Sir, welcome to 'Isla de Paraiso'" Ihinatid kami ng mga bellboys sa kanya kanya naming rooms at sinabing may nakahanda ng tanghalian doon sa baba kaya, bumaba narin kaming lahat upang kumain ng tanghalian.
YOU ARE READING
Fly Me To The Moon
RomansThis is the Story of a Traveller & a Pilot. Mariah Luna Mendoza the traveller & Patrick Advincula the Pilot. Both of them loves to travel around the world. Luna is a girl that has many dreams in life, she loves to travel not because gusto nya lang...