Today we are going to Jeju Island, sobrang excited ako kase makikita namin yung Canola Flower at Cherry Blossom.Nakasakay na kami ngayon sa isang yate, ewan konga kase sobrang tahimik ni Patrick ngayon, ayos naman kami kagabi.
Naalala ko tuloy yung kagabi.
Flashback....
"hey okay kalang? Let's eat" aya niya saken habang inaalalayan akong umupo sa dinning table.
"wow niluto mo ito lahat?" Talagang napawow ako, ang dami niyang niluto at mukhang masasarap.
"yep, medyo may alam naman ako sa pagluluto" Medyo napakamot pa siya ng ulo na parang nahihiya.
"Ok let's eat" Nagpray ako tyaka kami kumain.
Hmm masasarap nga itong mga luto niya. Pwedeng pwede siyang mgchef kung tutuusin, kung hindi siguro siya nagpiloto malamang nagchef siya.
"actually balak ko talagang mag chef, kaso yung daddy ko pinilit akong maging piloto since may mga company at airlines kami"
Mukang nahalata niya yatang nagiisip ako.
"aw I see" Hmm ang sarap talaga, diko mapigilan yung sarili kong kumain ng marami.
"Hindi kaba nagdadiet?" Napatingin ako sa kanya, mukang kanina papala siya nakatingin sa akin, nakakahiya!
"hindi ah, talagang sexy lang ako" haha totoo naman ah.
"Sexy kaba?" Luh inaano koba siya? Baka gusto niyang magkroon ng World War III
Inirapan ko siya.
"Just kidding, sexy ka at maganda" Hala parang tanga naman to!
"Naku alam kona yan!" Shocks nagblush yata ako, sana hindi niya mahalata. Iniwas ko yung tingin sa kanya at kumain nalang.
"You're blushing" Shocks! Patay!
"hindi ah" shit naman, nahihiya nako haha
"anong hindi? ayan oh kitang-kita" At hinawakan niya pa yung mukha ko at iniharap sa kanya.
Naku naman, hindi ako makatingin. Susme Lord kuhanin niyo na po ako. Shemay!
"bakit hindi ka makatingin?"
"Anong hindi? ayan oh nakatingin nanga ako sayo" Tinitigan ko siya para ipakita sa kanya na hindi ako naiilang. Pero shit hindi ko kaya, kaya inilihis ko din yung tingin ko.
"Tapos na akong kumain" Pagiiba ko ng usapan.
"Hindi pa ako tapos" Sabi niya
"E ano naman, tapos na ako e. Diyan ka muna dun lang ako sala"
Tumayo na ako para umalis pero bigla niyang hinigit yung kamay ko.
Hinila niya pa ako lalo kaya napaupo ako sa lap niya. Shocks jusko naman Lord tulungan niyo ako.Tukso layuan mo ako!!!
"a-ano bang gi-ginagawa mo?"
"dito ka muna please" Niyakap niya ako gamit ang isa niyang kamay at Yung isa naman ay ginamit niyang pangkain.
"eat this" Itinutok niya saken yung tinidor namay karne at isinubo sa akin.
"anukaba tama na, punta na ako don" Tumawa siya tyaka niya ako binitawan.
YOU ARE READING
Fly Me To The Moon
RomanceThis is the Story of a Traveller & a Pilot. Mariah Luna Mendoza the traveller & Patrick Advincula the Pilot. Both of them loves to travel around the world. Luna is a girl that has many dreams in life, she loves to travel not because gusto nya lang...