Chapter 20

2 1 0
                                    

Nakarating na kami sa isang five star restaurant, pagkapasok pa lang namin ay makikita mo na talagang panay mga mayayaman na tao ang naririto para kumain, buti nalang maayos ang suot ko, napansin ko rin kase si Silver na naka coat. So I'm wearing a silver backless dress, fitted din siya kaya halata yung pagkacurve ng katawan ko. At pinartneran ko rin ng black heels.

"There, nakita kona sila. Let's go" naglakad kami patungo sa table nung sinasabi niya. I guess nasa sampung katao ang nandon, may tatlong babae at panay lalaki na.

"Oy nandito na pala sila pareng silver" Suddenly I heard a man saying that.

Nang makalapit na kami, ipinaghila ako ng upuan ni Silver at naupo.

"Oh mukang kulang, nasan si Trick?" Sabi ni Silver

"Nag-cr lang saglit, mamaya nandito na yun" sagot nung isang lalaki, I guess isa siyang Engineer

"Oh ayan na pala siya" may nagsalita, hinanap ko naman yung phone ko pero wala.

Bigla kong naalala na naiwan ko pala yung phone ko sa kotse niya.  Naalaa ko, ipinatong ko pala yun habang inaayos ko yung heels ko.

"Aw sorry, naiwan ko pala yung phone ko sa car mo. Where's the key?" Ibinigay na man niya kaagad yung susi at sinabing hihintayin niya daw ako.

Naglakad na ako pagbalik sa parking lot at saka hinanap yung sasakyan niya.

Nang mahanap kona agad kong kinuha yung phone ko at tinignan. May tatlong missed calls.

From Patrick...

Shit! bakit ba kasi nakalimutan ko.

Bigla ulit na may nagtext sa akin.

"Why are you not answering my calls?"--Patrick

Agad naman akong nag-reply

"Sorry, naiwan ko kasi 'tong phone ko sa sasakyan ng kaibigan ko. Kamusta na pala lunch niyo ng mga kaibigan niyo?" I replied

"We're not yet eating, may hinihintay pa kami"--Patrick

"Ah I see, okay see you later nalang. Kailangan ko ng bumalik don e"

"Okay, see you! Imissyou"--Patrick

Napangiti ako.

"Imissyoutoo"

Maya maya pa ay wala ng replay, kaya pumasok na ako sa resto. Nang malapit na ako sa table namin ay nagvibrate 'yong cellphone ko,

"I love you"--Patrick

I think namumula na ngayon ang mukha ko dahil sa pinagsasabi ni Patrick.

Habang naglalakad ako ay nagta-type ako ngreply ko kay Patrick.

"I love you too"

Hindi ko pa yun naisesend dahil nakarating na ako sa pwesto namin.

Agad namang tumayo si Silver at inaalalayan akong maupo.

"Okay guys, I would like you to meet this friend of mine. Siya yung pinakamamahal este siya yung sinasabi ko sa inyong best friend ko" Lahat sila ay nakatingin sa akin habang ako ay busy sa cellphone ko, hindi ako makapag-concentrate sa pag-send nung reply ko dahil sa pagpapakilala niya sa akin.

"This is Mariah Luna Mendoza, everyone" Kasabay ng pagpapakilala niya sa akin ay ang pagsend ko ng message ko kay Patrick.

Halos atakihin naman ako ng mapatingin ako sa cellphone na tumunog malapit sa harap ko.

Fly Me To The MoonWhere stories live. Discover now