Chapter 18

2 1 0
                                    

Pagka-punta ko sa kanya, tinuro niya yung tabi niya at sumandal naman ako.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin, sa sobrang tahimik ay ang simoy hangin na lamang ang aming naririnig.

Ilang minuto ding ganon ang nanyari ng magsalita siya.

"I missed you" Tumingin ako sa kanya habang siya'y nakatingin sa kawalan.

Gusto kong magsalita pero walang gustong lumabas mula sa bibig ko na mga salita. Nang tumingin siya sa akin, nag-iwas ako ng tingin.

"Aren't you miss me?" Napa-pikit ako, kailangan bang tanungin yan? Anong isasagot ko?

"Hmm" Wala talaga akong masabi.

Unti-unti akong nakakarinig ng mga tambol mula sa aking puso. Unti unti na ring bumibilis ang akong paghinga na tila ba hinahabol ako.

Suddenly the wind blew, the gusty  drub on my skin. Mas lalo akong nilamig dahil sa ihip ng malakas na hangin.

"You should go in, it's getting colder" Inginuso niya ang daan papunta sa aming bahay at ngumiti.

Hindi ako kumibo at nanatiling nakatayo at nakasandal sa kotse niya. Napatingin na man siya saking, he give me a face saying that 'what am I doing? Dapat pumasok na ako' ngunit hindi ko siya pinansin. Gusto kong may marinig ako mula sa kanya, gusto kong may sabihin siya. I want him, gusto ko siyang may gawin ayokong magsayang ulit ng oras at panahon, gusto kong sundin ang puso ko at maging masaya.

"Dito muna ako" Sabi ko at inayos muli yung tayo ko.

"Madaming lamok dito" I don't care, kahit kagatin pa ako ng sanda makmak na lamok.

"Okay lang, as long as you're here with me" Napangit ako sa sinabi ko. Nakita ko naman siyang suminghap.

Noong nandon ako sa Nueva Ecija marami akong nausip at mga napag-tanto. Gusto kong maranasang maging masaya hindi lang sa way na gusto ko, hindi lang sa sinasabi ng utak ko, gusto kong maging masaya dahil yun ang sinasabi ng puso ko. Gusto kong magmahal at gusto ko ring mahalin ako ako ng taong mahal ko.

Naisip ko na baka hindi na ako mahal ni Patrick, pero I don't care as long as I love him, ayoko ng masayang ang pagkakataon. Gusto kong maranasang magkaroon ng lovelife, gusto ko siyang makasama tuwing may mga gala ako abroad, gusto kong magselfie sa mga sikat na pasyalan kasama siya, gusto kong may ka-hhww ako habang naglalakad sa 'Great Wall of China'. Gusto kong kasama siyang magpaligo ng mga elepante sa Thailand, gusto ko siyang kasama sa lahat ng pupuntahan ko. I want him! I want more pictures with him.

*Pak*

Napapalo ako sa kamay ko ng may kumagat na lamok, shit! ang sakit non.

*Pak* Napapalo ulit ako sa tuhod ko ng maramdamang may kumakagat nanaman.

"Aish dapat kasi pumasok kana!" Nagulat ako ng hilahin niya ako papasok ng kotse niya.

Napapalo ulit ako sa kamay ko ng may kumagat ulit, shit ang sasakit ng kagat nila. Kawawa naman yung skin ko. Naka-short pa naman ako at sando.

Agad din naman siyang umikot at pumasok sa sasakyan. Agad niya itong pinaandar.

Nang malampasan namin ang bahay namin, inihinto niya ulit ang sasakyan at tumingin sa akin.

"What?" Tanong ko. Tumutig lamang siya sa may manubela at parang may iniisip.

May kinuha siya sa backseat na parang kit at hinalungkat ito.

Fly Me To The MoonWhere stories live. Discover now