Andito ako ngayon sa Park na tapat lamang ng aming bahay, katatapos kolang magbike at nagpapahinga na ako ngayon sa isang cottage, isa itong nature's park kaya makikita mong marami talagang punong nagsi-tataasan. Pag pasok mo agad dito ay bubungad ang malawak na playground. Meron din silang 100 steps dito kung saan aakyat ka ng isang daang hagdan para makaakyat ka sa pinaka taas. Mamaya doon ako pupunta dahil balita ko sobrang ganda na doon.Medyo nauuhaw ako kaya bumili ako ng mineral water sa isang tindahan dito. Pagkatapos ay nagpunta na ako sa 100 steps. Nakakailang hakbang palang ako ay parang pagod na pagod na ako. Marami ring mga namamasyao doon at kita sa mukha nila na gandang ganda sila.
Kahit medyo nandito palang ako sa ibaba ay nakikita kona yung mga puno sa kabilang side. Medyo nararamdaman ko na din yung hangin na humahampas sa balat ko. I think nasa 60 steps na ako kaya tumigil muna ako at nagpahinga. Uminom din ako ng tubig dahil sa pagkauhaw.
"Kaunti palang ang nalalakad mo pero mukhang pagod kana" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.
Isang lalaki, at mukhang tiga rito siya.
Hindi ko siya pinansin at naglakad muli.
"Ay ang sungit ni ate" Narinig kong tumawa siya at narinig ko rin yung mga paghakbang ng paa niya. Kaya bilis ulit ako naglakad para makarating na sa itaas.
Pagkaakyat na pagkaakyat ko sa pang 100 na step ay napasigaw ako ng mahina. Grabe nakakahingal ito, makakababa paba ako? Wews
"Pawis na pawis ka, may pamunas kaba?" Nagulat ulit ako sa nagsalita, nakasunod pala yung lalaki sa akin.
"Excuse me, kilala ba kita?" Pagtataray ko. Pasensiya na dahil ganito talaga ako, lalo na sa mga taong hindi ko naman kilala lalo na yung feeling close.
"Hindi pero ako kilala kita" Magiliw niyang sabi, hmm pano naman niya ako nakilala?
"Kilala moko?"
"Oo"
"Sino ako?" Kunot noo kong tanong.
"Ikaw yung future ko^_^"
Grr I rolled my eyes.
Kung kilala kolang to baka nahampas kona ito, napaka feelingero naman niya.
Pero ayos naman siya, maputi, matangkad, at chinito. Mukhang mayaman nga e.
"Ang kapal mo naman!" Tumawa siya ng nagpakalutong.
"Biro lang, masyado ka kasing seryoso kaya pinapatawa lang kita"
Mukha bang katawa tawa yung sinabi niya?
"Ay joke pala yun? hindi nakakatawa" Napakamot siya ng ulo, umalis na ako doon at nagpunta sa isang side, feel konga yung pawis ko kahit mahangin.
"Oh" May nagabot ng panyo sa mukha ko.
"Punasan mo yang pawis mo" Hindi na ako nakatanggi at inilagay niya yung panyo sa kamay ko.
Wala akong nagawa, wala din naman akong dalang panyo ka no choice ginamit kona iyon.
Nang tinignan ko yung oras 4:30 na kaya napagpasyahan ko ng umuwi.
Naglakad na ako pababa ng masalubong ko ulit yung lalaki.Lumapit ako sa kanya at tyaka isinoli yung panyo.
"Pasensya na, don't worry mailinis ang pawis ko" Nilagpasan kona siya kaya lang hinila niya ako.
YOU ARE READING
Fly Me To The Moon
RomansaThis is the Story of a Traveller & a Pilot. Mariah Luna Mendoza the traveller & Patrick Advincula the Pilot. Both of them loves to travel around the world. Luna is a girl that has many dreams in life, she loves to travel not because gusto nya lang...