Chapter 15

11 8 0
                                    


Nandito na kami ngayon sa loob ng kitchen at pinapanood namin kung pano nila lutuin ang mga milks into a different types of food. Syempre naka complete PPE kami para safe.

Bigla naman may tumawag sa phone ni Christian kaya naman nagpaalam muna siyang lalabas muna. Ako naman tinulungan ko yung si ate dahil nakita kong nahihirapan siyang ihalo yung milk. Pawis na pawis na kase siya kaya kailangan niya munang magpunas sa labas, kaya ako muna ang pumalit doon. Nagmatigas pa nga siya na wag ko na daw gawin yun pero ipinilit ko pa rin.

Nararamdaman ko naman na pinagpapawisan nadin ako kaya ibinilin ko muna sa isang trabahador doon yung ginagawa ko. Sakto namang paglabas ko nakita ko si Christian na papalapit sa akin.

"Hala pawis na pawis kana! may dala kabang extrang damit?"

Napailang ako, hindi naman niya kase sinabing ganito gagawin namin dito kaya hindi nako nagdala ng extra.

"Pawis lang naman ako pero mabango parin ako" Pinaamoy amoy kopa yung kilikili ko sa kanya at panay naman ang iwas niya.

"Ano ba yan Mariang Buwan! Kadiri ka!" Natawa ako.

"Anong kadiri dito? ang bango ko nga diba?"  Haha totoo naman kase, kahit pawis ako mabango parin naman ako.

"Oona tumigil kana" Ngunit hindi ako tumigil, niyakap yakap kopa siya haha

"Ano ba! Hahahaha nakikiliti ako tumigil kan-"

"Wow ang sweet niyo diyan Chris" Agad kaming napalingon dahil may nagsalitang babae.

Automatic na nanlaki yung mata ko ng mapagtanto kung sino Yung katabi niyang lalaki.

Shet! Nooo!

Napakalas ako ng yakap kay Christian at saka tumingin sa sahig. Nakakahiya, bakit siya nandito? At yung babaeng kasama niya yun ba yung tinutukoy ni Nicky?

"Oy Angel, nandito na kayo" Ngumiti sa akin yung babae at saka nakipag shake hands.

"Hi I'm Angel Kim Salvador nice to meet you"

Ngumiti ako..

"Mariah Luna Mendoza, nice to meet you too"

Napansin ko kung pano siya ngumiti, alam kong tumingin ng plastic at hindi plastic na tao. Kaya sa ngiti niya pa lang alam kona na isa siyang bitch! Kung titignan medyo maamo ang muka niya pero yun pala nasa loob ang kulo. Kitang kita ko kung pano siya kumapit sa braso ni Patrick na para bang may aangkin kay Patrick.

"Btw this is Patrick, my future husband" Lumawak lalo ang malapad niyang labi dahil sa pangit niyang ngiti. Eto ba ang nagustuhan ni Christian? Nagayuma ata siya e.

Nakatingin lang ako kay Patrick at wala namang ekspresyon ang mukha niya. Nakita niya sigurong napatingin ako sa braso niya, agad na man niyang inalis yung mga kamay ni Angel sa kanyang braso.

"Nagpahanda pala ako kay manang Frida ng tanghalian, sabay sabay na tayong kumain." Isinukbit niya ulit ang mga kamay niya sa braso ni Patrick at mukha namang gustong alisin iyon ni Patrick pero wala siyang magawa.

Napatingin naman ako kay Christian na tahimik lang sa tabi ko. Mukhang tinamaan nga siya doon sa Angel na iyon at tila malungkot siya dahil sa nakikita niya kanina. Hotdog siya! Bakit yun pa ang nagustuhan niya? mabait siyang tao pero yung ganong klaseng babae ang magugustuhan niya? tsk hindi pwede yun!

Fly Me To The MoonWhere stories live. Discover now