Chapter 19

4 1 0
                                    

"Bye see you later" Mag-aalas 10 na ng ihatid ako ni Patrick sa aming bahay.

Naisip ko agad yung nangyari sa amin kagabi (walang nangyari samin ha!), ipinangako namin sa isa't isa na walang iwanan kahit na may dumating na mga circumstances.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay bumungad agad sa akin si mommy.

"Good morning baby, maganda ba ang morning mo? we'll mukang hindi kona pala kailangang tanungin dahil halata naman na maganda ang morning mo" natawa ako dahil kiniliti pa ako ni mommy.

I wonder kung bakit ganito si mommy sa akin, hindi siya estrikto pagdating sa mga ganyan, kase diba yung ibang mga magulang napakaestrikto.

"Mom I have a question" Sabi ko, hinila naman niya ako sa kusina upang kumain daw, although kumain na ako kila Patrick.

"Mom okay lang sayo na mag-boyfriend ako?" Ngumiti siya at nag-isip.

"Why not anak? As long as you're happy, kung iyan ang makakapag-pasaya sayo I'm here lang to support you. Diba lahat naman ng magulang is masaya na kung masaya ang kanilang mga anak, ganun din ako. Gusto kong sundin mo kung anong nasa puso mo na makakapag-pasaya sayo"

I smiled at her.

"Eh bakit you're not strict at me?" Napatawa siya.

"Anak, hindi ko na kailangang maging estrikto sa 'yo dahil alam ko na marunong kang sumunod, simula bata kayo ng kapatid mo natuturuan namin kayo ng daddy mo ng maayos sa mga bagay, kaya ngayong lumaki kayo wala na kaming pagaalin-langan dahil alam namin na hindi niyo gagawin ang mga ayaw namin ng daddy niyo."

Niyakap niya ako.

"Eh bakit si daddy medyo strict siya sa amin?" Si daddy kase minsan nagihing estrikto siya sa amin in terms of business.

"Hayaan mo yang daddy niyo, nag gagalit-galitan lang yan pero mabait talaga yan, you know the word trust baby? Ganyan lang ang daddy niyo pero may tiwala yan sa inyo" Yeah ganun nga si daddy minsan nga nahahalata kong nagpapanggap ng siyang galit.

Niyakap akong tuluyan ni mommy at kiniss sa pisngi.

"So may boyfriend na ba ang baby namin?" I rolled my eyes

"Mom I'm not a baby anymore" Natawa naman siya

"Hahaha ay oonga pala dalaga na pala siya kaya may boyfriend na" Aish! Gusto ko ulit i-roll yung mata ko pero mukang masakit na haha

"Mom hindi ko boyfriend si Patrick"

"Oops napaka defensive mo naman, wala naman akong binabanggit na pangalan eh" shit! Oonga 'no? So embarrassing!

"Urgh basta wala akong boyfriend mom! Yes, we are in good terms, but his not my boyfriend" napatango tango naman siya at saka humagikgik.

Nang matapos na ang eksena namin don sa kusina, naligo na ako at nagbihis. May lakad ako ngayon, tinext ako kanina ni Silver na may mga gagawin kami, tyaka sasamahan ko siyang maglunch mamaya, kasama niya daw kasi yung mga friends niya at gusto niya akong ipakilala.

Sabi konga wag na akong sumama kase lunch nila yun eh, kaso mapilit gusto niya daw na kasama ako at ipagmamalaki niya na ako daw ang pinakamamahal niyang bestfriend.

Napa face palm nalang ako, pero kung sa bagay gusto ko rin makakilala ng mga ibang tao. Para naman mas dumami ang mga friends ko. Nababawasan na kasi, yung iba kong 'kaibigan' kuno ay plinaplastik lang ako. Gusto lang nilang makahuthut ng pera ko kaya nila ako kina-kaibigan.

Nung highschool ako, nasubukan kona ring matraydor ng kinikilala kong best friend noon, bukod kay Nickyat Silver siya yung isa kong best friend. Si Rics, mahirap lang kasi sila non, kaya twing tanghalian kumakain siya lagi sa bahay namin, halos lahat binibigay ko sa kanya. Sa twing may assignment kami tapos 'di niya nagawa tapos ako nagawa ko, papakopyahin ko siya, tapos pag may project ako lagi ang may sagot kapag pera ang usapan, lagi ko rin siyang nililibre. Minsan dun na nga rin siya tumitira sa bahay. Hanggang sa may nag-kagusto sa akin non, sa kanya ko lahat sinasabi. Pero yung lalaking nagaka-gusto sa akin is may girlfriend na. Pero yung lalaki hindi ko gusto, nagchachat lang kami non pero hindi ko siya pinapatulan kasi nga may girlfriend na, lahay yun sinasabi ko kay Rics.

Hanggang sa may nagkagusto sa kanya, simula non hindi na kami laging nagkaka-usap, ni hindi na niya nga ako tinatawagan non, dati rati tatawag siya sakin para lang kamustahin ako, pero simula nung may nagkagusto sa kanya, nawala lahat ng pinagsamahan namin.

One time, bigla nalang may nagchat sa akin, yung girlfriend nung nagka-gusto sa akin, tinatanong kong may relasyon ba kami ng boyfriend niya. Sabi ko wala, pero may nagsabi daw sa kanya na meron. Tapos nalaman ko nalang na yung nakakagusto pala kay Rics ay kapatid nung girlfriend nung nagkaka-gusto sa akin. Sinabi daw ni Rics kay Jowen (nagkaka-gusto kay Rics) na may relasyon kami khit wala naman. Nalaman kong iniba niya lahat ng mg sinabi ko sa kanya, at siniraan niya ako, kaya noon naipit ako sa gulo ng magjowa. Ako yung pinag-bintangan kung bakit nasira yung relasyon nila.

Tapos nakakatuwa nga, nung nakapagtapos na ako ng highschool noon, nalaman ko nalang na buntis na si Rics. Grabe nga naman, inuna niya kasi yun, edi anong nangyari sa kanya? Najontis. Tapos nabalitaan kong naghihirap sila ngayon, naka tatlo na nga yata sila ngayon eh.

Anyway ayoko ng balikan yun, thanks to Nicky and Silver kasi naging tunay sila sa akin. Si Nicky na nandyan lagi sa twing kailangan ko at si Silver lagi akong pinapasaya kahit sobrang lungkot na lungkot na ako.

So ngayon papunta na ako sa office, may ichecheck lang akong mga papeles tapos papasundo na rin ako kay Silver.

"Where at you?" Biglang may nagtext sa phone ko.

Si Patrick...

"Office" reply ko habang papasok na sa upisina ko.

"Kumain kana ba ng lunch?"

"Nope, susunduin ako ng kaibigan ko tapos kakain kami sa labas" reply ko ulit

"Good, kumain ka ng marami" Tss gusto niyang tumaba ako?

"Ikaw kumain kana?" Tanong ko

"Not yet, may lakad din kami ng mga kaibigan ko, ngayon lang uli kami magsasama-sama kaya kakain kami sa labas" Ah buti pa siya maraming kaibigan haha

"Okay, kain ka rin ng madami" ^_^

"Yes love" reply niya. Omooo bumilis nanaman yung tibok ng puso ko, hindi ko alam kung anong irereply ko kaya nung tumagal hindi kona nareplyan.

Nung mag 12:00 na, bumaba na ako dahil nagtext na si Silver na nasa parking lot na daw siya.

"Hi" bati niya.

"Let's go?" Pinaandar na man niya agad 'yon at mabilis na nagmaneho.

________________

Thanks for reading:>

Kindly Vote & Comment!!!

God Bless❤️

Fly Me To The MoonWhere stories live. Discover now