Nagising siya sa sunod sunod na katok sa pinto,tiningnan niya ang maliit na bedside table kung saan nakapatong ang kanyang alarm clock,umaga na pala.
"Lira"tawag ulit sakanya ng tatay niya
Bumangon siya at tinungo ang pinto
"Goodmorning po tay"bati niya dito pagkabukas niya ng pinto."Magandang umaga din anak,Kinatok na kita at baka malate kapa sa pu-punta-han mo."
Sabi nito habang umuubo."Upo tay,pasensya na po at di ako nagising nang maaga mabuti nalang ginising niyo ako at baka malate pa ako at maghintay pa sakin ni Senyorita Leticia."
"Sige na anak,maligo kana at magbihis para makapunta kana ng mansyon."
"Sige po tay"
At tinalikuran niya na ito at dumiretso na sa maliit niyang banyo.Habang naliligo siya di niya mapigilan isipin ang buhay na meron siya.
Dalawa na lang sila ng tatay niya na magkasama sa buhay,di niya na naabutang buhay ang nanay niya.
Sabi ng kanyang ama nasawi daw ang kanyang ina nung pinanganak siya di daw nito nakayanan ang panganganak.Kaya naman simula pagkabata ang kanyang ama na ang kasama niya sa buhay at nagpapasalamat siya sa maykapal na ito ang kanyang ama dahil di siya nito sinukuan at sobra sobrang pagmamahal ang binigay nito sa kanya at pinapangako niya sa sarili niya na i-aahon niya sa hirap ang kanyang ama.
Nasa huling taon na siya sa kolehiyo pero nahinto siya nang magkasakit ang kanyang ama at kailangan niyang tumigil para maalagan ito.
Nagtrabaho siya sa mansyon ng mga Del fuego para may pambili ng gamot ng kanyang ama.
At pinahinto niya na din ito sa pagsasaka at sabi ng doktor kailangan daw nito ng tamang pahinga.
Kaya naman araw-araw siyang pumapasok sa mansyon para walang palya ang pag inom ng gamot ng kanyang tatay.
Tinapos niya na ang pagligo at lumabasa na ng banyo.
Nagsuot lang siya ng simpleng red na blouse at komportable na pang ibaba at tinernuhan ng isang pares ng tsinelas na kulay itim naman.
Sinuklay lang niya ang mahaba at maalon alon niyang buhok at pinusod ito,at di na naglagay ng kahit na ano sa mukha ko.
Lumabas na siya ng kuwarto at naabutan niyang nag-aalmusal sa kusina ang kanyang ama
"Tay aalis na po ako"
Paalam niya dito.Nag angat ito ng tingin
"Oh,di kana ba mag aalmusal?".
Tanong nito sa kanya.Umiling siya at lumapit dito
"Di na po tay,sa mansyon na po ako mag-aalmusal sigurado naman ako na tinirhan ako nina manang.""Sige,ikaw ang bahala anak"
"Sige po tay,mauuna na po ako"
Sabi niya at tumalikod na.Nilakad lang niya papunta sa mansyon.malapit lang naman sa kanila
Gagastos pa siya pag sumakay ng tricycle.habang daan di niya mapigilan humanga sa kapaligiran
Mga nagtatayugang matataas na kahoy ang nakapaligid sa daan pero di naman nakakatakot dahil marami namang taong dumadaan dito.Ilang minuto pa narating na niya ang mansyon.
Dumiretso siya sa may gate at nag doorbell.Ilang sandali pa bumukas na ito at inuluwa si manang Herna.
![](https://img.wattpad.com/cover/233318852-288-k553946.jpg)
BINABASA MO ANG
Love me (COMPLETED )
DragosteUlilang lubos na nagtiwala sa lalaking mahal na akala niyang magbibigay sa kanya ng panibagong kasiyahan. Pumayag si Lira na tumira sa iisang bubong kasama si Leo.Akala niya magiging masaya na siya pagkatapos na mawala ang kanyang ama,pero sadyang m...