Chapter 11

172 50 4
                                    

3 years later.

"Ay!"nagulat siya ng makabungguan niya si Linda galing ito sa kusina.

"Nakakagulat ka naman Linda,bat ba ang aga mong gumising?"

"Kasalanan ko ba na magugulatin ka?eh konting langitngig nga lang nagtitili kana"umirap ito sa kanya.

"Bakit ang aga mong gumising six pa lang ah at mamayang eight pa ang pasok mo?"tanong niya ulit dito at pumasok na sa kusina at kinuha ang milk bottle at tinimplahan ng gatas.

Sumunod si Linda sa kanya pabalik sa kusina.
"Maaga talaga ako ngayon pinapasok ni maam Pia kasi aabsent ngayon si Reese"sagot nito sa kanya.

Tatlong taon na ang lumipas simula nang tumakas siya sa piling ng lalaking mahal at hanggang ngayon patuloy parin siyang tumatakas at umiiwas sa sakit ng nakaraan.

Simula noon ay si Linda ang kasama niya nalaman niyang hinahanap siya ni Leo at nagkataon naman na nagkasalubong sila ni Linda sa may terminal ng bus at sumama siya dito paalis.

At kasalukuyan silang nasa isla ngayon at nagtatrabaho sa isang resort,di na bumalik si Linda sa mansyon ng malaman ang kalagayan niya.

"Ganun ba?anong oras ka mag a-out?"

"Maaga ako mag a-out ngayon siguro mga three pm uwian ko na,bakit?"

Lumabas na siya at bumalik na sa kwarto niya at naabutan niyang si Acel na pinaglalaruan ang phone niya sa ibabaw ng kama.

"Baby here's your milk"sabay bigay niya dito ng bote ng gatas at kinuha ang phone niya pero ayaw nito bitawan at patuloy na kinakalikot ang phone niya.

"Baby,give me my phone that's not good for you"tuluyan na niyang kinuha ang phone niya dito.

Umiyak ito pero binigay niya kaagad ang gatas nito kaya tumigil din ito kaagad.

Lumingon siya kay Linda na nasa likuran pa rin niya ito.

"Since maaga ka uuwi mamaya pwede bang iiwan ko sayo si Acel?mag gogrocery lang ako paubos na kasi ang gatas at mga diapers niya.

"Ano kaba Lira walang problema,basta ikaw tsaka kahit di mo na kunin si baby Acel sakin okay lang"sabi nito at lumapit kay Baby Acel at pinanggigilan ito. "Diba baby Ace?"

Natawa na lang siya sa sinabi ng kaibigan,malaki ang pasasalamat niya dito dahil ito ang naging sandigan niya ng mga panahong walang wala siya.lalo na nang malaman niya na buntis siya gusto niyang pang hinaan ng loob noon pero sa tuwing naalala na ang nasa sinapupunan niya ay bunga ng pagmamahal niya kay Leo ay lumalakas ang loob niya na ipagpatuloy ang buhay kasama ang munting anghel na nasa sinapupunan niya.

Habang buntis siya ay naghanap siya ng trabaho para may pang gastos siya sa panganganak habang nakatira sa bahay ni Linda kasama ang nag iisa nitong kapatid wala na din mga magulang si Linda.

Nang manganak siya at kaya na ulit niya magtrabaho ay naghanap ulit siya ng mapapasukan at may nahanap siya na part time job sa isang Restaurant nag we-waitress siya na kahit pano ay kayang suportahan ang pangangailangan nilang mag-ina.

Dahil sa kasipagan niya ay humanga sa kanya ang may ari ng Restaurant na pinagtatrabahuhan niya.binigyan siya nito ng scholarship para makapag aral,ayaw niya sanang tanggapin noong una dahil wala na siyang oras sa anak niya kung pati pag aaral aatupagin pa niya.

At nang malaman ni Linda na may nag offer sa kanya ng scholar ay  pinilit din siya nito na tanggapin yon at may plano din itong bumalik sa pag aaral at tapusin ang kursong kinuha nito at nagkataon na pareho sila ng kursong kinukuha kaya sabay din silang pumapasok.at ang kapatid nito ang nag aalaga sa anak niya since huminto na ito sa pag aaral.

Nasa huling taon na din naman siya nong nahinto siya kaya tinanggap na niya ang offer at nag aral ulit siya ng isang taon.

At ngayon ay pareho sila ng pinapasukan ni Linda sa resort ito bilang Receptionist at siya ay manager.

Ilang buwan pa lang sila nag tatrabaho dito.buti na lang kilala niya ang may ari ng resort,ito din ang may ari sa Restaurant na pinagtrabahuhan niya noon.

NASA milk section si Lira at tumitingin ng gatas ng anak ng may maka agaw ng pansin niya.

Ito yong babae na kasama noon ni Leo na nakita niya sa mall.

Napatingin siya sa batang babae na hawak nito halos magkasing edad lang at ng anak niya,totoo ngang nagka anak ang mga ito at niluko lang siya ni Leo,bumalik ang sakit ng kanyang dibdib tulad noong makita niya ang mga ito na magkasama.

Inabot na niya ang gatas at pumunta na sa counter at nagbayad.

Sinulyapan niya ng huling tingin ang babae at nakatingin din ito sa kanya para bang nakakita ng multo.

Anong nangyayari dito?

Umalis na siya at di na ito pinansin pa.

Ano kaya ang ginagawa ng mga ito dito?
Nandito din kaya si Leo?
Bigla siyang kinabahan kung  nandito ang mag-ina nito ibig sabihin nandito din ang binata.binata?sarkastiko siyang napatawa,sigurado ba siyang binata pa si Leo?siguradong nagpakasal na ito.

Dali-dali na siyang umalis at baka nga nandito ang binata baka makita pa siya.

Diretso siyang nagpahatid sa bahay nila sa taxi na nasakyan niya.

Nilapag niya  sa kusina ang pinamili bago inayos sa lalagyan.

"M-mm-omy"napangiti siya at nilingon ang anak.
Karga karga ito ni Linda.

"Hi baby namiss mo ba si mommy?"kinuha niya ito at kinarga at saka binalingan si Linda.

"Salamat Linda"

"Ano kaba di kapa nasanay"

"Magluluto na ako ng pagkain natin don kana asikasuhin mo na si baby Ace kanina pa yan mommy ng mommy"sabi nito at ito na ang nagpatuloy sa ginagawa niyang pag aayos ng mga pinamili niya.

Di na siya umangal pa alam naman niya na di siya mananalo dito.

Dinala na niya si baby Ace sa kwarto at nakipaglaro na lang dito dahil naka pajama na ito tapos na itong bihisan ni Linda.

Di niya napigilan na pagmasdan ito.
Kuhang kuha nito ang itsura ni Leo buhok lang yata ang nakuha sa kanya na medyo kulot.

Kaya natatakot siyang magkasalubong ang landas nila,baka kunin nito sa kanya ang anak niya.

Kaya hanggat maaari ay iniiwasan niyang dalhin sa pampublikong lugar ang anak baka may makakita sa kanya na kakilala nito o ito mismo ang makakit sa kanila.

Kahit alam niyang malayo naman ang lugar na ito sa kung saan siya nanggaling.

"Kakain na tayo pagkatapos nito Lira"sabi nito sa kanya nang pumasok siya sa kusina para ipagtimpla ng gatas si Acel.

"Sige,patutulugin ko muna itong bubwet na'to"sabi niya at hinalik halikan ang anak.

Pagkatapos magtimpla ay dinala na ulit niya ito sa kwarto at pinatulog saka siya bumaba ng masigurado na tulog na ito sa crib nito.

"Lumalaki na si baby Ace no"sabi ni Linda.

"Oo kaya mas lalong nakakatuwa lalo na pag tinatawag niya akong mommy,hay parang heaven ang feeling"

"Masaya ako na masaya ka Lira"

"At salamat sayo Linda dahil sa tulong mo ay nakayanan kong ipagpatuloy ang buhay kasama  si baby Ace."

"Pano kung malaman ni senyorito na nagkaanak kayo?"natigilan siya sa tanong nito.

"Hindi niya malalaman"

"Lira alam nating hindi habang buhay na maitatago mo si Acel sa kanya, tingnan mo ang anak mo kamukhang kamukha niya."

"Alam ko naman yon.tsaka di niya malalaman na may anak kami at di niya ako hahanapin dahil di naman ako naging mahalaga sa kanya."sabi niyang naiinis.

Di na rin umimik si Linda sa kanya at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

At sinisiguro niya kung sakaling makikita at malalaman ni Leo na may anak sila ay hindi niya basta basta ibibigay ang anak dito kahit anong mangyari.

Love me (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon