Chapter 9

181 56 4
                                    

Wala silang trabaho ngayon kaya naman nandito lang sila sa condo nakatambay.

Since wala naman silang  gagawin ay napagpasyahan nilang manood na lang ng Netflix sa condo.

Tumayo siya at pumunta sa kusina para kumuha ng kanilang snacks at pagbalik niya ay nanonood na si Leo habang nakaupo ito sa couch.

Nilapag niya ang snacks na nakuha niya sa kusina at umupo  sa tabi nito.

At nanood na rin siya habang paminsan minsan kumakain ng chips ganun din ang binata.
Di siya mahilig sa action movies pero ito ang pumili ng mapapanood kaya pinagtyagaan na lang niya pero di niya inasahan na magugustuhan din niya sa bandang huli ang pinanood.nang matapos ang una nilang pinanood ay siya naman ang pumili at Rom-com ang napili niya.

Kinuha ni Leo ang isang kamay niya at iniangat nakapatong kasi ito sa kanyang hita saka ito nahiga don.

"Napagod ako sa kakaupo"sabi nito
Di siya umimik at hinaplos lang niya ang buhok nito.

Sa kanilang dalawa ay ito ang mas clingy.palaging nakadikit sa kanya
At naglalambing.

At gusto naman niya na ganon ito sa kanya.

Kinuha nito ang isa niyang kamay at hinalik halikan.

"Gusto mo bang ipagpatuloy ang pag aaral mo?"

Tanong nito maya maya.
Iniisip din niya kung gusto pa ba niya ipagpatuloy ang pag aaral isang taon na lang naman at gagraduate na siya.

"Oo pero nag iipon pa ako para sa susunod na pasukan may pang enroll ako"sagot niya dito,umupo ito at humarap sa kanya.nawala na sa pinapanood ang kanyang atensyon.

"Lira pwede kitang pag aralin kung gusto mo"

"Di na kailangan,mag iipon muna ako at pag may sapat na akong ipon saka na ako babalik sa pag aaral,wag mo akong intindihin."hinaplos niya ito sa pisngi.

"Okay,pero pag nagbago ang isip mo sabihin mo lang sakin"mabilis na hinalikan siya nito sa labi.

"Okay"

Umayos na ulit ito ng upo.

"Gusto mo bang umuwi sa probinsya?"

Napatingin siya dito

"Oo naman"halata sa boses niya ang saya gusto niya din kasi madalaw ang tatay niya.dalawang buwan na simula nang lumuwas siya dito sa maynila.

"Sige,uuwi tayo bukas."sabi nito at napayakap na lang siya dito sa sobrang saya.

"Salamat Leo"

"Para sa ikakasaya mo lahat gagawin ko"tugon nito.pinagpatuloy nila ang kanilang panonood.

Di niya namalayan na nakatulog na pala siya,nagising siya ng makaramdam ng gutom,babangon na sana siya ng marinig niya ang boses ni Leo nakaharap ito sa balcony at nakatalikod sa kanya at may kausap ito sa telepono.

"I told you we are done,please don't bother me anymore.pinagbigyan na kita at di na mauulit yon."sabi nito at pinatay na ang tawag.

Pinikit niya ulit ang kanyang mga mata baka sabihin nito na nakinig siya dito habang may kausap ito sa telepono.

Narinig niyang ang pagbukas sara ng banyo kaya dinilat na niya ang kanyang mga mata.

Love me (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon