Chapter 2

288 82 5
                                    

Kinabukasan pumasok ulit siya sa mansyon pagkatapos niyang masiguro na ayos lang ang tatay niya.

Pagdating niya sa mansyon ay abala ang lahat na ipinagtaka niya kasi di naman madalas ganito dito sa mansyon pag may handaan lang.nakasalubong niya si Linda isa sa mga kasambahay dito mas bata ito sa kanya ng isang taon "Linda bakit kayo abala anong meron?"tanong niya dito.

"Lira buti dumating kana halika tulungan mo ako dito papalitan natin ang mga kurtina sa sala."napatingin siya sa mga kamay nito na may buhat buhat na mga malalaking kurtina tinulungan niya ito at naglakad na sila at sinimulan ang pagpapalit ng kurtina sa sala.

"Linda anong meron?"tanong niya ulit
"Darating kasi mamayang gabi si senyorito at magpapawelcome party si Don Alfonso para sa kanya".

Darating na pala si Leo at mamaya na yun akala niya nung sabihin sakanya ni Leticia na dadalaw ang kuya nito ay sa mga susunod na araw pa.

Kung ganon makikita niya na talaga ito mamaya,ano na kayang itsura niya?.
tanong niya sa sarili.

Nung huli niya itong makita five years ago pa at di  naman niya nakikita ito sa mga picture parang wala naman kasi itong social media at tuwing umuuwi si Leticia dito  naman niya naitatanong kung may picture ba ito ng kuya nito dahil mas sabik silang makabonding ang isa't isa.

Siguro mas lalong gumuwapo yun
Dagdag niya pa sa isip.

Natapos din sila sa pagkabit ng mga kurtina sa living room at pumunta na siya sa kusina para ipaalam kay manang na nandito na siya ,hindi kasi ito ang nagbukas ng gate sakanya kanina.

"Manang magandang umaga ho"bati niya dito "magandang umaga iha".tinanong siya nito kung nakapag almusal na ba siya "Opo,sumabay na po ako kanina kay itay dun sa bahay"sagot niya.

"Sige,na gawin mo na ang trabaho mo at marami pa tayong gagawin mamaya para sa pagdating ni senyorito Leo."
At ayun na naman ang puso niyang di  mapigilan sa pag tibok.

Pangalan pa lang yun pero para nang kabayong nag uunahan sa pagtakbo ang tibok ng kanyang puso.

Umalis na siya at pumunta na sa may hardin at ginawa na ang mga nakatoka sa kanyang trabaho at tumulong na din siya sa mga gawain para mabilis din silang matapos.

Meron ding mga trabahador na dumating para tumulong sa mga gawain.

"Lira"napalingon siya sa tumawag sa kanya kasalukuyan siyang tumutulong sa pag set-up ng mga table sa may hardin dahil dito gaganapin ang party.

"Hi Let"si leticia ang nalingunan niya at mukhang bihis na bihis "may lakad ka?"tanong niya.

"May Lakad tayo,halika na"sabi nito
"Pero may ginagawa pa ako".

"Ano kaba hayaan mo na yan,tapos ka na naman sa trabaho mo,tsaka marami naman sila dito kaya na nila yan"sabi nito at hinawakan siya sa may pulsuhan at inakay sa kusina para makapag paalam kay manang na isasama siya nitong aalis at pumayag naman ang huli

"Saan ba tayo pupunta?"Nasa daan na sila ng magtanong siya nakaupo siya sa may shotgun seat.

"Sa mall,bibili tayo ng maisusuot mo"tugon nito na ikinagulat niya.

"Ano?kinaladkad mo ako para lang bumili ng damit ko at para saan naman?"

"Ano kaba Lira,diba may party?"sabi nito na di man lang siya sinulyapan at nakatutok ang tingin sa daan.

Love me (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon