Chapter 5

216 73 3
                                    

SIMULA ng mawala ang kanyang ama ay di na siya bumalik pa sa mansyon.
Gusto niya kasing humanap ng ibang trabaho.

One week na ang lumipas since nung inaya siya ni Leo na sumama dito sa manila pero sinabi niyang pag iisipan niya muna.

Iniisip  niya kasi na nakakahiya kung sasama at titira siya sa bahay nito.ang kailangan niya ngayon ay bagong trabaho.

Meron pa naman natira sa ipon niya nung sa mansyon pa siya nag tatrabaho maliban kasi sa gamot ng tatay niya ay nag iipon din siya.

Naisipan din niyang makipagsapalaran sa maynila pero wala naman siyang mapupuntahan at kakilala.

Iniisip din niya ang bahay nila at ayaw niyang iwan dahil maraming magagandang alaala na naiwan ang tatay niya.

Siguro maghahanap muna siya ng mapapasukan sa bayan nila.

Tumunog ang phone niya at may message siyang natanggap galing kay Leo.

From:Leo
  Hi,baby don't forget to eat your lunch and take care always.

Napangiti siya sa pag aalala nito palagi nitong tsine check kung kumain na ba siya.

To:Leo
You too

Maikli lang ang sagot niya at binulsa na ang phone niya,ayaw niya itong istorbohin alam niya marami itong trabaho na inaasikaso.

Palagi itong nasa maynila at umuuwi lang ito tuwing weekend,kaya tuwing weekend din sila nagkikita.

Akala nga niya noon for good na ito nung umuwi ito dito pero wala pa kasi ang pinsan nito na  papalit dito na mamahala sa kompanya nila sa maynila.hinihintay pa nitong makabalik galing abroad.

Kasalukuyan siyang nagluluto ng dinner niya ng makarinig siya ng katok.pinatay niya muna ang kalan bago niya tinungo ang pinto.

"Leticia,anong ginagawa mo dito?"gulat niyang wika ng
mapagbuksan ito.

"Nakakatampo kana Lira ha,ayaw mo ba akong makita?"nagtatampo nitong saad.

"Ito naman nagtampo agad,halika pasok ka"niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ito sa loob.

Sinara niya ang pinto at sumunod dito na dumiretso sa maliit na upuan sa sala.

"Sandali lang ha tatapusin ko muna ang niluluto ko,teka kumain kana ba?" tanong niya dito.

"Hindi pa,dumiretso ako dito para makita ka."

"Sige,tatapusin ko lang para maihain ko na at nang makakain na tayo"tumango lang ito sa kanya.

Pumunta na siya sa kusina at tinapos ang niluluto.

Inihain na niya ang mga pagkain sa mesa at tinawag na si Leticia para mapagsaluhan na nila ang pagkain na niluto niya.

"You know what,talagang bagay kayo ni kuya mahilig din kasi yun magluto"sabi nito na nakangiti sa kanya.

Ngumiti lang din siya dito,nung sinagot niya ang kuya nito pinaalam niya kaagad dito, nagtitili ito sa sobrang tuwa,alam daw nito na doon din sila patungo.

Nasa sala na sila at magkaharap sila nitong nakaupo.

"Di ka pa ba uuwi?"tanong niya dito alas otso na kasi ng gabi at nag aalala siya dito.

"Malapit lang naman ang bahay kaya ok lang kahit late nako uuwi"sagot nito.

"Anong ginagawa mo dito,alam kong may dahilan ang pagpunta mo dito"napansin niya kasi na parang may sasabihin ito sa kanya.

Love me (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon