Sabay silang pumasok sa mansyon nina Leo.
Ito ang araw na makakaharap niyang muli ang mga magulang nito after a long years.
Huling niyang nakita ang mga ito ay noong middle school at di na niya muli pang nakita ang mga ito dahil naging busy na sa pagpapatakbo ng kompanya ng mga ito sa ibang bansa.
Two days ago pa ang mga ito dumating dito,at ngayon nga ay nandito sila para maipakilala na sila at ng kanyang anak sa mga magulang ni Leo.
"Are you okay?"tanong ni Leo sa kanya ng mapansing pinagpapawisan siya.Karga nito ang anak nila at hawak naman nito ang kamay niya ng isang kamay nito.
"Yeah i'm okay"sabi niya kahit pa kinakabahan talaga siya.
"Let's get inside they are all waiting for us"sabi nito at pumasok na sila sa loob.
Kinakabahan siyang sumusunod sa likuran ni Leo.
"Leo,anak!"isang babaeng di katandaan ang lumapit sa kanila
at niyakap ng mahigpit ang binata kaya naipit ang anak nila sa gitna."I miss you so much son!"madamdamin nitong wika at kumalas sa pagkakayakap ng binata at hinarap ang anak nila habang karga parin ito ni Leo.
"Siya na ba ang apo ko?"maluha luha nitong tanong. "Apo?come,i'm your lola"pagpapakilala nito sa anak niya at kinuha nito mula kay Leo.
Tumingin si Acel sa daddy nito na nagtataka.
"Son,she's my mother at siya ang lola mo"nakangiting wika ng binata ng mapansing naguguluhan ang bata."Lola?"sambit nito habang nakatingin sa lola nito.maluha luha naman ang babae nang tawagin siyang lola ng bata.
"Y-yes lola"sabi nito habang malawak na nakangiti sa bata.
Nakamasid lang silang lahat sa mainit na tagpong iyon.kapagkuwan ay tumingin ulit ang ina ni Leo dito.
"Where's Lira?"tanong nito.hindi siguro siya nito napansin dahil nakatayo lang siya sa likuran ni Leo at bahagya siyang natatakpan ng binata.
Lumingon si Leo sa direksyon niya saka siya hinila papunta sa mga magulang nito.
Nakayuko siyang lumapit sa mga ito,nasulyapan din niya si Leticia na nakaupo sa tabi ng lolo nito habang sa kabilang upuan naman nito ang ama.
"M-magandang araw po"nahihiyang bati niya sa ina ni Leo.binigay nito ang apo sa binata at hinarap siya.
"As expected,you grown up as beautiful woman"sabi nito at hinaplos ang kanyang pisngi.
"Napakaganda mo at natutuwa akong malaman na natupad ang pangarap ng anak ko na ikaw ang magiging ina ng kanyang anak"nakangiting sabi nito habang siya naman ay nakakunot ang noong nakatingin dito."Mom!"saway ni Leo sa ina na nahihiya.Teka lang,ano bang pinagsasabi ng mga ito?
"What?"natatawa nitong sagot sa anak.
"Mom,wag mo naman akong ibuko"napapakamot ito sa ulo at nagtawanan naman ang nakapaligid sa kanila.siya lang ang naguguluhan sa mga ito."Salamat,Lira na binigyan mo kami ng apo.matagal na naming kinukulit si Leo na bigyan na kami ng apo,pero palagi niya lang sinasabi na wala pa sa tamang edad ang babaeng gusto niyang maging ina ng anak niya"mahabang salaysay nito habang matamang nakatingin sa kanya at pakiramdam niya ay pulang pula na ang mukha niya ng maintindihan ang sinabi nito.
"Mom,naman!"tinawanan lang ng ina nito ang binata.Hinila siya ng ina ni Leo palapit sa asawa nito.
"Look at her,darling,ang ganda diba?kaya patay na patay ang anak natin dito kay Lira.Hinintay talagang magdalaga at inanakan kaagad"sabi nito sa daddy ni Leo at ngumiti naman ang matanda sa kanya.
"Magandang araw po!"mahinang niyang bati sa matanda.
"Magandang araw,Lira.saan paba magmamana ang anak ko kundi saakin?"natatawa nitong saad saka sinulyapan ang anak na di na maipinta ang mukha.
Lumapit si Leo sa kanila saka siya hinapit palapit sa katawan nito.
"Umupo kana,Lira.Wag mo silang pansinin"sabi nito at inalalayan siyang maupo.Nilinga niya ang anak na nasa kandungan ni Leticia at nakikipagbiruan sa tita nito.
"Kailan ang kasal,apo?"biglang tanong ng lolo nina Leo.bigla siyang nasamid sa tinanong nito.
"Lo,wag naman kayong manggulat"sabi ni Leo at hinimas himas ang likod niya.
"Are you okay,baby?"malambing na tanong nito sa kanya.
"Y-yeah,i'm okay"sagot niya dito saka yumuko.
"Well.."naghihintay parin ang lolo nito sa sagot ng binata.
"Lo,di pa po namin napag-uusapan ni Lira yan.saka na po"sagot nito sa lolo nito.talaga namang di nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal,di nga niya alam kung pakaksalan ba siya nito.
"Anong hindi pa?!may anak na kayo't wala ka pang balak na pakasalan itong si Lira?"singit ng ina ni Leo na nagulat sa sagot ng anak sa lolo nito.
"Mom,sa'min lang dapat ni Lira 'to.And relax pupunta tayo dyan"malumanay na wika nito saka kinuha ang kamay niya at pinisil.
Di siya makasabay sa usapan ng mga ito at nahihiya siya.Ayaw naman niyang pilitin si Leo na pakasalan siya.
Handa siyang maghintay hanggang sa maging handa ito na pakasalan siya.kung siya naman ang tatanungin ay payag siya,mahal niya ito at pangarap niyang makasal dito at mabigyan ng masayang pamilya ang anak niya.
"Just make sure,son,kasi gusto ko pa ng apong babae"sagot ng ina nito na ikinapula na naman niya.
Kailan ba titigil ang mga ito sa pag-uusap na para bang wala siya sa harap ng mga ito.Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at paminsan minsan din naman ay kinakausap siya ng mga ito lalo na ang ina ni Leo.
NAGPALIPAS sila ng gabi sa mansyon.Wala sana silang balak na matulog dito pero di pumayag ang ina ng binata na bibiyahe pa sila gayong gabi na raw.
Pumayag na rin sila at ngayon nga ay nasa kwarto na sila ni Leo dito sa mansyon at wala dito ang anak nila.
Kinuha ito ng mga magulang ni Leo at doon pinatulog.Buti na lang pumayag ang anak nila na hindi sa tabi nila matulog.
Simula kasi ng nasa poder na sila ni Leo ay nasanay na ito na katabi nito ang ama.
"Matutulog kana ba?"tanong ni Leo ng lumabas ito ng banyo at nakabihis na ito ng pantulog.Sinusuklay nito ang buhok pagkatapos ay lumapit na ito sa kanya at nahiga sa tabi niya.
"Yeah,but i'm thinking about our son.Baka 'di makatulog ang mommy't daddy mo"sabi niyang nag-aalala,pag gabi kasi ay malakas uminom ng gatas ang anak nila kaya baka di makatulog ng maayos ang mommy ni Leo sa kakatimpla ng gatas ng apo.
"Stop thinking about that,kaya na nila 'yon"sagot nito at dinantay ang isang braso sa kanyang tyan.
"Okay,let's sleep na"sabi niya at pinikit na ang mga mata.
Naramdaman niyang mas hinapit pa siya ni Leo palapit sa katawan nito,kaya ngayon ay dikit na dikit na ito sa tagiliran niya.
"Hmm,matutulog agad?hindi mo ba narinig si mommy kanina?she wants another grandchild?a girl to be exact"sabi nito habang pinapaliguan siya ng halik sa buong mukha.
"Magtigil ka nga Leo.I'm tired,not now"sagot niya at tinalikuran ito.hindi naman sa ayaw niya pero talagang napagod siya sa layo ng byahe nila kanina at 'di pa siya nakapagpahinga kasi di siya tinantanan ng mommy ni Leo,kung ano-anu ang tinatanong sa kanya.
"Don't worry babawi ako pagbalik natin sa maynila"pahabol niya bago siya tuluyang ginupo ng antok.
BINABASA MO ANG
Love me (COMPLETED )
RomantikUlilang lubos na nagtiwala sa lalaking mahal na akala niyang magbibigay sa kanya ng panibagong kasiyahan. Pumayag si Lira na tumira sa iisang bubong kasama si Leo.Akala niya magiging masaya na siya pagkatapos na mawala ang kanyang ama,pero sadyang m...