"Bye tita Linda i will miss you po"paalam ng anak niya kay Linda habang karga karga ito ng huli.
Nasa labas sila ng gate ng bahay kung saan sila nakatira ni Linda.
Ngayong araw ang alis nila papunta sa maynila.kahapon din ay pinasa niya ang kanyang resignation letter ayaw pang tanggapin ng kanyang boss pero sinabi niyang kagustuhan ito ng ama ng kanyang anak.
Sa huli ay pumayag din ito at nagbilin pa na kahit kailan niya gustong bumalik at pwedi siyang bumalik.
"Bye baby mamiss din kita ng sobra,kayo ng mommy mo"sagot ni Linda sa anak niya at tumingin sa kanya.
"Mamimiss din kita Linda at salamat sa lahat lahat."lumapit siya dito at niyakap ito habang karga parin nito si Acel.
"You can come to my house and visit them Linda"nakangiting saad ni Leo sa kaibigan niya.
"I'll definitely do that"masayang sagot ni Linda saka binigay na sa kanya si Acel.
"Mag iingat ka dito ha,call me if there's a problem"bilin niya dito.
"Palagi akong tatawag at siguradong mamimiss ko ng sobra sobra ang cute na batang to"sabi nito at pinisil ang pisngi ng anak niya.
Hinatid pa sila nito sa sasakyan.
At nakatanaw ito habang papalayo ang sasakyan nila.Hapon na nang marating nila ang tinitirhan ni Leo.hindi ito ang condo na dating tinitirhan ni Leo noon.
Isa itong malaking bahay.may bahay pala si Leo at di niya alam ito noon,sabagay bakit ba nito sasabihin sa kanya eh girlfriend lang siya nito noon.
"Dito ka nakatira?"tanong niya dito at nagtataka kasi bakit nakatira ito sa napakalaking bahay eh mag isa lang ito.
"Actually ngayon lang ako matutulog dito.matagal ko na to binili pero di ko pa alam noon kung kailan ako titira dito kasi iniwan ako ng taong dahilan kung bakit ko to binili"sabi nitong mataman nakatitig sa kanya.
Siya ba ang tinutukoy nito?ayaw niyang mag assume baka ibang tao ang tinutukoy nito.
"Pasok ka,pinalinis ko na ito kahapon"sabi nito habang karga si Acel.sumunod na lamang siya dito.
Umakyat ito sa ikalawang palapag.
Tatlo ang kwarto sa taas.pumasok ito sa kwarto sa gitna,hinuha niya ay ito ang master's bedroom.
Pumasok din siya at nilapag nito ang anak nila sa king size bed,nakatulog ito sa byahe.
"Dito ba kami matutulog ni Baby Acel,napakalaki naman nitong kwarto para sa aming dalawa"sabi niya dito habang naglalakbay ang mga mata sa loob ng kwarto.
"Dito tayong tatlo matutulog ngayong gabi kasi bukas pa darating ang mag aalaga sa anak natin"sabi nito at hinarap siya.
"What do you mean?diba kaya mo ako pinag resign para ako na ang mag aalaga sa anak ko?"nagtataka niyang tanong.
May balak siyang maghanap ng mag aalaga kay Acel but it's too early saka wala pa siyang trabaho kaya maaalagaan pa niya ang anak niya.
"Anak natin.anak ko rin siya"medyo inis nitong wika.
"Okay a-nak natin"sabi niya na ikinangiti ng binata.
"Much better"sabi nito at hinila siya palapit dito.
"Anong ginagawa mo?"natatranta niyang tanong.umupo ito sa kama habang nasa kandungan siya nito.
Tinukod niya ang dalawang kamay sa dibdib nito para lagyan ng space ang pagitan nila.
"I miss you"bulong nito sa tenga niya.
"L-leo"
Kinabig nito ang mukha niya paharap dito kaya nagtagpo ang kanilang mga mata.she can see the longing in his eyes.
Siya din naman sabik na sabik na mayakap ito at makasama but they have still a lot of things to clear up and put an end to it.
"Lira i want us to start all over again"sabi nito habang hinahaplos ang kanyang pisngi.
Hindi siya umimik at tiningnan lang ito.
"Please give me another chance to prove to you myself.gusto kong bumawi sayo at sa anak natin"pagsusumamo nito.
"B-bakit hindi mo ako hinanap noon?"Bumalik ang sakit ng dibdib niya ng maalala ang mga pinagdaanan niya.
"Lira you don't know what I've been through when you left me.kung saan saan kita hinanap.noong araw na iniwan mo ako hanggang umaga ang paghahanap ko sayo akala ko nakauwi kana sa condo ko pero pagdating ko wala na pati mga gamit mo.para akong nawalan ng buhay nang marealize kong tuluyan mo na akong iniwan"may pumatak na luha sa mga mata nito and it hurts her so much to see him like this.
Pinunasan niya ang mga luha nito at inangat ang mukha nito para magtagpo ulit ang kanila mga mata.
"I'm sorry,i was just jealous that's why i left you.akala ko din binalewala at iniwan mo na ako para sa ibang babae."humihikbing saad niya sa binata,hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito at dinala sa mga labi nito at hinalikan.
"Leaving you is gonna be the death of me"masuyo nitong wika sa kanya.
Niyakap niya ito ng mahigpit.
"I miss you so much Leo""I miss you too and thank you for giving me a second chance"bulong nito habang mahigpit din nakayakap sa kanya.
Kumalas ito ng yakap sa kanya at ginawaran siya ng masuyong halik sa labi.
Napangiti siya pagkatapos ng ilang taon ay di niya akalaing magsasama ulit sila.napakasaya niya ngayon lalo na sa anak niya.
Akala niya ay lalaki na itong walang ama sa tabi nito.
"Salamat din at hinanap mo ako"sabi niya ng kumalas ito sa kanya.
"Kahit ilang beses ka pang mawala at kahit ilang taon pa ang gugulin ko sa paghahanap sayo ay hindi ako susuko maibalik ka lang sa buhay ko"sabi nito at hinalikan ulit siya sa labi.
Natawa ito ng marinig ang pagkalam ng sikmura niya.di pa kasi sila nakapag lunch at ngayon ay almost dinner time na kaya siguro gutom na gutom siya.
"Stop it"sabi niyang nakasimangot ng di ito tumigil sa kakatawa.
"S-sorry"sabi nitong tumatawa parin.
"Let's eat na"sabi niya at tumayo mula sa kandungan nito.
"What do you want to eat?mag o-order na lang tayo,wala pa kasing laman ang ref natin."
Sinabi niya dito kung ano ang gusto niyang kainin saka inayos ang pagkakahiga ni Acel na himbing na himbing paring nakahiga sa kama.
They had dinner that night and slept together in one bed with their son.
Wala na siyang mahihiling pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/233318852-288-k553946.jpg)
BINABASA MO ANG
Love me (COMPLETED )
عاطفيةUlilang lubos na nagtiwala sa lalaking mahal na akala niyang magbibigay sa kanya ng panibagong kasiyahan. Pumayag si Lira na tumira sa iisang bubong kasama si Leo.Akala niya magiging masaya na siya pagkatapos na mawala ang kanyang ama,pero sadyang m...