"LIRA let's go down and eat some lunch."
Kasalukuyan siyang may iniencode sa computer niya ng lumapit si Leticia sa kanya.
"Um,okay tapusin ko lang to sandali na lang."
Tumango ito at bumalik sa table nito at nagretouch ng make up.
Tinapos na niya ang ginagawa nang matapos ay inayos niya na rin ang kanyang sarili at tumayo na.
"Tara na"sabi niya.
"Saan tayo kakain?"tanong nito sa kanya.
"Ikaw kung san mo gusto"
"Let's eat somewhere,meron akong nadaanang bagong bukas restaurant kanina let's try kung masarap mga pagkain nila."
Tumango lang siya at sumunod dito.
Hindi kalayuan ang nasabing restaurant,kakabukas lang nito two weeks ago.
May lumapit kaagad sa kanilang waiter at dinala sila sa bakanteng table.
"Salamat"sabi niya ng i-abot sa kanya ng waiter ang menu pagkatapos nilang umupo.
Tiningnan niya kung ano ang pwede niyang orderin.
"Hmm not bad,di masyadong expensive"komento ni Leticia sa price ng mga pagkain.
"Nakapili kana ba Lira?"
Sinabi niya dito ang gusto niya at may sininyasan itong waiter para makuha ang kanilang order.
"That would be all"huling sinabi nito sa waiter.
Naghihintay na sila sa order nila
Nang mapatingin siya sa entrance ng restaurant at nakita niya si Leo na may kasamang babae.Sino ang kasama nito?Sinundan niya ng tingin ang mga ito na umupo sa kabilang table di kalayuan sa kanila.
Pinaghila pa nito ang babae ng upuan bago ito umupo sa harap ng babae.
nakatagilid ang mga ito sa gawi nila
Dalawang table ang pumapagitna sa kanila."Lira are you okay?"tanong ni Leticia ng mapansin ang pananahimik niya.
"Oo"sagot niya at uminom ng tubig na nasa harapan niya.
Sinundan nito ang tinitingnan niya kanina.
"Kuya?"sabi nito
"Sinong kasama niya?"tanong pa nito.
"Baka kameeting niya"sagot niya kahit na parang tinutusok ng karayom ang kanyang dibdib.sabay ang mga ito dumating at pinaghila pa nito ng upuan ang babae.ka meeting ba yon?.
"Wait lang lalapitan ko"sabi nito at tumayo na pero pinigilan niya ito
"Hayaan mo na baka may pinag uusapan silang importante""Okay"at umupo na ito ulit.
Di nagtagal dumating na ang pagkain nila,nag simula sa silang kumain kahit pa parang di niya malunok ang pagkain lalo na nakikita niya si Leo na nakikipagtawanan ito sa babae.
Nakita niyang hinawakan pa ng babae ang kamay nito na nakapatong sa table at di man lang nito yon inalis.
Uminom na lang siya ulit ng tubig.
At tinuon na lang ang atensyon sa pagkain at di muling tumingin pa sa gawi ng mga ito.Tumayo siya ng matapos kumain at nagpaalam kay Leticia para pumunta siya ng comfort room.inayos niya ang sarili at huminga ng malalim para gumaan ang pakiramdam niya.
Paglabas niya ay nagulat siya ng naroon na si Leo sa table nila at luminga siya para hanapin ang babae pero di na niya ito makita.
Lumapit siya sa table niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/233318852-288-k553946.jpg)
BINABASA MO ANG
Love me (COMPLETED )
RomanceUlilang lubos na nagtiwala sa lalaking mahal na akala niyang magbibigay sa kanya ng panibagong kasiyahan. Pumayag si Lira na tumira sa iisang bubong kasama si Leo.Akala niya magiging masaya na siya pagkatapos na mawala ang kanyang ama,pero sadyang m...