"Bagay talaga kayo ni senyorito,Lira"kinikilig na wika ni Linda ng maikwento niya dito ang tungkol sa kanila ni Leo.
At nagpapasalamat siya na hindi tutol ang lolo nito sa relasyon nila.isa na lang talaga ang kulang na hinihintay niya ay ang salitang mahal kita galing sa binata.
"Kaya ka pala nawala agad dito eh,yon pala sumama ka na sa kanya"dagdag pa nito.
"Hindi naman ako sumama sa kanya,kay Leticia ako sumama kasi may inalok siyang trabaho sakin"
"Basta palagi kang uuwi para bisitahin kami ni manang"
"Oo naman,pag walang trabaho bibisitahin ko kayo dito palagi"nakingiti niyang wika.
"Lira,we need to go"
Napalingon siya kay Leo na pumasok sa kusina kung saan sila ngkukwentuhan ni Linda."Ah sige Linda mauuna na kami dadaan pa kasi kami kay itay,sabihin mo na lang kay manang na umalis na kami"paalam niya kay Linda kasi didiretso na sila sa maynila.
"Sige mag iingat kayo"
"Sige"
nakaharap siya ngayon sa puntod ng kanyang ama bandang hapon na kaya di na masyadong mainit ang araw na tumatama sa kanyang mukha.
Nakatayo din sa tabi niya si Leo.lumuhod siya at hinaplos ang puntod ng kanyang ama.
Tay.!namimiss na po kita sabi niya at di na napigilan ang luha na pumatak sa kanyang mga mata.
Tay,kasama ko po ngayon si Leo boyfriend ko na po siya,siya po ang nasa tabi ko noong nawala kayo at di ko alam ang gagawin.sana po di kayo tutol sa kanya.pinahid niya ang luhang patuloy na pumapatak sa kanyang mga mata at tumayo na.
Babalik po ako tay at palagi ko kayong bibisitahin.paalam niya at humarap na kay Leo."tara na"
Inakbayan siya nito at sabay na silang naglakad papunta sa sasakyan.
Hinawakan ni Leo ang kanyang kamay habang nagmamaneho ito.
"Are you okay?"tanong nito dahil napansin nito na kanina pa siya tahimik.
"Okay lang ako,namiss ko lang si itay"
Tugon niya dito.Dinala nito ang kamay niya sa labi nito at hinalikan.
"I'm always here""Salamat Leo"sabi niya at isinandig ang likod sa upuan.
"You can take a nap gigisingin na lang kita pag nasa maynila na tayo"
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at di na namalayan na nakatulog na siya.
Nagising siya sa mahinang tapik sa kanyang pisngi.
"Lira,wake up we're here"nagmulat siya ng mata at umayos ng upo inilinga niya ang kanyang paningin sa labas at nasa tapat na nga sila ng condo ni Leo.
"Ahm sorry natulog ako buong byahe"
"No,it's okay"bumaba na ito at pinagbukas siya ng pinto.
For the past next months,naging busy sila sa kani kanilang trabaho pero di parin sila nawalan ng oras sa isa't isa
May pagkakataon na inaaya siya ni Leo na kumain sa labas kaya ang mga ka officemates nila ay di na maiwasan maghinala sa relasyon nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/233318852-288-k553946.jpg)
BINABASA MO ANG
Love me (COMPLETED )
RomanceUlilang lubos na nagtiwala sa lalaking mahal na akala niyang magbibigay sa kanya ng panibagong kasiyahan. Pumayag si Lira na tumira sa iisang bubong kasama si Leo.Akala niya magiging masaya na siya pagkatapos na mawala ang kanyang ama,pero sadyang m...