Chapter 13

154 36 0
                                    

"Happy Birthday baby Acel"bati ng mga bisita sa kanyang anak.

Ngayong araw ang kaarawan ni Acel dito nila ginanap sa resort kung saan siya nagtatrabaho.

"Oh kayo naman ni baby Acel"sabi ni Linda at binigay sa kanya si Acel at tinulak siya nito sa unahan para kunan sila ng litrato ni baby Acel.

"Isa pa"umarte ulit siya sa harap ng camera kasama ang anak.

"Okay na ba?"tanong niya dito kasi nangangawit na siya sa katatayo.

"Okay na,ang gaganda ng kuha"

"Talaga?patingin"lumapit siya dito at umupo saka tiningnan mga kuha nila.

"Linda pakihawak muna si Acel punta lang ako ng restroom"binigay niya dito ang anak tsaka lumabas ng hall at tinungo ang restroom.

Pagkapasok niya walang tao sa restroom pumasok siya sa isang cubicle at pagkalabas niya may babae nang naghuhugas ng kamay,lumapit siya sa tabi nito at naghugas din ng kamay.

Di sinasadyang napatingin siya sa babae bigla siyang kinabahan ng makita ang mukha nito,buti na lang di ito sumulyap sa gawi niya?dali dali siyang umalis at lumabas.

Pagkalabas niya ng restroom mas lalo siyang nagulat sa nakita.

Nakasandal si i Leo sa pader at mukhang may hinihintay.

Bago pa siya makaiwas dito ay napatingin na ito sa gawi niya.

Gulat din itong nakatingin sa kanya.

"Lira"bulong nito pero sapat na para marinig niya.

Umatras siya at tumakbo palayo dito.
"Lira"sigaw nito kaya mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo.

Kinakabahan siya pano pag nakita nito ang anak niya.

Lumingon siya nang di na makita si Leo ay lumiko siya kung saan ginaganap ang party ng anak niya.

"Linda uuwi na tayo"kinuha niya si Acel mula kay Linda.

"Hah?bakit?dipa tapos ang party diba?" Sunod-sunod nitong tanong

"Basta uuwi na tayo"

"Ano bang nangyayari?bat namumutla ka?"sinipat nito ang mukha niya.

"Nandito si Leo a-at nakita niya a-ako"umiiyak na siya natatakot siyang mahanap sila ng binata.

"Hah?saan?"

" sa restroom,buti na lang nakaalis agad ako"

"Harapin mo na lang siya Lira"

"Hindi,ayoko,baka kunin niya sakin ang anak ko"nahihintakutan niyang saad.

"Please Linda uuwi na tayo"

Napabuntong hininga na lang ang kausap at pumayag na ito sa kagustuhan niya.

Habang pababa sa carpark at sakay ng elevator ay abot-abot ang kaba niya
Nakahinga lang siya ng maluwag ng sakay na sila ng kotse ni Linda.

Nandito na si Leo at nakita na siya nito paano kung talagang hahanapin siya nito? Pero kasama nito ang asawa nito.
Sana nagbabakasyon lang ang mga ito at aalis din.

Malalim siyang napabuntonghininga akala niya magiging maayos na ang buhay niya kasama ang anak pero bakit ito na naman?bakit hinahabol na naman siya ng nakaraan?.

"Lira phone mo nagriring"

"Hah?"gulat siyang napatingin kay Linda nasa sala sila at kanina pa siya tulala.

"Ano bang nangyayari sayo Lira?kanina kapa wala sa sarili mo,sabi ko phone mo nagriring oh"tinuro nito ang phone niya.

Unregistered number?
Sino kaya ito?

Love me (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon