"Akin ba siya Lira?"mahinang tanong ni Leo kay Lira,bakas sa boses nito na pinipigilan lang nito ang sarili na magalit.
Nasa loob sila ng sasakyan nito habang nakapark sa parking ng hospital.
Hindi niya namalayan kanina na sinusundan na pala siya nito papunta dito sa hospital nang makita kanina na natataranta siya.
"Anak ko ba siya Lira?"ulit nitong tanong sa kanya.
"Leo i can expl-"
"Just answer me damn it"sigaw nito sabay hampas sa manibela ng sasakyan."Oo"sigaw din niya dito.
"Bakit mo tinago sakin ang anak ko?"humarap ito sa kanya,nagtatanong ang mga mata nito.
"Hindi ko siya tinago sayo,kahit ako di ko alam na buntis ako ng panahong yon,nalaman ko na lang na buntis pala ako nong umalis ako"humihikbing paliwanag niya dito.
"Kung hindi ka sana umalis sana alam ko na may anak pala ako"nanunumbat nitong wika.
"Ako pa sinisisi mo?pagkatapos mo akong lukohin ako pa ngayon ang may kasalanan kung bakit di mo nakilala ang anak mo?"galit niya itong tinitigan sa mata.
"Hindi yan ang ibig kong sabihin"malumanay nitong wika.
"Ngayon alam mo na,sana patahimikin mo na ako"sabi niyang umiwas ng tingin sa binata natatakot siyang makita sa mga mata nito ang pagtutol.
"Now that i know gagawin ko ang lahat para makabawi ako sa mga pagkukulang ko"matigas nitong saad habang nakatingin sa kanya.
"What do you mean?"she asked with trembled in her voice.
"I want my son to stay with me"sagot nito na talagang nakapagpanginig sa kanya,ito na ba ang sinasabi niya kaya ayaw niyang malaman nito ang tungkol sa anak niya dahil alam niyang kukunin lang nito ang anak niya sa kanya.
"L-leo please don't do that.p-pwede ka naman bumisita sa kanya sa bahay,p-wedi mo rin siyang hiramin paminsan"nakikiusap niyang wika dito.
"You too are going to live in my house"simpleng wika nito at ini unlock ang kotse.
"C'mon baka hinahanap kana ng anak natin"sabi nito ng di siya kumilos at nakatulala parin dahil sa sinabi nito.
"Leo wait,anong ibig mong sabihin?"tanong niya dito.
"Titira ka sa akin at ng anak natin.halika na gusto ko nang makita ang anak ko."tuluyan na itong lumabas ng kotse at umikot sa gawi niya para pagbuksan siya.
Di alam ni Lira ang gagawin nakatulala lang siya habang naglalakad papunta sa kwarto ng anak.anong sasabihin niya sa bata,ayaw niyang biglain ito namulat ito na walang ama sa tabi nito.
Binuksan niya ang pinto at sumilip sa loob.natutulog parin ang anak niya.
Niluwagan niya ang pinto at pumasok siya habang nakasunod sa kanya ang binata.
"S-senyorito?"gulat na wika ni Linda pagkakita sa kanila.
"How are you Linda"tanong ng binata kay Linda.
"O-kay lang po senyorito pasensya na-"
"You don't have to say sorry,ako ang dapat magpasalamat sayo.you took care of Lira and my son"malumanay na pahayag nito saka lumapit sa kinahihigaan ni Acel.
"I'm sorry son"hinalikan nito sa pisngi ang anak at bumaling ulit sa kanya
"What's his name?""Acel"mahinang sagot niya
"Acel,kahit pangalan mo hindi ko alam"garalgal na wika nito.
"Babawi ako sa mga pagkukulang ko sayo at sa mommy mo"iniwas niya ang tingin sa mga ito.
Inabala niya ang sarili sa pag aayos ng mga prutas at mga pagkain sa lamesa.
"Lira,how did he know?"bulong ni Linda sa kanya.
"Sinundan niya ako kanina kaya niya nalaman"sagot niya.
"Kawawa naman talaga si Leo ngayon lang niya nalaman na may anak pala siya."
"Linda kasalanan din naman niya kung bakit di niya nakilala ng maaga ang anak niya."sagot niya sa kaibigan at sinaway na ito ng akmang sasagot na naman.
"Leo,you can go home and visit again tomorrow"sabi niya kay Leo ng mapansing nakatitig lang ito sa anak nila."No,i will stay here hanggang sa pwedi nang lumabas si Acel."sagot nito at tumingin sa kanya.
"Pano ka?san ka matutulog?"tanong niya dito.
"Ako na ang magbabantay sa kanya,pwedi na kayong umuwi at magpahinga."sabi nito sa kanila ni Linda.
"No,i will stay here.babantayan ko rin ang anak ko"sagot niya dito.
"Pwedi niyo namang bantayang dalawa.ako na lang ang uuwi"sabat ni Linda sa kanila.
"Salamat Linda"sabi niya dito at hinatid ito sa labas.
Pagbalik niya ay gising na ang anak niya napalapit siya bigla dito.
"Baby"hinawakan niya ang kamay nito.
"M-mommy?"
"Yes baby nandito na si mommy"hinalikan niya ito.
"Mommy sino po siya?"mahinang tanong ng anak niya at nakatingin kay Leo.
Binalingan niya ng tingin ang binata tahimik lang ito habang nakatingin sa kanila ng anak niya.
"Ahm baby diba di mo pa nakikita si Daddy?"marahan niya itong hinaplos sa pisngi.
"Daddy is here?"tanong nitong sabik na sabik.
"Yes baby he's here"
Binalingan niya si Leo at sinenyasan na lumapit.Hinawakan nito ang kamay ng anak na nagtatakang nakatingin sa kanila.
"Son,i'm your dad"sabi nitong naluluha na nakatingin sa anak.
Bumaling ang anak sa kanya na parang nanghihingi ng kompirmasyon.
"Yes baby,he's your dad"tumulo na din ang luha sa kanyang mga mata.
Pangarap niya ang makilala nito ang ama kahit pa akala niya noon ay napakalabo na magkaayos sila ni Leo at di niya akalain na nangyayari na ngayon ang kagustuhan niya.
"D-daddy?ikaw ang daddy ko"akmang babangon ito pero pinigilan niya.
"Stay baka mabinat ka baby"
"But i want to hug my daddy"cute nitong sagot sa kanya."I'll give you a hug baby"sabi ni Leo at ingat na ingat na niyakap ang anak.
"I love you so much baby"sabi nito habang nakayakap parin sa anak.
"I love you too daddy and i miss you so much"nakangiti na ang anak niya bakas sa mukha nito ang kasiyahan.
NAKAngiti lang si Lira habang pinagmamasdan ang mag ama niya.
Sinusubuan ng binata ang anak nila habang siya ay pinapanuod lang ang mga ito.
Ayaw ng anak niya na siya ang magpakain dito gusto nito ang ama ang magpakain dito at gustong gusto naman ng binata.
Tatlong araw na nila dito sa hospital at ngayong araw madidischarge si Acel.
Nang matapos kumain ng anak ay lumapit ang binata sa kanya.
"Lira isasama ko na kayo ni Acel sa maynila."sabi nito at umupo sa tabi niya.
Sinulyapan muna niya ang anak niyang naglalaro ng laruang binili ni Leo dito.
"Leo may trabaho ako dito di kami pweding sumama sayo"sagot niya dito
"I know,and i want you to resign"mahinang sabi nito habang nakatingin sa kanya.
"Leo alam mong di ko pweding gawin yan,kailangan ko magtrabaho para sa anak ko"
"At hindi mo na kailangan gawin yan i'm already here i can provide all your needs"sabi nito at tumayo na.
"Go home and pack your things"at bumalik na ito sa anak nila.
Wala na siyang magagawa ayaw din niyang mapalayo sa anak,maghahanap na lang siguro siya ng trabaho sa maynila.

BINABASA MO ANG
Love me (COMPLETED )
DragosteUlilang lubos na nagtiwala sa lalaking mahal na akala niyang magbibigay sa kanya ng panibagong kasiyahan. Pumayag si Lira na tumira sa iisang bubong kasama si Leo.Akala niya magiging masaya na siya pagkatapos na mawala ang kanyang ama,pero sadyang m...